Chapter 12 - Nobody's Business

61 4 0
                                    

Chapter 12



Nagkaroon ng Quarterly Medical Mission ang CMC. And this quarter ay sa isang squatter's area ito gaganapin. Malayo ito sa Northback Ville at nasa likod ito ng mga nagtataasang mga building sa upper city.

The Organizers had secured the safety of the team lalo pa at kilala itong hindi maayos na lugar, kumbaga nandito ang halos mga notorious na mga tao nakatira. Magkakaroon ng mahigpit na seguridad upang walang gulo na mangyari habang ginagawa ang medical mission.

There were two buses that accommodate the volunteer nurses and doctors. Yung ibang doctor naman ay may kanya kanyang sasakyan. Nasa isang sasakyan din ang mga libreng gamot na ipamimigay.

Dumating kami sa area bandang alas siyete ng umaga and we prepared right away. The local government unit also helps to put up tables and chairs. Alas 8:30 naman kasi ang umpisa namin.

Sa isang closed court kami nag set-up. Isang basketball court na may mga sementadong bleachers sa gilid pero open sa itaas. Mukhang pwede ngang akyatin at lundagan. Hahaha

Medyo isa isa na ring nagsidatingan ang mga taong gustong magpa check up ng libre at mabigyan ng libreng gamot.

I am seating next to Doc Arliza. Isa din kasi siya sa mga nagvolunteer. At dahil Pedia ito, mga bata ang kakaharapin namin.

First time kong umattend ng medical mission kaya sobrang na - eexcite ako. Minsan kasi nagkaka conflict sa schedule ko ang medical mission kaya di ako nakakasama. Buti ngayon, swak na swak. Haha

Ako yung magiging tagalista (Kuha ng primary informations) ng lahat ng magiging pasyente ni Doc.

Pagtungtong ng alas otso y media, nag - umpisa na kami. Madami - dami na rin kasi ang dumating. Halos lahat ng bata na lumalapit kay Doc iisa lamang ang iniindang sakit - lagnat na may kasamang sipon at ubo.

Makikita mo sa mukha ng mga magulang ng mga bata ang kakapusan sa buhay. Yung iba nagsasabi na hindi na sila nakabibili ng gamot dahil hindi na kinakaya ng kanilang pang araw-araw ng gastusin.

Nakakapanlumong isipin na sa araw araw tayong masagana ay marami parin ang hikaos sa buhay.

Matapos magreseta ng gamot ay ako ang nag aabot ng gamot sa mga pasyente. Inaabotan din sila ng iba pang volunteers ng pagkain na nakabalot na.

Buong maghapon ay yun ang aming ginawa.

Nakakataba ng puso na kahit nahihirapan sila ay mas pinipili nilang paghirapan ang kinakain sa araw - araw kesa gumawa ng kremin para lang may panglaman tiyan.

Napakarami kong natutunan sa mga pasyente ni Doc.

Wala ng nakapilang pasyente kay Doc kaya nakapahinga muna kami saglit mga bandang alas tres.

"Mag miryenda ka na muna anak." sabi ni Doc.

Napatango naman ako at agad nagpaalam para pumunta sa food committee at humingi ng miryenda.

Habang nakikipagkwentuhan sa kanila ay nahagip ng aking tingin ang isang bata na medyo madungis sa labas ng court. Nakasuot ito ng halos punit punit ng damit. But what caught my attention was the thing she was holding. May nakasukbit na malong sa balikat nito at niyuyogyog na parang hinihile. Parang bulto ng bata. Pero tila nakikipagtalo ito sa bantay.

Malamang nasa mga eight to ten years old yung batang babae.

Na-curious ako kaya nilapitan ko ang mismong entrance kung nasaan sila.

Ipinasok ko na lang sa dala dala kong bag ang hindi pa nangangalahating pagkain.

"Hindi nga kasi pwede bata. Dapat may kasama kang nakakatanda para makapasok." saway nung lalaking may pamalo sa kamay na nakasuot ng tsalekong may nakasulat na Tanod.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon