Chapter 27
Krizzle
"What?" Halos di makapaniwala kong tanong sa katabi.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa ng kwarto ni Christian sa tabi ng pinto. Parehong nakasandal sa upuan pero ngayon ay nakaharap ako ng bahagya sa direksyon nito dahil sa sinabi nito.
"Wait, you mean, t-totoong.........
hostage niyo si Bea Mae?" Ulit kong tanong.
"Yes." He confirmed.
"Wait, t-teka, bakit?" Naguluhan ko na talagang tanong.
I mean yes gangsters can be rude (sabi sa mga pelikula) but why does kidnap a girl? Kidnap for ransom ba? Pera ba ang gusto nila?
No! Imposible na man yun. May business si Christian, bakit pa niya kailangan mang kidnap for ransom?
Gusto lang manakot? Pero mukhang di naman takot yung si Bea Mae, well sort of. Kapansin pansin ang takot nito kanina nang magsalita ang Boss pero nang sabihin niya ang salitang Hostage, parang wala lang sa kanya.
Shemay! Ano ba talaga?
Whew! Mukhang information overload na ata ako. Di ko kasi alam pano magre-react.
"Madami ka na namang iniisip." pahayag ng lalaki sa tabi ko na nakaharap na din pala sa akin.
Pilit ang ngiting ipinakita ko dito. Well totoo naman kasi, di ko alam ang sasabihin sa iisiping nanghohostage na pala sila ng tao.
Para saan? Ano? Bakit?
Kinabig ako ni Christian papalapit sa kanya kaya nasubsob ako sa dibdib nito enhaling his scent. Isa pa to sa dahilan kung bakit nahihirapan akong mag-isip ng matino. Basta kasi kaming dalawa lang, mas malambing ito. Mahihiya ang nilalanggam na asukal.
"May dahilan kung bakit nandito siya sa poder namin Kriz." Sabi nito sabay haplos sa buhok ko. "As long as you won't cry, I'll tell you."
Napatingala ako dito kung kaya't nakita ang ngiti nitong alanganin. "Kaiyak iyak ba ang ikukwento mo?"
"Well, sort of." He answered truthfully.
Ibinalik nito ang ulo ko sa pagkakahiga sa dibdib nito kaya rinig ko ulit ang ritmo ng tibok ng puso nito.
"E di, wag mo na lang akong tingnan kapag umiyak na ako." Balik sagot ko.
"Tsk!" He just answered.
"Naku magkwento ka na at baka mag change topic ka na naman dahil ayaw mo ng magkwento." Saad kong ikinatawa nito kaya randam na ramdam ko ang paggalaw ng katawan nito.
"Ang totoo, kaya siya nandito ay dahil sa nangyari kay Sec." He said.
Pagkarinig ko sa pangalang binanggit nito ay iniangat kong muli ang tingin sa kanya na sinusukat kong tama ba ang sinabi nito sa narinig ko.
Gusto kong magtanong pero wala namang lumabas na salita sa bibig ko. Masyado pang masakit ang pagkawala ni Sec.
"What happened to Sec was an ambush at ang may kasalanan ay ang grupong sinamahan ng babaeng nagpakilala sayong Bea Mae." He added.
Ambush? What the! Inambush si Sec kaya siya namatay? Pero para namang walang galos ang mukha nito, nakipaglaban ba ito?
Napamaang lang akong nakatitig kay Christian na pilit inaanalisa ang sinasabi nito.
"Kasama ni Sec sina Rem at Jasper."
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...