Chapter 8 - Laugh

48 4 0
                                    

Chapter 8








Huminto ang motor ni Christian sa tapat ng isang gate na gawa sa kahoy na maraming tanim na mga bulaklak sa labas.

Hindi mo malaman kung bahay ba ito o isang garden sa dami ng tanim sa labas. Halos hindi mo nga mapapansin na may gate rito kung hindi mo lalapitan at titingnang maigi.

Medyo madilim din ang area dahil tanging poste lang ng kuryente ang umiilaw. Except dun sa mga kapitbahay nilang may mga ilaw sa labasan ng bahay.

Hindi naman nakakatakot ang lugar, meron din kasing mga mangilan-ngilang naglalakad.

Bababa na sana ako ngunit pinigilan ako nito. Bumusina ito ng isang beses at bumukas ang gate at may umingay na patunog, parang wind chimes na sinasabit sa bintana.

Kina Lowen na siguro ito. Isang beses lang naman ako nakapunta dito noon at parang hindi ko matandaan kung ganito ba yun.

Isang lalaki ang bumukas nung gate. Hindi ko siya kilala, mukhang bagu siguro nilang miyembro. Wala akong matandaan na may kapatid si Lowen na lalaki eh. Kapatid na babae lang, ate nito.

Ipinasok ni Christian ang motor at itinabi sa kaliwang bahagi ng lote ng makababa ako.

"Boss!" bungad nung lalaking matangkad pero may payat na pangangatawan. I can't see his face clearly dahil medyo madilim.

"Jerol, bakit walang ilaw?" nagtatakang tanong ni Christian matapos tanggalin ang helmet na suot.

"Aah, napundi po boss. Pero nagpabili na naman po. Baka maya-maya nandito na po sila." he explained.

Tango lang ang sagot nito.

Napansin ko ang bahay na sementado na. Isang palapag lang ito pero alam ko kina Lowen na nga ito. Natandaan ko kasi yung malagong halamanan sa kaliwa na siyang nilabasan nun ni Lowen. Tanda niyo pa ba?

Hahaha gulat na gulat ako nun eh.

I smiled at the memories I once had in here.

"Wow, tapos na pala ang bahay nina Lowen?"

Well, five years had past. What can you expect? Abroad ang ate ni Lowen, matatapos talaga ang bahay nila.

He didn't speak but just simply drag my hands intertwine with his. Tinungo namin ang halamanan.

Parang kurtina lang na hinawi nito ang mga halaman at pumasok kami dun.

Oh? May daan nga. Ibig sabihin dito nun dumaan si Lowen? Pati ba si Parekoy ay dito rin nun dumaan?

Pero para saan ang daan na ito? Bakit tago ang daan kung sakaling sa likod bahay nina Lowen ito diretso?

I hesitated at first pero hinila lang ako ni Christian kaya sumunod lang ako.

Para lang eskinita ang daan. Sementado ang magkabilang side. Pader sa kaliwa at haligi ng bahay sa kanan. Flat lang din ang daanan. Lupa lang ito pero patag lang at hindi rin mabuhangin.

Nakikita ko ang binabaybay naming daan dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan at mga bituin.

May liwanag akong nakikita dun sa unahan. Yun na siguro ang likod bahay nina Lowen.

Habang papalapit din kami ay merong ingay na unti unting lumalakas. Boses ng mga taong tila nagkakasiyahan at tunog ng tila videoke machine.

Narating namin yung dulo at nagulat ako dun sa nakita ng aking mata.

Akala ko talaga may makikita akong tolda na ginagawa namin sa bakuran namin sa tuwing may okasyon, o di kaya ay likod bahay na may busyng busy mga tao.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon