Chapter 15
"Baka gusto mong sabihin sa akin kung anong nangyayari?" nakataas ang kilay ko habang sinusuri itong kaharap ko na pangiti ngiti lang.
Nandito kami ngayon sa Happy Treats, isang café for those who likes sweets. I ordered Chocolatte samantalang coffee naman ang order nang kausap ko.
Kaaalis lang namin sa bahay ng mga Perez and I asked him out for a drink - secretly.
Konti lang ang tao sa loob ng Happy Treats kaya naman okay lang na mag-usap kami ng personal. Nasa may sulok din kami sa tabi ng glass wall.
"Huh, Bunso? or should I say Niccolo?"
Napakamot sa ulo ang lalaking tinawag kong Niccolo.
"Ms. K, kumusta?" nakangiting bati nito avoiding may question.
Pinanliitan ko ito ng mata.
"Nickel!"
Yeah, you heard me right. He's Nickel, my bunso sa The Streets.
"Classmate kami dati and Blockmates sa mga minor subjects ko. Ganoon lang!" sabi pa nitong nagkibit-balikat.
If I could remember it right, Chean is taking up Business Administration majoring in Financial Management while Nickel - Computer Engineering. So, minor subjects nga lang sila pwedeng magkaklase.
Mas lalong naitaas ko ang kilay still unconvinced of his explanation.
Imposible!
Something's wrong especially sa pagkikita namin kanina sa bahay ng mga Perez.
Matapos naming magkantahan, magsayawan at magtawanan, Something (I mean Someone) caught my attention.
Napatingin kasi ako sa gawi nina Christian pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.
May kasama si Chean. Isang lalaki na matangkad, mestizo at nakangiting nakikipag usap sa mga pinsan ni Che dun sa table nina Chan at Christian.
Nickel? Ikaw ba yan?
Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Nickel at Christian. Masama ang tingin na binibigay nito sa binata na para bang ayaw niya rito habang nakangiti parin ang huli.
Why? Bakit parang hindi gusto ni Christian si Nickel the way he looked at him?
"Siya ang Niccolo ni Chean!" nakangiting paalam ni Marion sa mga lalaking tinitingnan ko.
Oh, hindi ko siya napansin.
Masyado atang halata ang pagtitig ko sa daku roon. Hindi rin ako agad nakasagot sa sinabi nito dahil pilit ko pang inaanalisa ang kasaluuyang pangyayari.
Niccolo? Yun ba ang real name ni Nickel?
Nickel is a member of The Streets. Is this some kind of their drama? Bakit magkakilala sina Chean at Nickel? Boyfriend niya ba ito kaya galit ang Boss sa isa nitong miyembro?
Yung sa birthday ni Luther. Tila nag aalangan ang iba na sabihin kung nasaan si Nickel, is it because of this? Is he out of the gang?
"Tss, come on bunso! They refer you as 'Niccolo ni Chean', Are you her...."
"Naku Ms. K, baka hindi na ako sikatan ng araw pag nangyari yan!" natatawang putol nito sa sasabihin ko.
I even raised my fingers to quote yong 'Niccolo ni Chean'.
Yeah, masyadong protective si Boss sa kapatid nito kaya maaaring totoo ang sinasabi ni Nickel, hindi na ito sikatan ng araw kung boyfriend siya si Chean.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...