Chapter 47
Isang buwan ang lumipas na hindi ko pa rin nahahanap si Christian. Kahit ang ibang mga kaibigan namin ay nalapitan ko na, just so I could ask if they knew his whereabouts. Maya't maya din akong tumatawag kay Chean at baka umuwi na si Christian. Halos tumambay na rin ako sa Kamayan kapag lumalabas sa bahay nina Best.Pero wala. Kahit sina Parekoy ay hindi naman alam kung nasaan ang Boss nila. At mukhang nagsasabi naman sila ng totoo kasi makikita sa kanila yung lungkot dahil sa wala ang kanilang boss.
Sa loob ng isang buwan, andaming nangyari. Pero hindi parin nagpapakita sa Christian.
Mine, saan ka na? Magpakita ka na please.
"Ma'am, andito na po tayo." Pukaw ng nagda drive na si Chance.
Nagpahatid kasi ako sa SGU dahil kikitain ko si Drew. May gusto lang kasi akong itanong sa kaniya.
Naiparada na nito ang sasakyan. Nauna ng bumaba si Reys at nakasunod akong bumaba. Hanggang ngayon, eh, may bodyguard pa rin ako.
Nakasunod sa akin ang dalawa nang makapasok ako sa East Building. Usapan namin ni Drew na magkikita sa aming dating tambayan, ang cafeteria na malapit na Sports Gymnasium. Nasa gitna ito ng West at South Building kaya malayo layo pa ang lalakarin ko.
Papalabas pa lang ako ng corridor ng East Building when I heard someone calling my name na ikinalingon ko.
"Krizzle!"
It's Mike. Tinakbo nito ang distansiya namin at hinalikan ako sa pisngi nang makalapit.
"Mike! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Pinatawag ako ng Dean. He wants my Team to cover the Summer Camp na gaganapin dito sa SGU."
Ang tinutukoy nitong Summer Camp ay ang annual Sports Camp ng four district ng City at mukhang dito nga yun gaganapin sa SGU ngayong taon.
"Oh, malapit na nga yun ah!"
Usually kasi nag-uumpisa yun ng second week of April at nagtatapos ng last week of the same month.
"Yeah!" Sang-ayun nito. "Eh, ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"Magkikita lang kami ni Drew sa dating tambayan."
"Oh! Okay lang ba na samahan kita?"
"Wala ka na bang gagawin?" Pigil ko rito at baka matulad ng nakaraan na dahil sa utos ni Yvonne.
"No, wala na. Gusto ko din sana kausapin si Drew kaya lang nawala din sa isip ko kanina matapos ang meeting with the Dean."
Sumang-ayun na lang din ako at sabay naming tinunton ang dati naming tambayan. Malapit ng matapos ang school year at maraming estudyante na pakalat kalat sa campus field, hallways, kiosk at kahit sa loob ng mga rooms na walang professors.
Narating namin ang cafeteria at agad naming nakita si Drew na nakauniporme pang nakaupo sa isa sa mga upuan na naroon sa gitna ng kainan. Agad itong napangiti nang makita kami at sinalubong ako ng halik sa pisngi at pakikipagkamay kay Mike.
"I didn't know kasama mo si Mike, Kriz." Bungad nito matapos naming maupo.
"Ayaw mo ba akong narito Prof?" Tukso ni Mike dito na umaktong tila nasasaktan pa. "Ouch!"
"Because as far as I remember, Mr. International Photographer, busy ka diba? Busy ka kakahabol kay Natalie." Makahulugang sabi ni Drew na ikinatahimik ni Mike.
Napatingin naman ako sa gawi ni Mike at napansin ko ang paglamlam ng mga mata nito.
"Ayun! Kung makapagsalita akala mo naman hindi niya hinahabol si Thea." He barked to him.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...