Chapter 1 - Confession

131 9 15
                                    

Chapter 1



"Ngayong linggo sa akin kayo maa-assign, kaya naman sasamahan niyo ako sa NICU to regularly check......"

Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi ni Nurse Odelle, ang aming trainer, dahil sa pinaghalong gulo, sakit, kaba at kung anu-ano pang nararamdaman ko ngayon.

Isa ako sa mga OJT-Nurse ni CMC (Centurian Medical Center), isa sa mga affiliated organization ng aming university, ang SGU (Saint Gabriel University).

Hindi ako kinakabahan ng dahil sa kay Nurse Odelle kami maa-assign at sa NICU pa, mabait naman si Nurse Odelle, kundi sa kung anu at sino ang nandun sa station na yun na maaari kong makita.

Napabuga ako ng hangin na tila hinugot ko pa sa kailalimang bahagi ng diaphragm ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko na nga ata marinig ang nasa paligid ko, plus, nanginginig na rin ang kamay ko.

Naku naman, bakit ngayon pa kami nag shift sched. Last week kasi sa Pedia kami, Ngayong linggo sa Nursery. Dapat ay sa Maternity pa kami kaso on leave pa yung naka assign sa aming doctor kaya skip muna kami dun.

"Paz, ayos ka lang?" concern na tanong ng kaibigan kong si Belle, pero dahil surname ang tawagan namin, Layson tawag namin sa kanya.

Katabi ko kasi ito kaya malamang napansin niya ang panginginig ng kamay ko.

"Oo naman," tipid kong ngiti dito ng hindi tinitingnan.

Maya-maya pa ay isa-isa na kaming naglakad papunta sa nurse station adjacent to the NICU. Habang papalapit na kami sa pinto ay siya ring unti-unting pagbigat ng hakbang ko at pagdagundong ng kaba sa dibdib ko.

My day is just starting. Hindi pa nga ako nakahanda, worst na agad ang panimula.

What a great day!

Insert sarcasm on that.

Good luck Krizzle,

Prepare yourself.

Damn!

Nurse Odelle swings the door and right in front of us came out a man and a woman na parehong naka lab gown at kagagaling lang sa loob ng ICU.

The people I begged not to see.

Yeah, It was my Ex - Chan with that girl - she got pregnant.

It's been 6 months. Yes, fucking six months simula ng malaman kong nakabuntis si Chan and di ko pa rin matanggap.

It still damn hurts!

Like how the hell you would accept it? Ganon-ganon na lang?

Move on?

Like the hell it's easy.

Pareho kaming nabigla sa nangyari though, I already suspected this. Pero nabigla parin ako. Seeing them together hurts me. Di ko nga alam kung pano ko nakayang tumayo pa rito na nanginginig na yung mga tuhod ko. Well, scratch that. Buong katawan ko ata ang nanginginig - sa kaba at galit.

Just by thinking of the possibility na magkikita kaming tatlo makes me weak and breakdown. Kahit pa sabihin natin matagal na yun, pero matagal na ba ang six months para makalimot?

Nope.

It isn't easy. I almost scream at them.

Chan is looking at me intently pero nag iwas ako ng tingin. Hindi pa kami nag uusap ng maayos after niyang aminin sa akin ang tungkol doon sa nabuntis niya.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon