Chapter 42 - Batang X

26 4 0
                                    

Chapter 42







"Isang Raid ang nangyari sa loob ng East Port kung saan nasabat ang mga matataas na kalibre ng baril na illegal at ilang kilo ng ipinagbabawal na droga na nagkakahala ng limang bilyon na ipinuslit sa Syudad. Ayun sa mga Swat Team na rumesponde, marami ang nasawi sa nasabing palitan ng bala sa bawat kampo at marami din ang sugatan."

Iba't ibang balita ang lumabas sa bisperas ng Pasko sa East Port. Sinelyuhan ng Kapulisan ang Gate 8 ang East Port kung saan naganap ang malagim na kaguluhan.

May mga trabahante ng Port na nadamay sa nasabing raid habang timbog naman ang iilang miyembro ng sindikato na siyang naging utak sa nasabing kaguluhan.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek ngunit tumangging ipaalam sa publiko.

"We will disclose any information yet, para sa kapakanan ng mga taong involve sa kaguluhan. But as of the moment, ang mga sugatan ay agad ng dinala sa mga malalapit na pagamutan at lahat sila ay mahihingan ng pahayag." Tugon ng hepe ng Pulisya ng Silangan sa publiko.

Ilang mga media ang nagpupumilit na makapasok ngunit matindi ang seguridad na ginawa ng kapulisan dahil na rin sa ang nangyaring kaguluhan ay may kinalaman sa apat na Gang na namumuno sa apat na distrito.

May NBI, Soco at Swat Team sa loob ng Port, pinag-aaralang mabuti ang dapat na ipalabas lamang sa publiko.






-------------
















Ang mga miyembro ng Norte ay kasalukuyang nagpapagaling sa DPO. Nang makapasok ang Kapulisan sa loob ng Pier ay isa isa ng napalabas ang mga ito sakay ng naghihintay na mga ambulansiya, dahil hindi sila maaaring makita sa lugar na pinangyarihan, upang protektahan ang kanilang kapakanan.

Ang mga naunang rumesponde ay mga tauhan ng iilang Alpabeto na alam ang nangyari. Chief Dacula o si Alpabetong D ang siyang nagcover sa lahat ng mga taga Norte. Silver o Alpabetong J ang siya namang humarap sa Hepe ng Kapulisan ng Silangan na siyang kaniyang nasasakupan. The Ninja's eloped too with The Queen and Eury.

At ang nangyari kay Krizzle ay pinalabas na Kidnap for Ransom, ngunit hindi na siya pinangalanan sa media.







---------















Gustuhin mang dalhin ni Christian si Krizzle sa DPO ay hindi pupwede dahil hindi pa ganun ka high tech ang kanilang ibang kagamitan sa panggagamot. Kaya naman nadala nila ito sa Centurian Medical Center kung saan nagtatrabaho ang Dalaga bilang kilalang hospital ng syudad.

Kasunod ng Binata ang ibang kasamahan tulad nina Imo na nahihirapan na ring huminga dahil sa lason nitong tinamo. Even Z was with them na walang malay at duguan.

Kahit gustuhin ni Christian na tahimik na ipasok sa emergency ang babae ay hindi yun maiiwasan dahil na rin sa kaliwa't kanang pagdating ng media lalo pa at Bisperas ng Pasko at pumutok na ang issue tungkol sa Raid na pinalabas sa Media.

"Y malapit na kami. Secure our entrance."

Dalawang magkasunod na ambulansiya ang lulan nila. At si Alpabetong Y, ang keeper ng Alpabeto, ay nagtatrabaho din sa CMC.

Hawak hawak ni Christian ang kamay ng nobya na sobrang lamig. Maya't maya ang paghaplos nito sa palad ng babae upang painitin ng bahagya ang katawan. May kasama silang Nurse sa loob ng Ambulansiya at siyang nagpa pump ng hangin sa dalaga. She's barely breathing, at pakunti ng pakunti ang pulso nito. Her eyes are shut close kaya ganun din ang pagkausap ng binata sa nobya.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon