Chapter 44
Halos magdadalawang buwan na ang nakalipas simula ng nangyari ang kaguluhan na iyon sa East District. Pinangalanan ng batas ang maysala at kasalukuyan pang nililitis ang kaso dahil maimpluwensiyang mga tao ang sangkot. At lampas isang buwan na rin ang lumipas nang magising si Krizzle.
Isang linggo matapos ang aksidente nang magising itong namamanhid at hindi maigalaw ang buong katawan. Dumaan sa therapy ang kaniyang buong katawan upang maigalaw niya ng maayos dahil kapag ipinipilit ay naiiyak siya sa sobrang sakit.
Halos tatlong linggo din siyang dumaan sa therapy, physical and psychological, dahil tila ayaw niyang paiwan mag-isa dahil parang lumiliit ang kwarto nito at dumdilim na ikinatatakot niya. Marahil dahil sa trauma na iniwan sa kaniya ng pangyayari.
Isang buwan matapos ang aksidente ay nakalabas si Krizzle ng Ospital. Pinilit siya ng mga magulang na umuwi muna sa kanila sa probinsiya which si Obliged upang makalanghap umano ng sariwang hangin.
She was welcomed by her family with open arms. Literal na malalaking yakap at simpatya dahil sa pinagdaanan niya.
Ilang araw matapos makauwi ay hinanap ni Krizzle yung taong palaging gumugulo sa isip niya nitong mga nagdaang araw. Hindi niya mahanapan ng pagkakataon dahil inililihis ng mga ito ang usapan kapag ito na ang lagi niyang tinatanong. Hinuha niya ay iniiwasan nila ang topic na iyon, kaya naman minabuti niyang nakawin ang sariling telepono sa kwarto ng mga magulang upang tawagan ang taong kaniyang hinahanap.
Mag iisang buwan na niyang hindi nahahawakan ang sariling telepono at malamang ay marami na siyang babasahing mga mensahe.
Dahan dahan ang paggalaw ni Krizzle papasok sa kwarto ng mga magulang dahil nasa palayan ang mga ito sa ngayon. Ang ate Erah niya naman ay nasa bahay nila sa kabilang bakod samantalang si Rhea ay nasa labas kaya minadali niya ang pagpasok. Hindi pa daw siya pupwedeng humawak ng telepono dahil ayaw na muna umano nilang e associate si Krizzle sa mga di magagandang balita.
Hinanap niya sa mga drawers ng cabinet ang kaniyang telepono. At ngiting tagumpay ito nang makita sa may drawer sa ilalim ng salamin ang hinahanap.
"Ate K, anong ginagawa mo dito?"
Patay! Sigaw ng utak ni Krizzle. Nahuli siya ng kapatid kaya kaagad niyang naitago sa bulsa ng blusa ang cellphone.
Simula ng maging open si Rhea at Achi or Chill sa kanilang buong angkan, K na ang tawag ng kaniyang bunsong kapatid sa kaniya. Malamang ay lagi nito iyong nadidinig kay Achi.
May alam naman si Rhea sa Grupo ng Kalye pero ang alam niya lang ay Grupo ng barkada, base na rin sa sabi ng Boss.
Rhea eyed her suspiciously na mukhang nakita ang lahat ng galaw niya.
"Bakit mo kinuha ang cellphone mo? Bawal pa yan sayo eh. Akin na!" Akmang babawiin ng kapatid pero di nito ibinigay.
"Isasauli ko naman. Titingnan ko lang kung nagtext ba o tumawag si Christian, isang buwan ko na siyang di nakikita eh. Miss ko na si X!" Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at lumabas ng kwarto nilagpasan ang kapatid na nakaharang sa may pinto at parang di nakagalaw.
Hindi naman pa pinigilan ni Rhea ang kapatid. Ngunit nabalot ng pagtataka si Krizzle nang mabasa ang nilalaman ng Messages at Call logs nito.
Meron mga mensahe at tawag mula sa nobyo subalit two months ago pa ang date nun, sa mismong araw na naaksidente siya at nakidnap.
"Hala? Bakit ganun? Bat di ako kinukumusta ni Christian? Hindi ba niya ako namimiss? Humanda sakin yun kapag nakabalik ako sa Syudad. Hmp!" Himutok ni Krizzle at naupo sa may upuang kahoy nila sa sala habang kinakalikot ang telepono. "Bunso, bigyan mo nga ako ng number ni Achi, I mean ni Chill, itatanong ko lang kung ~ "
![](https://img.wattpad.com/cover/108715390-288-k702266.jpg)
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...