Chapter 7
Inihatid ako ni Christian sa HMA kung saan nagtatrabaho si Best. Nandito kami ngayon sa office ng bestfriend ko. Pinapasok na kami kanina ni Aika, yung receptionist ng floor na siyang tumatanggap ng bisita ng lahat ng nag o-office in these floor.
Kasalukuyan pa kasi umanong nasa photoshoot si Best with Mike and Nelayn.
Mike is one of our friends back in college. Official photographer ng team NYMIC (Nel-model, Yvonne-stylist, Mike-photographer, Ice-Make up, Cassey-Hair). He's also part of the basketball team.
Mag aalas singko na ng hapon pero di parin sila tapos. Kanina kasi sa ospital, nung tumawag ako kay Best na may emergency saglit, she said my photoshoot sila sa rooftop ng HMA building.
Nasa 4th floor ng building ang office ni Best. Ang first floor ng building ay boutiques where resident designers could sell out their designs. It's open for walk-ins too. Sa 2nd floor naman ay restaurants and bars open 24/7 for stay-ins dito sa building. Yeah, maraming rooms dito sa building, 10-storey kaya ang building ng HMA. Ang 3rd floor ay function rooms. Ang sa ibang floor ay hindi ko pa napupuntahan. There are floors kasi na strictly for staffs of HMA only.
Magkatabi kami ni Christian dito sa malaking sofa ni Best. May living room kasi ito sa office. Minsan kasi dito na ito naaabotan ng sleeping time.
He's scanning through those magazines on the table habang ako naman ay hindi malaman kung paano sisimulang magtanong kay Christian.
Naman kasi, diba dapat may itatanong ako sa kanya kanina pero hindi natuloy dahil sa PDA nito.
Mas mahirap kasing mag umpisa ng tanong kapag ganyang seryoso siya masyado.
Nakailang buntong hininga na nga ata ako eh. I don't even know how to start to question sa sobrang dami kong gustong itanong. Like what really happen to Rem, si Little Einstein. And him, how is he?
"Krizzle." tawag ni Christian na nakapagpahinto sa mga iniisip ko.
"Madami ka na naman bang gustong itanong?" he added na ikinagulat ko. And stare at him.
How did he know?
And he was not even looking at my side. Patuloy parin siyang nakatutok dun sa mga magazines and even flipping the pages.
"Ang likot ng mata mo, kung saan saan napupunta." he chuckles as if there something funny.
Mas siya kaya ang nakakatawa, andito ako sa tabi niya pero dun siya tumatawa sa tapat niya. Wala kayang tao dun.
Napanguso ako. Am I that easily to read? And he seems to answer all my unspoken questions.
"Kilala na kita, kaya alam ko."
"Ok, fine!" I give up then face him fiercely.
"What happen to Rem?" umpisa ko. No smiling at naka taas ang kilay. Swerte na lang kung sasagot ito ng direkta.
"Dapat alam mo na yan." he faced me and I can't even read a single emotion.
Kitams? Tanong din ang sagot. Ganyan na ganyan yan eh.
Ibinaba nito ang magazine sa mesa nung hindi ako sumagot saka muling tumingin sa akin. Eh sa hindi ko gets.
"We swore to protect."
Ilang beses ko ng narinig ang salitang yan. Pero hindi ko parin lubos maisip ang kakahantungan.
"You could possibly die."
"It's normal!"
I was silent for a while. Kahit siguro ako sa pamilya ko, I would die just to protect them. So hindi ko talaga yun pwedeng kwestyunin. But Damn, can dying be the last option?
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...