Chapter 14 - Change

47 4 0
                                    

Chapter 14




The heck, Nandito siya?

What will I expect? Bahay nila ito.

Para bang naduwag ako na magkita kami sa iisang bubong.

Naku naman!

Sa bakuran ng pamilya ginawa ang party. Mula sa labas ay makikita mo na ang nangyayaring party sa loob. Pink ang motif nito.

I saw familiar faces happily chatting and eating dahil mukhang kanina pa nag umpisa ang party.

Dinala ako ni Chean sa loob ng bahay. At bumungad sa amin ang kanilang sala na pinalilibutan ng mga grupo ng mga ginang at ginoo na nag-uusap.

I recognized almost everyone; they were Chean's Aunts and Uncles.

"Oh andito na pala ang bunso eh." masayang bati ni Tita Maricel - kapatid ni Tita Jen - kaya halos silang lahat ay napatingin sa amin sa may pinto.

"Hello, hello!" masiglang bati pa ni Chean sa kanila at nagmano isa -isa sa kanila. "Hello po!"

"Krizzle - anak? Ikaw ba yan?" parang hindi makapaniwalang sambit ni Tita Jen ng mapansin ako sa likuran ni Chean. Kaya naman lahat ng atensiyon nila ay nasa akin.

"G-good afternoon po!" alanganin kong bati na medyo nauutal pa.

Nagkatinginan pa ang iba na para bang nagtataka kung bakit ako nandito.

"Yes ma, sinundo ko pa si Ate Kriz. Surprise?!" si Chean na hindi maalis ang tuwa.

Mukhang hindi nito napansin ang mapanuring tingin ng mga kapamilya laban sa akin. Hindi ko nga alam kung naiinis ba sila sa akin o naaawa.

Well, I can't blame them. They didn't know exactly what had happen five years ago. They only knew a little of it.

Agad napayakap sa akin si Tita Jen.

"How are you anak? Matagal tayong di nagkita." sabi ni Tita sabay halik sa magkabilang pisngi ko.

Tita Jen is really this sweet kaya halos maiyak ako dahil namiss ko din siya, sila. But I erase the thought of crying, I'm better now.

"Neil tingnan mo kung sino nandito?" halos di parin makapaniwalang sabi ng ginang.

Lumapit naman si Tito Neil at nayakap din sa akin.

"It's nice to see you Krizzle anak." sambit ni Tito na nakangiti.

Anak.

Napangiti ako - my sincerest smile. Kahit ano pa ang nagyari sa nakaraan, anak parin ang tawag nila sa akin and they will remain as my second family.

As I look both of them - Tita Jen and Tito Niel - nakikitaan mo na ang mga ito ng signs ng pagtanda pero still pretty and good looking. Maybe they still manage their Cafe and Resto - JNP Cafe and Resto - near SGU.

"Krizzle!" halos pasigaw pang tawag ng isang babae sa akin mula sa may pintuan at papalapit sa akin. "You're really here. Thank you for coming!"

Agad niya akong nayakap.

I smile. Who could have thought we could be this close ng walang halong sama ng loob? Maybe because we already are grown ups and mature enough.

"Ate Marion, you should have thanked me. Matiyaga ko siyang hinintay no, para hindi makatakas!" si Chean ang sumagot na nakaturo pa sa sarili at proud na proud.

"Chean Michie!" saway ni Tita Jen at kinurot ito sa tagiliran na ikinatawa namin.

Somehow the atmosphere became light and I guess makakasanayan na ng lahat na isang araw magsasama sama din kami.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon