Chapter 28 - Traitor

48 4 8
                                    

Chapter 28





Krizzle

Kaninang 8 am ang byahe ni Yvonne kasama ang team NYMIC kaya naman inihabilin na niya dito ang mga kailangan nitong vitamins na inumin during their trip. Ngunit wala si Mike. Di raw makakasama kaya iba ang photographer na dala nila.

Di na rin ito pumasok sa Ospital sapagkat priority parin nito ang pagiging Personal Nurse kahit di siya paliging nasa tabi ng inaalagaan niya. At tsaka, kapag wala siya, lagi namang may reserve assitant Nurse si Doc Arliza. And she would call ahead of time kapag ganoong hindi siya nakakapasok.

Ang totoo, di na niya kailangang pumasok as Nurse sa CMC pero di rin siya makatiis kasi gusto niya ang amoy ng ospital.

Matapos ihatid ang mga kaibigan, agad na silang bumalik ni Manong Aga sa condo Unit nila ni Best. May kalayuan din ang Sky Airport mula sa Condo nila. Mga isa't kalahating oras na byahe din kasama na ang traffic sa main road. Ang Sky Airport kasi ay nakatayo sa North-East District ng Syudad at nandun iyon sa pinakadulo dahil narin sa malawak nitong paliparan.

Pero bago umuwi dumaan na muna sila sa Supermarket upang bumili ng supplies. Wala na pala silang supplies. Isang linggo silang tambay ng kaibigan sa Condo kaya ubos ang stock nila. Matakaw talaga sila basta magkasama.

Siya lang mag-isa ang pumasok sa mall dahil magpapa carwash si Manong Aga at magco-commute na lang din siya pauwi ng Unit nila na malapit lang din naman sa Swiss Mall kung saan siya mag go grocery.

Nauna si Krizzle pumili ng mga dry Goods supplies sa kanilang kusina, at habang namimili pakiramdam niya may nakasunod sa kanya - hindi niya alam at matukoy kong ng tingin ba o literal na nakasunod. Pero nang lumingon ng muli sa likuran niya ay meron ngang nakasunod, pero mga mamimili lang din na nagtutulak ng pushcarts tulad niya.

Ipinagsawalang bahala na lamang ni Krizzle ang naramdaman dahil baka nagkamali lang siya. Baka tulad lang din ito dun sa naramdaman niya sa SGU na akala niya may nakasunod ng tingin pero wala naman - wala naman siyang napansin. At tulad din noong namili eto dito kasama ang dalawang chikiting na sina Einstein at Baby Luther.

Hindi naman siguro ibang elemento ang nagpaparamdam sa akin. Di rin naman siguro open ang third eye ko para makakita at maramdaman sila. Di naman seguro maraming ano dito.

Oh no! Wag naman po sana.

Conscious na napatingin si Kriz sa paligid at biglang napailing.

"Wag naman po, Lord!" Mahinang sambit nito at napahawak ng mahigpit sa cart.

Dali dali na siyang umalis doon at tinungo ang susunod na lane para sa kanyang bibilhin ng biglang may kamay na humawak sa braso ni Krizzle na ikinahinto niya sa pagliko sa susunod na lane.

Pakiramdam niya lumamig lalo ang paligid pero pinagpapawisan siya ng husto. Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib at di makagalaw.

Lord, kasasabi ko lang na wag ano. Wag namang multo. Huhuhu takot ako sa multo.

"Krizzle? Are you okay?"

Narinig niyang boses ng lalaki sa likod niya. Napapikit si Krizzle sa sobrang kaba.

Lord, bakit ang gwapo ng boses ng multo? Hindi pa ako nakakarinig ng boses ng multo kaya baket iba ata boses nito kesa sa mga naririnig ko sa mga telebisyon? Diba dapat parang hinugot sa ilalim ng lupa o kaya ay creepy?

"Krizzle?"

Dahan dahang iminulat ni Krizzle ang mata na may kaba parin sa dibdib and finally see the man he thought is a ghost. Napahawak tuloy siya sa dibdib at napabuntong-hininga.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon