Chapter 37 - Taken

62 3 11
                                    

Chapter 37












Pumasok si Krizzle sa trabaho na tila ba pagod na pagod at hapong-hapo. Ngunit pinagpatuloy pa rin ang trabaho nito, hindi na siya pwedeng bumalik sa dati na kapag may problema ay tila nawawala sa sarili. She learned from her mistakes and she must not let her emotions overpower her way of thinking. She can do better.

"Krizzle, anak, ayos ka lang? Kanina ko pa napapansin ang pagiging matamlay mo." Puna ni Doc Arliza nang nagliligpit na ito ng gamit sa mesa.

"Ayos lang po Doc, may kunting problema lang po pero kakayanin naman po." Tipid ang ngiti nitong sagot na hindi kumbisindo sa sarili.

"Out mo na diba? Mabuti pa ilaan mo ang maghapon sa pagpapahinga!" sabi ng Doctor at tinapik ito sa balikat bagu naunang lumabas sa kaniyang opisina.

Agad naman ding nag-ayos si Krizzle ng gamit at nag-out na. Habang papalabas ay tumunog ang telepono nito na agad din naman niyang sinagot. It was Christian.

"Hi!" bati ng nasa kabilang linya.

"Hi!" balik bati nito na hindi alam ang sasabihin. Wala kasi silang imikan simula pa kagabi.

"Gusto kang kausapin ni Achi, Mine. Ayos lang ba?" mahinahon ang boses ni Christian na tila ba natatakot na makagalitan ng girlfriend. Hindi naman nakasagot si Krizzle wari'y tinitimbang kung ano ang maaaring sabihin sakaling magkausap na sila ni Achi.

"Kung ayaw mo, ako na lang susundo sayo ngayon." Bawi nito sa sinabi.

"It's fine! Nasan siya?" bumuntong hininga si Krizzle matapos sabihin ni Christian na nasa labas ito at naghihintay.

"Pwede bang sa Kamayan Uno na kayo mag-usap?" pakiusap ni Christian na sinang-ayuan naman ng babae dahil mas safe nga naman doon dahil may makababantay sa kaniya kung wala si Christian.

Pagkalabas ng Ospital ay nakita ni Krizzle ang Jeep ng Kalye na naka park sa labas habang nandun nakatayo pareho sina Rem at Achi. Nang Makita ng dalawa ang babae ay tumango lang ang mga ito upang batiin. Sumakay na agad siya sa jeep dahil hindi niya alam kong paano mag-uumpisang magsalita nang hindi nagagalit.

Pagkarating sa Kamayan Uno ay nauna siyang bumaba habang nakasunod ang dalawa. Pumasok sila sa loob at dumiretso doon sa conference room at doon na naupo si Krizzle kasunod si Achi.

"Anong gusto mong sabihin Achi? Nakapagdesisyon na ba kayo?"direktang tapon ng tanong ng babae. Magkaharap sila ng upuan kaya nakikita nito ang medyo natatakot na mukha ng lalaking napalunok pa bago ng salita.

"Ms. K, sorry sa pagkakamaling nagawa ko. Dapat ay babantayan ko lang ang kapatid niyo pero nang makilala ko siya ay minahal ko po siya. Handa ko po siyang panagutan at handa naman po akong harapin ang inyong mga magulang." Paliwanag nito na nakatingin ng diretso sa babaeng kaharap kaya kitang kita ni Krizzle ang katotohanan sa mga salita nito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Krizzle. "Kahit anong gawin kong sisi sayo ngayon Achi, wala na naman akong magagawa pa dahil andyan na yan. Nangyari na ang di dapat mangyari. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay sabihin niyo ng personal ito - itong pangyayaring ito sa mga magulang namin."

"Opo Ms. K. Magkasama po kaming uuwi ni Rhea para ipaalam po ang nagawa namin." Tugon nito na sinang-ayunan ng kausap.

Natigil ang usapan nila nang tumunog ang cellphone ni Krizzle, tumatawag si ate Erah nito na agad nitong sinagot.

"Hello ate, napatawag ka?." Bating tanong ni Krizzle na biglang kinabahan.

"Hello Kriz, may masama akong balita." Mahina ang boses ng ate nito sa kabilang linya at tila nahihirapan.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon