Chapter 11 - Ordinary Day?

61 4 0
                                    

Chapter 11







Hindi ako nakapasok sa CMC dahil sa tindi ng hangover.

My goodness Krizzle!

Napasobra yata ako ng inom kagabi. Yata? Baka bonggang bonggang inom Kriz?

Kasi naman eh, pagkatapos sabihin nong Shiohana na yun na siya ang girlfriend, I lost track of everything.

As in major major blackout.

Oo na, masakit. Nasaktan ako. Hindi pa nga ako umaamin ng tunay kong nararamdaman, talo na agad.

Sabi nga ni Taylor Swift sa isa niyang kanta "You have to fight to have the upper hand". Lalaban ka pa ba kung hindi mo pa nasisimulan talo ka na?

Aie naku ewan.

Si Christian ang naghatid sa akin kinaumagahan kaya hindi ako nakapasok. Hindi na niya ako hinatid kinagabihan dahil pareho na kaming nakainom. Baka ano pang mangyari sa daan. Motor pa naman ang dala nito.

Kaya heto, ang sakit sakit ng ulo ko. Tanghali narin ako nagising. Naligo na lamang ako and do my morning rituals baka sakaling mabawasan ang sakit. Dumiretso ako sa kusina upang maghanda ng makakain ngunit sa kasamaang palad ay wala na pala kaming stocks.

Nagtimpla na lang ako ng kape and decided to buy groceries pagkatapos. At dun na lang din ako kakain sa labas.

Sa isang kainan sa loob ng Swiss Mall ako kumain at uminom ng pain reliever.

Nasa ground floor ang Alfresco. Nakita ko ulit kung gaano kadami ang pumipila sa labas ng Kamayan ni X.

X.

X really means Christian. Pero pano? And I met his girlfriend. Great!

Tssk. Stop thinking about it Krizzle. Wala ng alak para sumalo sayo.

Napailing na lang ako. Kaya ako nagka hangover eh.

Aalis na sana ako ng makilala ko ang receptionist na nasa labas ng Kamayan.

Mga tatlong kainan din ang layo ko at nakasalamin pa ako kaya pilit kong kinikilala ang bantay. And decided na lumapit na lang.

It's really her. I told myself ng makalapit. Napangiti ako ng makita siya.

It's Chean Michie, Christian's younger sister.

Hindi niya ako napansin dahil busy ito sa karga karga nitong bata na agad ko namang nakilala. Si Luther.

"Chean!" I called out.

Napaangat ito ng tingin sa tawag ko at napanganga. Well yeah.

"A-ate Krizzle?" hindi makapaniwala nitong sambit.

Sinuklian ko ito ng ngiti. Binitawan nga nito agad si Luther at agad akong nayakap.

"Ate na-miss kita!" parang maiiyak nitong sabi.

"Namiss din kita Che!" ganti kong yakap dito.

Napa hiwalay kami sa pagyakap ng may tumikhim mula sa likuran nito. Meron kasing customer na nag confirm ng reservation na inasikaso muna nito.

After lunch na pero madami parin ang tao.

Maliliit naman ang hakbang na lumapit sa akin si Luther na agad kong kinarga.

"Kumusta ang batang makulit?" bati ko dito at pinagkikiliti sa tagiliran.

He only giggles and somehow my throbbing head disappeared.

"Kilala mo si Baby Luther ate?" nagtatakang tanong ni Chean. Natapos na pala yung queries at nakapasok na yung customer sa loob.

"Ahh, ehh!" paano ko ba sasabihing itong bulilit na ito ang may dahilan ng hangover ko. I mean yung birthday niya kahapon.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon