Chapter 20
Matapos kong mag Time out ay nagpa alam na ako sa mga kasamahan ko at agad ng lumabas ng Ospital.
Napag desisyonan kong bisitahin ang kapatid na si Rhea. Magka edad lamang sila ni Chean at parehong nag-aaral sa SGU. Last year na rin ni Rhea sa kursong BSED major in Mathematics.
I took my phone out from my bag. Loko tong phone ko, di ko mahanap kagabi pero kaninang umaga andito lang pala sa bag ko. Tss!
I dial her number para tanungin kung nasaan ito ngayon. Matapos ang tatlong ring ay sumagot ito.
"Hello Ate?" Malambing na tinig ang sumagot.
"Bunso - saan ka ngayon?" Tanong ko. Bunso namin si Rhea kaya iyon ang nakasanayan kong itawag sa kanya.
Alam nitong pupuntahan ko siya kaya lang ay busy ito nung mga nakaraang araw kaya di niya ma tyempuhan ang oras na maari niya itong makita.
"Nasa university pa ako ate. May tinatapos pa kami." Wika nito. "Ate, tawag ka ulit please, or text kita maya. Bye. Love you!" Nagmamadali nitong sagot sabay patay ng phone.
Napangiti na lang ako dahil di man lang ako nakatanong ulit pinatayan na ako ng phone.
Tinext ko na lang ito na pupuntahan sa SGU. Matapos ma send ay sumakay na ako ng Jeep na dumadaan malapit sa entrance ng University.
Ten minutes drive lang mula CMC patungong SGU kung magje jeep, five minutes kung personal na sasakyan. Mga ilang hakbang na lakad lang din at narating ko na ang Gate ng college department.
Strictly No ID, No Entry ang University. Iba ang entrance para sa mga student/Professors at iba rin sa mga Bisita/Alumni.
Dalawa ang Entrance sa may Gate maliban pa sa Gate na pinapasukan ng mga sasakyan ng mga Estudyante at Professors.
Ang Entrance ay may bag inspection machine na naghihiwalay sa dalawang entrance. Sa kanan ay kung saan pumapasok ang mga estudyante samantalang sa kaliwa ay may information room para sa mga bisita na magtatanong. Ang likod ng information room ay ang malawak na Parking Area habang sa kanan ay ang Gate sa Entrance.
Kinuha ko na ang bag na kanina ay inilagay ko sa inspection machine. Ipinakita ko lang ang aking Alumni ID sa guard at pinapasok na ako.
May malapad na hallway papasok ng building ng University. Ngunit bagu ka makapasok ay dadaan ka pa sa nakahilerang limang lane ng ID swiping papasok.
Ganito ka tight ang security ng University dahil na rin sa halos ang nag-aaral rito ay mga anak ng mga businessman, politiko, artista at kahit foreigners. Tumatanggap kasi ng mga exchange students ang University.
Ang Alumni ID ay tinatanggap sa Swiping Machine kaya nakapasok naman ako sa loob ng West Building.
Sa West Building kung saan ako ngayon pumasok ay makikita ang faculty at administrative Offices. Nandito rin ang mga Club Offices at ibang viewing rooms ng iba't ibang kurso. (Viewing rooms ay yung display of achievements.)
Mahaba ang pasilyo ng West. Dumiretso ako sa Exit at tinungo ang Malawak na field ng SGU. Ang field ay napapalibutan ng mga nagtataasang mga buildings. Ang North building ay para sa Medical and Management related courses.
Sa East Building ay ang Engineering, Education and Sports related activities - Gymnasium na kasi ang katabi ng East building. Sa South building ay ang iba pang mga kursong inooffer ng University, even Technical-Vocational Courses nandito rin.
Pero matagal na akong grumaduate kaya naman di ko alam kung ano ang pagbabago sa bawat building.
Memories flooded in my mind when I laid my eyes again in the University's ground. Noon wala pang mga Kiosk dito sa gilid ng field kaya sa damuhan pa kami tumatambay magbabarkada.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...