Chapter 34
Kinabukasan, araw ng sabado ay di na ako pinapasok ni Doc sa ospital. Sa ngayon ay nakipag coordinate na sa pulisya sina Doc para malaman kung sino ang may gawa nun.
Di naman nakita na ang box pero ang card ay nadala ni Aiai, kaya ebidensya din yun.
Kasama ko buong araw si Christian mula sa pagbibigay ng pahayag sa mga pulis. Ang sabi nila ay makikipag coordinate din sila sa pulisya sa West District para malaman kung bakit ako nakatanggap ng ganun.
Sa kamayan kami kumain, dun sa may North. Nandun si Einstein / Jasper tumatambay. Nandun rin si Erin at ibang mga myembro ng Kalye, yung ibang baguhan kilala ko na.
"Jasper!" Tawag ko dito. Nasa may kitchen kasi ito at mukhang nagpapaturo ng pagluto. Dun kasi ako pumwesto sa may pinto ng kitchen dahil pumasok si Christian dun.
After lunch na kasi kami nakarating kaya madalang na lang ang tao.
"Ms. K." Halos sabay sabay nilang bati.
"Hi guys!" Balik bati ko sa kanila.
"Tita K." Nahihiyang bati ni Jasper na ikinatawa ko at ikinasimangot nito.
Di kasi yan tinantanan ni Nikki nung kasal hanggang sa tinawag ako ng Tita. Bakit daw ito Miss ng Miss, eih Tita daw dapat itawag nito sa akin. Pati kay Christian, naging Tito Boss. Haha Hindi na daw siya makababalik dun sa amin kung hindi siya susunod sa usapan.
"Krizzle, dumiretso ka na sa Opisina. Maghahanda lang ako ng makakain." Utos ng Boss at nagsimula ng kumuha ng mga sangkap sa lulutuin.
"Aye aye Captain." Sabi kong napasaludo pa at dumiretso na sa opisina nito sa may dulo ng dining kung san nandun yung tila conference room nila na may locker.
Matapos ang ilang minuto ay dumating na ito at may dalang tray ng pagkain. At base sa amoy nito, sinigang. Hmm, sarap!
"Natanong nina Emalyn at L dati sakin kung sinigang ang paborito mo, sabi ko naman carrots lang solve ka na." Sabi ko ng ilapag nito ang pagkain sa mesa sa tapat ng inuupuan kong sofa.
"Tsk. Kaya pala!" Parang inis nitong tugon.
Agad kong inatake ang sabaw at humigop nun. Ah, heaven! Asim-sarap.
"Kaya pala ano?" Natanong kong napaharap dito habang nakataas sa ere ang kutsara.
"Kaya pala boss Rabbit ang bagong tawag ni Sarmiento sakin. Tsk!" Tukoy nito kay L.
"Boss Rabbit?" Napahagalpak naman ako ng tawa. I can almost imagine his face na tinutukso ni L. Naniningkit ang mata, straight line ang labi at nakakunot ang noo.
"How sure are you na paborito ko ang carrots?" Seryoso nitong tanong na nakatingin ng diretso sakin.
"Bakit hindi ba?" Medyo nag-isip ko pang tanong pero hindi rin agad nakapag-isip dahil naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi nito sa labi ko. It was just a quick kiss pero naiwan akong nakanganga.
"Yun ang paborito ko." Nakangisi nitong bulong sa labi ko at di ko namalayan na nakuha na nito sa kamay ko ang kutsara at nagsimula ng kumain.
Ako naman ay bahagya pang napalunok at nakagat ang labi. Nakakapang init ng pisngi. My God! Naka on ba ang aircon? Pinagpawisan ako ng bongga.
Alin din ang paborito niya? Yung kiss o yung kiniss?
"Mamaya ka na kiligin Kriz. Kumain na muna tayo." Sabi nitong nakangisi na tumingin sa gawi ko.
Kinikilig ba talaga ako? Aie, shemay!
Sa sobrang inis nahampas ko siya sa likod sabay agaw ng kutsarang hawak nito.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
AcciónFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...