Chapter 25 - Girls

75 6 17
                                    

Chapter 25









Krizzle

Nagising ang diwa ko sa sobrang lamig ng paligid kaya habang nakapikit ay hinila ko ang kumot na naroon sa may dibdib ko paitaas ng leeg ko and sleep comfortably. Hindi naman siya sobrang lamig pero nilalamig pa rin siya.

Gusto ko pang matulog dahil pakiramdam ko hindi pa sapat ang tulog ko nang may maramdaman akong pag uga sa malambot na kama. Dun mismo sa gawi kung saan ako nakaharap. Hindi ko na lang pinansin dahil baka si Best lang yun. Di naman yun nanggigising kung mauunang magising kaya hinayaan na lamang nito.

Maya maya pay naramdaman niyang may dumapong mga daliri sa noo niya na magaang dumiretso sa tenga nito. Hinawi ang ilang hibla na tumakip sa mukha nito. Parang electromagnetic waves na ang bilis ng frequency na gumising sa natutulog niyang kamalayan.

"Krizzle, Gising na. Malapit ng gumabi!" Masuyong gising ng pamilyar na boses sa kanya at bumalikwas ng bangon.

Christian! Sigaw ng isip nito.

Kahit masakit sa mata ay parang wala sa sariling iginala nito ang mata sa buong paligid upang alamin kung nasaan siya.

Puting silid, may malaking aparador, May pinto sa gilid malapit sa aparador, L-shaped table malapit sa kama at nahinto ang tingin sa lalaking kaharap na nakaputing V-Neck shirt at punit punit na pantalon na nakaupo sa kama tulad ko.

Napahawak na lang ako sa ulo nang sing bilis ng kidlat na maalala ko kung ano nga ba ang nangyari.

Inilibing na pala kaninang umaga si Sec at doon kami buong magdamag sa bahay nila. At malamang sa malamang ay di ako nakauwi. Nandito kasi ako ngayon sa kwarto ni Christian sa likod bahay nina Lowen.

Nakatulog marahil ako kanina sa byahe pauwi dahil sa sobrang pagod. Malamang dito ako diniretso ni Christian.

"Ang mabuti pa Kriz maligo ka na, nangangamoy ka na." Seryosong ani ng kaharap ko sabay tayo at tinungo ang AC para hinaan.

My brain is not yet fully functioning. Kaya unconsciously, agad kong inamoy ang sarili dahil sa sinabi nito.
"Hindi naman ah." Parang bata kong sagot dito. Amoy bagong gising lang pero di ko yun sasabihin, haha. Loko yun ah.

"Kumuha ako ng ilang gamit mo sa condo niyo. Andyan na sa paper bag." Sabi nitong lumapit ng bahagya sa direksyon ko na nakaupo parin sa kama. Andun ito sa puno ng kama at nakapamulsang nakatayo.

Sinundan ko ng tingin ang direksyong sinabi nito. Kahit nanlalabo ang paningin dahil wala itong suot na salamin, may nakita itong paper bag sa may upuan sa tabi ng side table. Dumako ang tingin nito sa side table sa tabi ng kama kung saan nakapatong ang kanyang salamin at cellphone. She took her glasses and see that bag clearly.

Ang paper bag ay may tatak TYF. Pinuntahan niya iyon at binuksan scanning everything na naroon. May mga pares ng damit. Mga - dahil mukhang tatlong pares ng damit ang nandun. Kahit mga undergarments niya ay magka pares din.

Napahawak siya sa kanyang mga undergarments at napasulyap sa lalaking mataman lamang siyang pinagmamasdan.








Underwear ko.








Si Christian.








Underwear ko.








Si Christian.








Paulit ulit lang na para na siyang baliw.

Nagising yata lahat ng kanyang brain cells at neurons sa ulo dahil sa nakikita at naiisip.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon