Chapter 45 - Tears

28 2 4
                                    

Chapter 45










Ilang araw na ang nakalilipas mula ng malaman ko ang tungkol sa pagkawala ni Christian pero halos gabi gabi ko parin yung iniiyakan.

"Bakit di niyo sinabi sa akin?" May halong sakit at pagtatampo ang tanong ko kina Best at Mike nang makabalik ako ng araw na yun sa HMA building.

Sinundo ako ni Mike ayun na rin sa utos ni Yvonne. Convoy namin ang bodyguards na hired ni Josh.

And Best felt sorry again as she recall to me what happened and may add to the factor why Christian is nowhere to be found.

"I'm sorry talaga Best. I didn't meant what I said to him. It was the situation that made me said that. That night was a mess and I messed up to. I blame him. Sorry!" She was already crying confessing about it.

Napabuntong hininga na lang ako.

The next day, gusto kong pumunta ng Mansion at sa HOBO but destiny won't permit me. Bukod sa laging nakasunod sa akin ang mga bodyguards na hinire ni Josh, na confine si Yvonne sa CMC.

She tend to her personally kaya nawaglit sa isipan niya ang paghahanap sa nobyo.

Pero isa lang ang nasa isip niya, wala siyang paniniwalaan na iba ~ hindi niya iisiping iniwan na siya ni Christian, unless he would tell him face to face.

"Anak, Krizzle! Magpahinga ka na muna. Ako na muna ang magbabantay kay Yvonne!" Pukaw ni Tita Marie, ang mommy ni Yvonne, sa malalim kong iniisip.

Ayaw manatili ni Best sa Ospital kaya minabuti na muna namin na dito na muna siya sa bahay ng kaniyang Mommy Marie.

"Sige po Tita." Tango ko rito at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ng kaibigan.

"Sabihan mo lang si Felisa kung nagugutom ka. The two girls are in the kitchen as well. You can join them for late breakfast."

"Ah, sige po tita!" Nagpaalam na ako pagkatapos at dumiretso sa inuukopa kong kwarto dito sa mansion ng mga Cantela, sa guest room sa unang palapag.

Kapag nandito kami nun ni Best, share kami sa kama niyang queen-sized. Kahit naman sa Condo unit niya, share kami sa bed kapag magkasama.

Naligo na muna ako at nagbihis. Past nine na din pala. Maaga kasi akong nagising kanina sa tabi ni Best kaya hindi pa ako nakakababa mula kagabi. Dumiretso na ako sa kusina pagkatapos.

"Good Morning!" Bati ko sa dalawang babaeng kumakain.

"Hi ate Kriz!" Matamlay na bati ng dalawa.

Si Trina ay nakasuot ng uniform ng SGU habang si Tammy ay nakapantulog pa. Kagabi pa hindi maganda ang pakiramdam ni Tammy, pero pinainom na namin ng gamot pero hindi na muna siguro ito papasok ngayon.

"How's Ate Yve, ate Kriz?" Tanong ni Trina na napahinto sa pagsubo ng pagkain. "Is she okay now?"

Ngumiti ako sa kaniya tsaka umupo sa tabi nito. Even Tammy is patiently waiting sa isasagot ko. Nag-aalala nga naman kasi sila sa ate nila.

Nagkaroon ng emotional distress si Best that causes her to breakdown. Pero alam ko, at ng pamilya niya kung ano ang totoong rason kung bakit nangyayari iyon kay Yvonne. It's about her past she's running away from.

"Medyo okay na siya. Pero kailangan pa niya ng pahinga. At wag kayong mag-alala, she'll be fine, soon." I assure them na ikinangiti lang ng mga ito.

Naputol yung usapan namin nang dumating si Manang Felisa. Sinabayan ko ang dalawa sa pagkain ngunit nauna si Trina na natapos dahil may pasok pa ito samantalang si Tammy ay bumalik sa kwarto nito para magpahinga.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon