Chapter 6 - Lunch

58 5 0
                                    

Chapter 6








Pagbukas ng pinto ang nagpabalik sakin sa present.

Napatingin kaming lahat sa mga iniluwa nung pinto. As in kaming lahat na nasa ward.

Merong apat na bed dito at puro okupado, pasyente at mga tagabantay ng mga ito. Nandun pa naman kami sa malapit sa bintana, at nasa dulo yun ng kwarto.

Nakahiga si Rem sa bed, kami naman ni Christian ay nakatayo, opposite direction - me facing the door kaya nakikita ko silang ang aangas pumasok.

Napangiti yung apat sa direksyon ko.

I thought so, alangan naman kay Christian eh nakatalikod sa kanila. Eh, nakapikit din si Rem, alangan namang sa kanya sila nakangiti? Hmm, pwede rin dahil masaya sila dahil buhay ito.

Oo nga pala, ano bang nangyari? Bakit may saksak sa tagiliran itong si Rem? Napaaway na naman ba sila? This early?

"Marekoy/Ms. K!" sabay sabay nilang bati na may malapad na ngiti.

Well, sino pa ba? Silang apat lang naman na nakita ko dun sa may Kamayan ni X. Sina Parekoy, Amay, Yuki and Indigo.

"Hi guys!" ganti ko.

'Ms. K' tawag nila sa akin - para nga diba di ako makilala ng mga kalaban nila. It's like my codename.

Di ko nga alam kung matutuwa, ang pormal eh.

Agad na tumabi sa akin sina Yuki at my left, Parekoy at my right. Samantalang nasa tabi naman ni Christian si Indigo, si Amay naman nasa dulo ng bed, dun tumayo.

Merong upuan, pero bet naming tumayo, paki niyo. hehehe

"Marekoy, alam mo nagbago ka na!" puna ni Parekoy sakin at tiningnan akong maigi. "Wala ka ng salamin!"

Napangiti ako dun sa sinabi niya, well, I used to wear one but now contact lenses na, pero pag nasa condo kami ni best, nagsasalamin naman ako.

"Contact lenses na gamit ko Parekoy." sabay turo sa mata ko.

"Ah, yung nilalagay sa mata. Di ba masakit?" si Parekoy na sobrang curious.

"Medyo lang."

Nag Q&A pa kami ni Parekoy, ingay nga namin eh at nagising ata namin si Rem.

"P-patay na b-ba a-ako?" nauutal pang sabi nito at nakakunot ang noo.

"Uie, Remegio - nagbibiro ka ba? Susuntukin talaga kita." parang gulat na tanong ni Yuki dahil siya yung malapit kay Rem.

"Tangna Yuriki, isa pa. Banggitin mu pa ng buo, ikaw ang susunod dito sa hinihigan ko." banat ni Rem.

Napansin ko naman ang tahimik na paghagikhik ng mga katabi ko. Though, hindi naman talaga tahimik. Unti-unti ng lumalakas eh.

Then, I get it. Rem is Remegio. And did I hear it right? Si Yuki ay Yuriki? Parang Chinese ah.

Narinig ko din ang pagtawa ni Christian. He really loves his group kaya alam kong kahit sumuong siya sa panganib gagawin niya mailigtas lang sila.

Nag-iwas na lang ako ng tingin nang di ko namalayang nagkahulihan na pala kami ng tingin.

"Eh, mga gago kayo. Pinapalibutan niyo ako, para naman akong ililibing." si Rem. And we laugh again.

Oo nga naman, hahaha

Nagpumilit itong umupo na agad kong natulungan. Baka kasi bumuka yung sugat eh bago lang yun. Kita mo nga sa mga benda na meron pang dugo. Nasa kaliwang bewang niya kasi ang sugat.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon