Chapter 9 - Birthday

63 4 2
                                    

Chapter 9






Araw ng linggo, first birthday ng anak ni Lowen - si baby Luther Anyx Sarmiento.

Maaga kaming nagising ni Christian. Aie mali, hindi pala ako nakatulog ng maayos. Katabi ko lang naman ito sa malambot na kama.

Hindi naman kasi ito kasya dun sa sofa nitong maliit. At mas lalong di pwede sa sahig. Wala silang spare na higaan dahil gamit ng lahat.

Ang sama ko naman diba kung sa malamig na sahig ko siya patutulugin sa sarili niyang kwarto. So, wala akong choice.

It's not that it's the first time na nagkatabi kami sa pagtulog pero syempre awkward pa rin on my part, babae ako at lalaki siya, ano na lang ang sasabihin ng iba lalo pat hindi naman kami, diba?

Kaya guys, atin atin lang to huh? Naku, baka malagot ako sa nanay at tatay ko.

Alas diyes ng gabi ang naging curfew kagabi. Yung iba natulog na - kasama kami - samantalang yung iba naman ay patuloy parin sa pagluluto. First birthday kasi at nag-iisang apo kaya pinaghandaan talagang mabuti ng pamilya.

Kaya ayun nga, magkatabi kami. Kung hindi pa nga sinabi ng katabi ko na matulog na - hindi pa siguro ako makakatulog. Palagi namang ganon. He seems to have a part on my central nervous system.

Nine ng umaga magsisimula ang misa. Sabi naman ni Christian malapit lang dito ang simbahan.

Mag-a alas otso pa lang naman nung matapos kaming mag-ayos at lumabas ng kwarto pero meron paring mga abala na naghahanda.

Nakakahiya ngang mag-almusal habang sila ay busy parin. Madami na akong nakikitang mga ginang - malamang ito yung mga kapitbahay nina Lowen - na naglalagay ng mga tela sa mesa at mga upuan.

Para ngang nagpa catering.

Blue ang motif ng birthday. Meron na ring Tarpaulin na puro mukha ni baby Luther. May cake din at balloons.

Kasama kong mag-almusal sina Christian, Lana at Einstein sa loob ng bahay nina Lowen - sa may kusina. Yes, the same kitchen where I had cut a finger. Malaki nga ang ipinagbago nito dahil naka-tiles na ang buong kusina nila at marami ng mga kagamitan.

Hindi nakapagtataka - caregiver si Lana sa Canada. Hindi ko pa alam ang pangalan niya noon pero yun ang sabi ni Christian dati. At bumalik na umano ito ng Pilipinas for good. Napag-alaman ko nga kagabi na sa Centurian Home for the Aged na pala ito ngayon nagta trabaho.

CHA is not that far from CMC.

Kahapon pa pala nandito si Einstein pero hindi ko naabutan kagabi dahil natulog umano ito kasama si Baby Luther.

At ang birthday Boy? Nakita ko na rin sa wakas. Ang gwapong bata - kamukha ng tatay. Sinusuri ko ngang mabuti kung kay Lowen ba talaga - pero siyang siya talaga - baby version.

Sino ba ang Ina nito? Bakit niya iniwan ang anak at si Lowen?

Maybe in Time, I'll know.

I wore high waist pencil-cut fitted skirt na tinernohan ng simple white tee na may tatak "TYF" (Yvonne's clothing line) paired with flat shoes while Christian wore white V-neck shirt (yeah - his signature shirt), maong pants and tennis shoes.

Pinagalitan ko nga kanina, akalain mong tattered jeans ang isuot eh sa simbahan kami pupunta. Kaya ayun pinagpalit ko ng jeans.

Fifteen minutes before nine ay nagtungo na kami sa simbahan. Isang kalye lang ang layo nito mula sa bahay.

Karga - karga ni Lowen ang anak nitong pumorma din tulad ng ama. Naka polo shirt na sky blue si Baby Luther at Jeans. Ang cute nga ng buhok nitong kulot - bumagay sa maputi ang kutis.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon