Chapter 35 - Don't Forget

56 5 0
                                    

Chapter 35






Inutusan ako ni Doc na maghatid ng papers sa Nursing Department ng SGU, kay Doc Samuel, ang kasalukuyang department head.

Pagdating ng main entrance ay agad kong dinala ang mga papeles sa Building ng Nursing Dept o mas kilala namin sa tawag na North Wing. Nakakamiss dahil parang bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala nung panahong nag-aaral ako.

Naglalakad ako sa corridor ng third floor ng building kung saan naroon ang laboratories and offices at napatingin sa salaming bintana. Sumentro ang tungin sa malawak na field ng campus at inalala ang mga ala-ala ng kahapon.

Napapangiti na lang ako na isipin that my college life, umikot sa pagmamahal ko kay Chan at sa pagmo-move on ko na kasama si Christian. Tinawanan ko na lang ang sarili dahil noon, napapaiyak pa ako kapag naaalala yun pero ngayon, bukal na sa loob ko ang ngumiti. Walang halong ka plastikan at bitterness, nakakangiti na ako ng maluwang sa dibdib.

Mas naaalala ko pa sa ngayon kung panahong iniiwasan ko si Christian.

Matapos naming mag-usap dun sa tabing-dagat, iniiwasan kong dumaan sa dinadaanan nito. Madalang na rin itong sumama sa mga dates together ng barkada kaya isa yun sa pinagpapasalamat ko, ang di na nagko cross ang landas namin.

Christian is a member of soccer team ng university at ang field ang tambayan nila para maglaro.

I was up the building ng department namin. Nakamasid lang ako sa kaniya habang seryosong naglalaro. He has that #16 on his jersey kaya madali ko siyang nakilala out of his colleagues (16 is his birth day), when suddenly, after he gained a goal, he paused and look up straight to my direction.

Napatalikod ako agad dahil sa sobrang kaba at sakit na naramdaman. Yung tingin nito sa gawi ko, kahit sa malayo ay may lungkot, pagod, hindi ko maipaliwanag.

At yun na pala ang magiging huli naming pagkikita dahil the next school year, lumipat ito sa SCA - School for Culinary Arts.

I felt guilty pero I believe na lahat ay may rason kaya nangyayari ang lahat sa ngayon na inaayon ng panahon.

Ipinagpatuloy ko na ang paghatid ng papeles at isang folder din ang ibinalik ni Doc Samuel sa akin para naman yun kay Doc Jaime.

Agad na akong umalis at babalik na sana sa CMC when someone called my name sa hallway ng Administrative building, kung saan naroon ang mga business courses na siyang pambungad na building pagpapasok ng College dept ng SGU, ang West Wing.

"Krizzle!" Napalingon ako sa pamilyar na boses ng tumawag sa akin at lumapad ang ngiti ko ng makilala ito.

"Drew! I mean professor Carl Andrew Mallayn?"

"Para naman tayong hindi magkaibigan niyan Krizzle Thalia Paz?" Ngiti nitong sukli at hinalikan ako sa pisngi.

He's Drew, kasama sa listahan ng Tropang SGU, na isa ng Professor ng University. Ang alam ko kumuha siya ng Masterals Decree. Gwapo, matangkad, matalino pero babaero 'dati'. Haha May mahal na yan, pero walang gusto sa kaniya. Ganun ka simple. Haha

"Kumuzta ka na Mr. GENIUS?" Napatawa lang ito sa tanong ko.

Cumlaude yan ng grumaduate sa batch nila at kinuha agad ng School, professor din kasi ang Father nito.

"Masipag lang mag-aral Kriz. Haha." Tugon nitong napatawa. "Anyways, anong ginagawa mo dito? Naka uniform ka pa, tumakas ka no?"

"Grabe to, may hinatid lang ako sa North Wing. Actually pabalik na ako sa hospital."

Napatingin ito sa suot na relo. "I have 15 minutes before my next class, di naman siguro magagalit si Tita kung mag extend ka ng 15 minutes?"

"Basta ba, kapag napagalitan ako sagot mo ko." Natatawa kong sabi. I little time won't hurt naman siguro. Kaya naglakad kami patungo sa direksyon ng Cafeteria dito na building.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon