Chapter 33 - Fear

50 5 1
                                    

Chapter 33










Lumipas ang mga araw at pakiramdam ko may nagbago. Tulad ng palagiang pakiramdam ko na may nakasunod o nakasunod ng tingin sa akin. Buti na nga lang at busy sila Best sa HMA dahil December na. Bukod sa mga international show ni Nel at Photo shoot na pinupuntahan nila, di pa kami ulit nagkikita. Nabibisita ko siya sa HMA building pero minsan na lang.

At higit sa lahat ay lagi akong nakakatanggap ng frank call, text messages from unknown numbers na nananakot, tapos recently, may mga gift boxes na dumarating sa condo unit namin ni best. And it's getting worst.

Minsan, may manikang itim, sirang manika, basag na mga gamit. Wala ba silang magawa. At ang mas nakakainis pa, sira ang CCTV sa floor namin yung halos isang linggo akong padalhan ng ganon. Nakakatakot.

Kaya yung mga huling padala, tinatapon ko na agad sa basurahan. Iniiwan lang kasi sa pinto ng unit namin. At alam ko talagang para sa akin dahil may letter K sa taas.

Shocks!

Bukod sa taga Kalye na ms. K ang tawag sa akin, may iba pa bang nakakaalam sa katauhan ni K? Di ko pa sinasabi kay best lalo na kay Christian kasi nung una akala ko maling padala lang, pero nang mag iisang linggo na, natakot na ako. Parang ayaw ko munang umuwi sa condo.

Kaya napagdesisyunan ko na munang dun na muna tumuloy sa boarding house ni Rhea. Tatawagan ko na lang siya sa weekend to doon muna ako. Sa ngayon, makikiramdam muna ako kung may magpapadala ba ulit o baka tumigil na. Baka kasi, di naman yun para sa akin.

Araw ng byernes, pumasok ako na iwinaglit na muna sa isipan ang nangyari kamakailan.

Katatapos lang ng Lunch break at palabas na kami sa may canteen. Malapit lang sa nurse station ang canteen at sinalubong ako ng isang kasamahang nurse.

"Nurse Paz, may padala ka." Balita nito sa akin.

"Padala? Wala naman akong ini expect na padala ah." Tugon ko rito.

"Ayieeh, baka galing yan sa love mo." Tukso pa nung isang nurse na kasama namin kumain sa Kamayan nung nakaraan. Ayun tukso tuloy ang inabot ko.

Kinuha ko yung box na naka selyo pa. Pinadala pa siya sa isang courier.

"Ano yan Nurse Paz? Buksan mo na kaya!" Udyok pa nila.

"Uie, inyo ba ang padala?" Kontra ng isa na tinawanan lang namin.

Parang box ng sapatos ang laki non. Tapos sinubukan kong yugyugin. Tumunog lang ng kunti, parang may laman na magaan lang.

"Kanino galing?"

"Walang nakalagay eih."

Walang pangalan sa kung sinong nagpadala pero buo ang pangalan ko na nakasulat doon. Bigla akong kinabahan. May kakaiba. Paanong tinanggap ng courier ang padala na walang detail kung kanino galing?

"Naku, dun na lang sa opisina ni Doc ko to bubuksan." Sabi ko sa kanila at nagpaalam na. Nagreklamo pa sila pero nginitian ko na lang.

Pagdating sa opisina ay wala pa si Doc. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang box at halos mapasigaw dahil sa laman niyon kaya nabitawan ko ang box.

Shiiit!

At kahit ang lakas lakas ng tibok ng puso ko at sobrang nanginginig sa takot ay pinulot ko ang box at patakbong tinungo ang labas ng ospital gamit ang fire exit. Hindi ko namalayan, tumutulo na ang luha ko sa takot, nginig at kaba.

Itinapon ko sa malaking basurahan sa likod ang box pero dahil sa panginginig ng kamay ay di pa ito dumiretso sa loob kaya lumabas ang laman ng box at umiiyak na pinulot ko yun bagu may makakita.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon