Chapter 40
Nakatayong nakatitig si X sa lalaking kaharap sa gitna ng malapad na soccer field at naglalakihang mga building ng University na dati niyang pinasukan.
Saint Gabriel University, ang safe zoned na pumapagitna sa apat na dibisyon ng syudad. Dito ay maaaring magkita ang apat na dibisyon na walang dapat masaktan na sibilyan at kung saan may umiiral na katahimikan at Truce.
"Kumusta ka na X? We met again after so long." Nanunuyang bati ni Beast kay X.
He was wearing a black suit and tie with a Beast's Mask on his face habang nakapamulsa sa itim na itim niyong pants. Napapalibutan ito ng mga alagad nitong halos lahat ay naka maskara din ng mga hayop, the Royale.
"If I remember it correctly, you were just a tiny kid then. But look at you now? Ikaw na ang leader ng Norte. Just wow." Beast added.
"At tingnan mo nga naman, ikaw pa rin ang leader ng Kanluran. Dapat nagpapahinga ka na ngayon Beast - masyado ka ng matanda sa posisyon. O baka naman - wala kang kayang pamanahan sa isa sa mga tauhan mo?" Nakangisi na pang-uuyam na sagot dito ni X.
His armour was gracefully hanging at his back. Mag-isa lang siya laban sa sobra limang tauhan ni Beast sa harap niya.
Hindi masyadong kita ang expresyon ng mukha ni Beast pero bahagya lang itong natahimik.
"Nah!" Kapagkuwa'y sagot ni Beast. "Bago ko ibigay ang posisyon, ako na ang muna dapat ang mamahala sa apat na distrito."
Napatiim-bagang si X sa sinabi nito at pinaningkitan ng mata ang lalaking nagsalita.
"So, handa ka na bang ibigay sa akin ang posisyon mo at ang PTO ng Kanluran at Timog para sa kapakanan ng Nobya mo ha X ? O baka naman gusto mong tawagin pa kitang Christian?" Nanunuya ang bosed nito at binuntutan ito ng tawa. "Hay, Pag-ibig. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig."
Ngunit nanatiling nakatayo ang binata sa kinatatayuan.
"Maaaring malaman mo ang tunay na ako pero hindi ibig sabihin nun ay matatalo mo na ako Beast. Baka hindi mo alam ang mga alam ko tungkol sayo? Ang mali mo lang, maling tao ang gusto mong hawakan." Isang ngisi ang pinakawalan ni X kasabay ng paghila nito sa kaniyang armas na awtomatikong naghiwalay mula sa unang porma nitong X.
"Still going to fight?" Manghang tanong ni Beast.
Hawak nito ang dalawang pares ng kaniyang arnis sa magkabilang kamay. Ang kaniyang mga tauhan naman ay agad na pumorma sa harap niya, raising their armours pointing at him.
"Team A, arrived at Skyline Airport. Team B and C, heading to Port East." Isang boses ang narinig ni X mula sa kaniyang earpiece na kurting hikaw. Gawa yun ni Bee at ipinasuot sa bawat Leader ng Team na susugod sa magkaibang lugar na posibleng pinagdalhan kay K.
May mga sumagot sa kabilang linya na mga kapitan ngunit nanatiling naka tikom ang bibig ni X.
"Sabi ko naman sayo, maling tao ang hawak mo. At ibang tao ang kakalaban sayo." Isang mapang-asar na ngiti ang muling binigay rito ni X at ipinorma ang kaniyang Armas na panlaban.
"Did you bring rescue?" Ganting ngisi ni Beast sa kaniya na napahawak pa sa baba nito.
"Rescue? Nagpunta ako hindi bilang si X. Ang sabi mo nga ako si Christian. Then this Christian Guy will do the Job." Ipinorma niyang ekis ang dalawang arnis at tsaka inihagis sa mga alagad ni Beast ang armas nito.
Nagpaputok ng kanilang mga dalang baril ang mga alagad nito, but Christian didn't bother. Ngunit bagu pa man makalapit ang mga bala sa katawan ni Christian ay isang ninja ang pumwesto sa harap nito at parang slow motion na pinaglilihis ang mga bala gamit ang kaniyang deck of cards.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...