Chapter 46
"Good evening Angel Haven!" Pilit kong pinasisigla ang boses sa mikropono.
The strumming of the guitar as the background music added to that cold feeling of the night. Pakiramdam ko mas malamig ngayon ang aircon, o sadyang yung puso ko lang yung malamig at naaapektuhan yung buong pagkatao ko.
Naki-jam ako sa set nina Poi at ang vocalist nitong si Rebecca. Medyo marami-rami na din ang tao sa Angel Haven. Maybe it's 8 or 9 in the evening. I don't know. I lost track of the time.
"We welcome you all once again at Angel Haven." Bati ni Rebecca sa kabilang Mikropono na tulad ko ay nakaupo sa high chair at the stage. "At ang susunod na kakantahin namin ay isang request Song mula kay Anne. I hope you'll like it."
Nagkatinginan lang kami ni Rebecca at nagkangitian. Alam ko na yung requested song at tadhana nga naman, parang patama pa sa sitwasyon ko ngayon yung kanta.
Emote na emote, senti-sentihan ang drama.
Sinimulan ni Poi ang pagtugtog ng acoustic version ng kanta.
Napatingin ako sa mga taong nasa kanilang mga table sa loob ng Bar. Some are drinking and are happily chitchatting with thier colleagues, some are alone drinking like it's gonna be the last night of their lives.
Different people with different stories. And no one dares to speak with one another as they sip and drink their liquors.
How can I just let you walk away
Just let you leave without a trace
When I stand here taking every breath
With you, ooh oohRebecca started the song na sinusundan ko ng pagkanta. It's Phil Collins 'Against All Odds'.
You're the only one who really knew me at all.
Napapikit ako tila ninanamnam ang pagkanta, habang binabaha ng ala-ala ang aking isipan.
Kagagaling lang namin sa CR ni Best. Dumaan kasi kami muna doon bagu dumiretso sa Gym ng College Department. May laban ng basketball ang mga boys kung saan kasama ang kuya nitong si Josh pati ang iba naming kaibigan at kababata ni Best. Manonood kami.
Malapit na kami sa Gym nang kapain ko ang bulsa upang hanapin ang cellphone. Laking gulat ko nanag walang makapa sa bulsa.
"Best, may problema?" Takang tanong ni Yvonne.
"Yung cellphone ko. Naiwan ko ata sa CR. Babalikan ko lang Best." Sabi ko pa na kinakabahan.
"I'll go with you." Umiling ako sa sinabi nito.
"Wag na Best, ako na lang. Tatakbuhin ko na lang. Mauna ka na sa Gym." Agad na akong tumakbo pabalik sa CR. Medyo malapit lang naman yun pero dahil nga at baka may sumunod sa amin mag CR kanina, baka may nakapulot na iba.
Dali-dali akong pumasok sa CR, dun sa cubicle kung saan ako nag CR. And it was a relief seeing my phone below the bowl. Pinulot ko naman iyon at nilinis ng tissue.
Nahulog malamang sa bulsa ko. Buti na lang at hindi na shoot sa Mismong bowl at baka hindi ko kayaning kunin. Naku naman!
Lumabas na ako ng CR at tinunho ang direksyon ng Gym nang mapansin ko sina Chan at Christian na tila ba nag-uusap sa may hallway na sa kabilang direksyon ng Gym.
Teka? Diba kasali si Chan sa basketball game ngayon? Eh bat parang hindi naman siya nakabihis?
Nakasuot lang kasi siya ng school uniform ng SGU - College Uniform.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
AcciónFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...