Chapter 26 - Flashbacks

52 6 6
                                    

Chapter 26









Krizzle

"A-Anong sabi mo?" Ulit kong tanong. Mali ata kasi ako ng nadinig. Nabingi na ba ako?

"Hostage ako ng Kalye." Sabi nitong parang wala lang at nagpatuloy na lang uli sa pagkain.

"O-kay!" Parang sirang nasabi ko and fake a laugh.

Kalye means The Streets. Hostage means bihag.

Haha Joke ba yun? Tatawa na ba ako?

Nakz, baka naman ginu - goodtime lang ako ni girl. At oo, tama! Baka tulad lang din ito sa nangyari sa akin dati na kinidnap, yun pala mang-e-invite lang sa isang all black theme party. Haha

Yes, yun na nga! Wala ng iba.

Ayokong mag-isip ng iba. Stress ako. Walang hostage - ininvite lang itong si Bea Mae dito sa Hobo. Yun lang.

"Oohhh!" Tanging nasabi ni Shio. "Hostage? Teka, mayaman ka ba? Sinong mga magulang mo?"

"Ha-ha." I tried to laugh baka kasi mapakanta ako ng "Di ko kayang tanggapin" ni April Boy. Whew.

"You know what girl, I feel you." I tried to smile and look at her. Napatingin naman ito sa akin na nagtataka. Kahit sina Shio, Christian at yung iba.

"Naranasan ko na ding makidnap ng mga ito." I told her at isa isang itinuro ang mga miyembro ng The Streets. Sina parekoy at Lowen, alanganing napangiti. Sina Imo, Ian, Thux at iba pa ay nag-iwas ng tingin.

"Akala ko nga katapusan ko na. May blinds pa ako at may tali sa bibig tapos sa kamay pa. Yun pala may party sila at yun ang kanilang bagong way of inviting me. Amazing diba?"

Laglag ata ang panga ng kaharap ko dahil parang wala lang sa akin ang pagkukwento tapos si Shiohana, natawa lang.

"Nagawa mo yun kay K, X?" Parang di makapaniwala at natatawang tanong ni Shio.

"Actually, wala siyang alam." Sagot ko sa tanong na para sa Boss.

"Si Parekoy ang mastermind eih." Kibit balikat kong dugtong.

"Marekoy, hindi ako yun ah. Si Ian yun. Siya kaya ang nagbigay ng ideyang yun." Tanggi ni Parekoy na iwinasiwas pa ang kamay sa tapat niya na sinasabing hindi siya sabay turo kay Ian.

"Aba aba, wala akong matandaan." Tanggi din ni Ian na nagpatuloy pa sa pagkain. Yung iba naman sa dulo tahimik lang na natatawa sa usapan namin.

"Oh tapos? Anong nangyari?" Nakangiting tanong uli ni Shio na mukhang sayang saya sa kwento ko na animo'y kwentong barbero lang.

Nangiti ako ng pagkatamis tamis sa kanila. "Sinuntok ko sa mukha yung nangidnap sakin."

Nagulat ata yung mga baguhan, kahit si Shiohana at si Bea Mae. Pero natawa na lang ng malakas si Shio na parang isang malaking Joke yung sinabi ko.

"My Gosh! Talaga? Hahaha kaya pala takot sila sayo, kasi may sinuntok ka na sa kanila." - Shiohana.

Nagtataka talaga ako sa babaeng ito, tuwang tuwa pa sa kwento ko. Joke ba pagkakakwento ko? Parang amaze pa siyang malaman na may pangyayaring ganon. Baka kung ako yung pinagkukwentuhan, nanginig na ako.

Pero well, sanay naman siguro ito sa mga ganon. Sabi nga ng BOSS, may sarili siyang grupo, so ano pang aasahan mo? Syempre palaban.

"So, ikaw? Sinong nagdala sayo dito? Anong ginawa nila sayo?" Direktang tanong ko sa katabi.

"Boss, tapos na kaming kumain. Alis na agad kami. Malapit na pala mag alas 5, naku male late na kami." Paalam ni Ian na agad na napatayo habang dala dala ang sariling pinagkainan at dumiretso sa loob ng bahay ng Sarmiento.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon