Chapter 41
Lumipad ang kunai ni Queen at tumama kay Lioness dahilan para mapahinto ito sa ginagawa nitong paglalaro ng habulan. Kanina pa siya naiinis sa babae lalo pa at pinuntirya nito ang babaeng nakapula - si Silver - ang leader ng silangan.
Dumiin ang kunai ng Queen sa balikat ni Lioness na nagpahiyaw dito sa sakit. Pinilit niya iyong matanggal sa balikat at itinapon. Napahawak siya sa balikat na umaagos ang dugo dahil sa lalim ng sugat.
"Kanina mo pa ako pinahihirapan kaya bagay lang yan sayo." Gigil na sabi ng Queen at pinaikot ang ring ng kunai sa kaniyang dalawang daliri.
Inis na tinutok ni Lioness ang baril sa babae ngunit napangisi lang ang isa.
"Naiputok mo na yan kanina ng anim na beses. Ilan na lang kaya ang balang natitira?" Ngisi ng Queen at inilabas muli ang spear.
Gigil na ipinutok ni Lioness ang baril ngunit wala ng balang lumabas kaya mas lalong napangisi si Queen.
"You are not a fighter Lioness. You just lure your prey gamit ang iyong ganda at syempre katawan. Who wouldn't say No to that perfect curves? Kaya lang babae din ako eh, hindi ako madadala sa tinatago mong kamandag." Ang Queen at inihagis ang kunai na kanina pa pinaiikot sa kamay na tumama sa pisngi ng babaeng kalaban able to cut the string of her mask and reveal her face.
Of course, Queen knew exactly who brings Lioness Mask, kaya nga gigil siya sa babae kahit hindi nito suot ang maskara.
Halos manlaki ang mata ng babae nang malasahan nito ang sariling dugo na mula sa pisnging nadaplisan ng armas ng babae.
Kasabay ng pag-agos ng dugo sa pisngi nito ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"Y-You! Dinungisan mo ang maganda kong mukha." Isang nakamamatay na tingin ang ginawad ni Lioness kay Queen at sinugod ito kahit basa na ng ulan.
Sinalubong naman ni Queen ang babae ngunit bago pa man ito makalapit ay umikot ito upang hindi tumama sa papalapit na babae. Akmang susuntukin siya ni Lioness ngunit nakaalis na siya sa naunang pwesto and stop her hand and twisted it that made her arch her back. Pumulupot ang braso ng Queen sa leeg ni Lioness at nakadikit sa leeg nito ang spear nitong weapon.
"As much as I want you dead, I still have mercy on you." Walang sermonyang inipit nito ang ulo ni Lioness at may tinusok sa leeg nito dahilan para mawalan ito ng malay.
Naubos na kasi ang pasensiya niya sa babae na kanina pa siya pinaglalaruan.
--------------
Taliwas sa utos ng Boss, sinugod ng dalawang Kapitan ng Team A ang loob ng Port. Sa kaliwang bahagi ng gate 8 sila pumasok at iniwasan ang danger zone, ayun sa narinig nilang utos ni Bee.
But as they go along, putok ng baril ang narinig nila. Nagkatinginan sila at napasilip sa Danger zone. Naroon may nakikita silang nakikipaglaban.
Napagdesisyunan ng dalawa na dumiretso sa Pier. Hindi nila makita ang kanilang Boss kaya maaaring hinahanap pa rin nito si Ms. K.
Mula sa mga nagtataasang file ng mga empty Container Vans, namamataan nila ang mga black ninjas na nawawala at lumilitaw. Mayroon ding mga bagsak sa lupang mga gwardiya sa Port at nakahandusay doon.
Nakalampas sila sa mga nakahilerang mga Vans at tumambad sa kanila ang mga naka alertong mga staff sa pier dahil sa pagtunog ng Buzz Alert.
Isang forklift ang dumaan sa kanilang tapat kaya napatago ang dalawang kapitan. Nakipagpatintero sa mga container Van na mukhang ipapasok sa loob ng Vessel.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
AcciónFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...