Chapter 16
Lowen
Ang tingin ng lahat ay natuon sa pagpasok ni Ate Lana – na mas kilala ng ibang miyembro na si L. Kahit ang ibang grupo na kasangga at kumakalaban sa amin ay kilala ito, ngunit kahit minsan ay di pa ito nagpakita ng mukha sa lahat.
Tiningnan ko ang mukha ng kapatid na may suot na mascara. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito at alam mong gamay na nito ang ginagawa.
Sa t'wing may laban ang 'Kalye' (kadalasan tawag sa grupo – tagalog ng orihinal naming pangalan) noon, laging naroon si Ate L ngunit nag mag trabaho ito sa ibang bansa ay ngayon na lang ulit ito lumabas.
Ang Tagabantay – ito ang bansag sa kanya.
Napalingon ako kay Boss na nakasunod rin ng tingin kay Ate na kasunod sina Mino at Joker – parehong third Gen (kanilang ranggo sa The Streets).
Ang 'The Streets' ay binubuo ng bawat ranggo, depende sa kung ika ilang henerasyon ka naipasok sa grupo.
Si Boss ay napabilang sa First Gen (Generation); ako, si Macoy, Yuri, Amay at Indigo ay sa Second Gen; sina Rem, Mino at Joker ay nasa Third Gen; sina Achi at iba pa ay nasa Fourth Gen at ang mga baguhan ay Fifth Gen.
Kung sakaling magbubukas ang pagre recruit ng miyembro – sila na ang magiging Sixth Gen. Nagbubukas lamang kami ng tinatawag naming 'Palarong Kalye' kada tatlong taon. Umaakyat din ang Ranggo sa 'Palarong Kalye'.
Halos kilala kami sa nagungunang grupo dito sa Norte apat na taon na ang nakakalipas. Mainit ang dugo ng ibang grupo sa The Streets kaya naman marami ang kumakalaban sa grupo, ang nais ay mapatumba at maungosan sa pwesto
Neknek nila, wala silang panama sa amin. At isa pa, kami lang ang Gang dito sa Norte na suportado ng mga kapulisan. Kasama kami sa nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng distrito namin.
At narito kami ngayon sa Baranggay Conyo. May basketball match kami sa leader Gang dito.
Ang mga Peste nanghamon ng Laro, may pa kundisyon kundisyon pag pinagsasabi di naman manalo nalo.
Huling game na to. Kung mananalo parin kami – kami na ang mamamahala sa kaayusan ng Baranggay pero kung matatalo kami – Game 4 ulit. Asa naman silang mananalo diba? Haha Gusto nilang palitan kami sa pwesto bilang Uno sa Norte, Tsk!
Baka imbes na kaayusan, gulo ang mangyari. Edi nasayang lang lahat ng pinaghirapan namin ng apat na Taon. Kung di rin naman sila isanlibong tanga!
Kasama ko ngayon sa loob ng court si Boss, Macoy, Yuri, Indigo at Amay. Kami ang maglalaro sa Game ngayon maliban kay Macoy – kasama namin si Aries (Third Gen) na naroon lamang sa mga kasamahan naming sabay na nakiki-upo.
Aakalin mo ngang walang nanonood sa palabas ngayong gabi. Ang tahimik kasi, pero isa yan sa rules ng game. Bawal ang mag-ingay. At ang mahuhuling mag-iingay ay papalabasin ng Gym at ban na rin sa mga palaro ng mga Gang lalo na at epal ka lang.
Walang bahid ng kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha ni Boss. Yan ang gusto ko sa kanya, pa mysterious type. Haha pero matindi yan magalit, naku! Yayariin ka talaga!
"Mukhang bumalik na ang tagapag bantay." Si Diego ang nagsalita na may ngisi sa mukha. Hindi ko siya nilingon dahil lahat kami ay sa may pintong yun nakaabang.
Si Diego ang Lider ng Black Hole, ang siyang naghaharian dito. Palibhasa, halos lahat ng mga sanggano sa kanilang baranggay ang mga ka tropa nito kaya malakas ang loob pero puro naman hangin ang tuktok. Yabang, ansarap tusukin ng bunbunan.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...