Chapter 29 - New

49 5 2
                                    

Chapter 29









Krizzle

Sinundo namin ni Rhea si Ate Erah sa Airport kasama nito ang mapapangasawang si Reynan. Yung ang ingay namin sa labas nang maghintay kami sa departure at makita si Ate Erah. It's been what? Four years? Ganoon katagal kaming hindi nagkita.

Yakapan at iyakan kami, first time din naming nakita in Flesh si Reynan. I used to call him Kuya kaya lang Reynan na lang daw, total one year lang agwat namin. Which means mas matanda si ate E sa kanya ng ilang taon.

But as the saying goes, "Age doesn't Matter" kaya nga magpapakasal na sila di ba? And Reynan accepted ate Erah kahit pa may anak ito sa pagkadalaga.

Close na nga ata si Nikki kay Reynan dahil sa twing tatawag si Ate Erah sa kaniyang anak, nandun si Reynan, nangungumusta din.

And we are very happy for Ate Erah. Alam mo yung finally, after years of struggling alone in life sa malayo, may nahanap siyang katuwang sa buhay na alam mong aalagaan at mamahalin siyang maigi.

Sumakay na agad kami sa nirentahan naming Van at dumiretso na sa HMA building para sa final adjustments ng gown ni Ate na sponsor ni Best.

Aha! Tama kayo. Si best ang gumawa ng gown ni Ate Erah. Kababalik lang nito kahapon pero back to work agad, busy sa gagawing launch ng designs ng M&Y (Tita Marie's Clothing Line) for next year.

Nagpaiwan naman si Reynan sa loob ng Van dahil ayaw ni ate E na makita nitong sinusukat niya ang gown. Well, nakita na nila ang gown sketched, pero hindi pa sa finished product. Ngayon pa lang.

Sinamahan ni Rhea ang Huli samantalang kami ni ate ang pumasok ng Building diretso sa office ni Best sa fourth floor. Sinalubong kami ni Aika, ang receptionist ng floor at pinatuloy naman kami sa opisina ng kaibigan. Naabisuhan na din pala ito na kasama ang ate ko pupunta ngayon.

May pinuntahan lang daw ito saglit at babalik agad kaya naghintay na lang kami sa loob ng opisina nito. Hindi siguro umabot ng limang minuto na paghihintay ng dumating na itong may bitbit na mga papel na inilapag sa mesa nito bago makipagyakapan kay ate Erah.

"Oh my! Congrats ate E and best wishes!" Si best habang yakap yakap ang ate ko.

Close din ang dalawang yan. Para na ngang totoong kapatid turing ni ate E kay Best, eih walang ate yan, kuya meron. Si Josh.

"Aw. Thank you Yvie." Sagot naman ni Ate na gumanti din ng yakap. "Sayang talaga hindi ka makakapunta sa kasal ko, meron sana akong celebrity guest."

"I'm sorry ate. I really wish I can come, it just happens that my schedule's a mess." Best even rolled her eyes, halatang naiinis but I know she love how busy she is when it comes to her first love.

"Anyways, your wedding gown is still in my showroom. Let's go there." Aya ni Best at umabresete sa parehong braso namin ni Ate at lumabas ng opisina nito.

Pumasok kami sa elevator at pinindot ni Best ang 6th floor, at mula sa 4th floor kung nasaan kami ay umakyat ang elevator.

"Anong meron sa 5th floor best?" Curious kong tanong. Diba nga hanggang 10th floor ang building pero hanggang 4th lang ang alam ko dahil hanggang doon lang naabot ko.

"Model's Lounge." Sagot ni Best bago namin narinig ang ping ng elevator hudyat na nakarating na kami.

Pagbukas ng elevator, sumalubong sa amin ang tahimik na hallway. May limang pinto lang ang naroon na may mga encrypted name sa mga pinto. Unang bumungad sa amin ang M&Y at ang iba pang in-house designers showroom, kay Best ay nasa dulo, bilang siya ang pinakabago. Yun ang tinungo namin.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon