Chapter 39 - Anong Plano?

53 3 0
                                    

Chapter 39












Naalimpungatan si Krizzle na masakit ang ulo at madilim ang paligid. Pinipilit niyang imulat Ang mata subalit hindi niya magawa dahil may nakatakip doon kaya hindi niya alam kung anong nangyayari o kung nasaan siya.

She felt dizzy dahil sa pinaamoy sa kaniya. She knew what it was but she can't collect her thoughts dahil sa hindi niya magalaw ang buong katawan. Nangangalay ang kaniyang kamay na nakatali sa kaniyang likuran at mga paa na magkadikit na nakatali sa isa't isa. Nakatagilid siyang nahiga sa isang malambot na upuan ngunit hindi siya makagalaw dahil sa kaniyang kasalukuyang posisyon.

Pinipilit niyang gumawa ng ingay mula sa nakatagong tinig ngunit kahit ito ay di niya magawa dahil sa sobrang kahinaan. Masyadong malakas ang pinaamoy sa kaniya at muli ay hinihila siyang mahimlay na kaniyang pinipigilan

Christian.

Yun ang pangalang sinisigaw ng kaniyang piping boses.

Christian, tulong.

Naramdaman niya ang pag-uga ng kaniyang kinahihigaan. Parang alam na nito kung nasaan siya, nasa loob ng isang sasakyan.

Bumukas ang pintuan na magkasunod hindi niya alam kung saan, pero hinuha niya ay sa harapan. Muli itong umuga na para bang may sumakay at sunod sunod na muli ang pagsara ng pinto.

"Saan tayo boss?" Tanong ng isang boses na hindi pamilyar kay Krizzle, palagay niya ay ngayon niya lamang iyon narinig.

"There. We can't be here. He might see her here." Sagot ng isang boses na medyo pamilyar sa kaniya, pilit inaalala kung kanino iyon o sino ang may-ari ng boses na yun.

Oh shit. Siya yun.

Hindi makapaniwalang sambit nito sa isipan ng sumagi sa isip ang nangyari kanina sa may ospital.

At kahit gusto pang makinig ng dalaga ay mas lalong nanakit ang ulo kasabay ng paghila ng antok sa kaniya.

Bakit? Akala ko ba mabait siya? He helped us escaped before, he helped me before. Bakit? Kalaban ba siya?



















































---------------------- 😱


































"Isa kang Gago. At kahit kailan, wala ka ng babalikan. Hinding hindi kita babalikan."

Titig na titig ang halos lahat ng miyembro sa may-ari ng boses na yun na hinding hindi nila makakalimutan kahit kailan.

Mas lalo lang rumehistro ang gulat sa kanilang mukha nang mapagtanto kung sino iyon lalo pa't klarong klaro nilang nakikita ang mukha nito matapos tanggalin ang maskarang itim.

"R-Riva." Halos hindi makapaniwalang bulalas ng nga ito lalong lalo na ng lalaking nasapol sa mukha ni Z.

"Riva is dead. She's Rebecca." Si X ang nagpakilala sa kanila. "And she's an official trained ninja of Black Deck."

"Teka, parekoy Pa-paanong nangyari?" Tanong ni Macoy na hindi makapaniwala.

"Code Violet siya ng dinala sa DPO. She was declared Code Blue minutes after dahil sa natamu nitong mga sugat sa katawan. Those bullet shots are impossible to survive. But one last time na ni revive ito, she had the heartbeat. Hindi na namin binawi ang code not until she's totally healing dahil baka balikan lamang siya ng mga kalaban. And so L was sent abroad too.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon