Chapter 10
"Ano pong nangyari sa inyo? Ms. K - kiniss niyo po si Boss?" inosenteng tanong ni Einstein.
I think I drop my jaw sa sobrang gulat dahil sa sinabi nung bata. Kaming lahat siguro napatingin sa kanya.
I can hear Christian whispering curses behind me. Ayaw ko ng tingnan. That would make the situation more awkward.
Napatayo si Yuri sa inuupuan nito at agad kinarga si Einstein patayo sabay ng paggulo sa buhok nito.
"Pareng Einstein, gusto mo bang kumain ng cake? Lika samahan na kita."
"Sama ako." Parekoy volunteer.
"Ako din." Halos magkapanabayan pang sigaw nung iba.
My Ghad! They are not obvious, aren't they? Maka iwas lang talaga no? E diba dapat ako yung umiwas?
Nag magsialisan ang lahat (maliban kay Lowen na karga karga parin ang anak) ay siya namang balik ni Lana. May dala dala nga itong salad at nakaguhit sa mukha nito ang pagtataka.
"Saan pupunta ang mga yun?" nagtatakang tanong nito habang nakasunod ng tingin dun sa mga lalaking nawala na sa gitna ng court.
"Nainggit sayo ate." malapad ang ngiti ni Lowen. "Gusto din ng sweet."
Hindi man yun direktang sinabi ng huli, tila naintindihan naman yun ng kanyang kapatid. At tanging TSK lang ni Christian ang naririnig ko sa tabi.
Jusme Krizzle! Ngayon ka pa nagpaka sweet eh, sa harapan pa ng mga gangsters na to.
Oh great! Just great!
=================
"Talaga K? Best friend mo yung may-ari ng TYF?" halos di makapaniwalang tanong ni L. Mababakas sa mukha nito ang gulat.
Napagkasunduan naming tawagin ang isa't isa mula sa first letter of our names, which are L (Lana) and K (Krizzle). Well, it's better than Ms. K.
Napatango naman ako bilang sagot.
Nandito kami ngayon sa tapat ng mga regalo ni Baby Luther. Nabuksan kasi nito ang regalo kong pares ng damit from M&Y (stands for Marie and Yvonne). Ito naman ang sariling design ni Tita Marie, Yvonne's Mom. For girls lang kasi ang design ni Best samantalang kay Tita ay para sa lahat.
Nagtanong kasi ito sa damit na suot ko na may tatak TYF (means Trishia Yvonne Fillar).
"Sobrang ganda ng design niya, I swear. Kaso masyadong mahal." parang nahihiya nitong kumento.
Napangiti ako sa sinabi nito. Yeah, medyo may kamahalan nga kasi mahal din naman kasi ang mga materials na ginagamit, if best would say.
Freebies lang kaya to sakin. Ibig sabihin, ako ang tester. Tagasukat at tagasuot. Promote ko daw - she would say.
"Hayaan mo pag nag sale sila, sasabihan kita." saad ko. "Kaya nga lang, kahit sale hindi ko naman afford. Hingan na lang kita sa kanya."
Nagkatawanan kami dahil sa sinabi ko. Kahit ako naman kasi aminadong hindi ko afford no. Kahit pa mag sale o may gift check ako from her.
Madami pa kaming napag - usapan ni L. Nalaman kong last year lang pala ito umuwi from Canada. She resigned from her work. Nag change management daw kasi dahil nagfile ang company ng bankruptcy at hindi nila nagustohan ang bagong pamamalakad.
Kaya nag - apply ito sa CHA at mapalad namang nakuha ang trabaho bilang caregiver.
Nasabi rin nito sa akin ang tungkol sa ina ni baby Luther. At ang pag - iwan nito kay Lowen at sa bata matapos manganak. Hindi kasi nito gusto ang pagiging miyembro ng isang Gang. The girl hated the Gangs and the likes.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
حركة (أكشن)Falling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...