Chapter 30 - Love

36 3 0
                                    

Chapter 30







Krizzle

Maaga pa lang ay kinuha na namin ang gown ni Ate Erah sa HMA building. Kasabay ko si Christian sa Van sa pagkuha noon. Isinama rin nito si Einstein, pero sabi ni Christian sanayin ko daw ang sarili kong tawagin siyang Jasper. Hmm, sana lang magawa ko. Haha

Magkikita na lang kami nina Ate Erah sa airport para sunduin ang ibang kamag-anak ni Reynan na dadalo sa kasal bukas. Alas nwebe ang oras ng pagdating ng plane pero 15 minutes before nine, nasa departure area na kami.

Pagdating ng sasakyan nina Ate Erah ay sakto ring lumapag ang eroplanong sinasakyan ng mga kamag-anak ni Reynan. There are 15 adults and 5 kids kasama na ang mga magulang nito, Tapos may mga gamit pa. Hindi ko lang alam pano pinagkasya yun nina Christian at ng driver ng nirentahang Van nila ate ang mga gamit nila.

Maya maya pa ay lumarga na kami dahil ilang oras din ang byahe pauwi sa probinsya namin. Nauna sina Ate habang nakasunod naman kami.

Nag drive-thru na muna kami dahil mahaba haba pa ang byahe pauwi sa amin. It would take us three and half hours drive dahil tuloy tuloy ang byahe pero kung commute, nasa Apat o apat at kalahati.

Nagpapahinga na ang mga sakay ng Van habang nagmamaneho si Christian, kami naman ni Einstein, I mean Jasper, ay nagtuturuan ng kung ano ano sa labas. Himala nga at walang topak yung bata at masiglang kausap habang bumabyahe kami.

After a long drive, sa wakas, narating na namin ang aming home sweetie home.

Ang aming baryo ay napapagitnaan ng mga pananim na Palay. Ang likod bahay nga namin ay Palayan na. Hindi rin makakapasok ang malalaking sasakyan tulad nitong Van kaya lalakarin mo ang papasok, pwedeng bisikleta o motor o tricycle.

Isa isa na naming binababa ang mga gamit ng mga kamag-anak ni Reynan habang abala ang mga ito na nagbabatian sa daan.

Malawak ang lugar namin dahil para kaming isang compound na puro magkakamag-anak. Meron namang kapitbahay pero ang iba ay ilang palayan din ang layo. Pero abot naman kami ng Kuryente at patubig ng Mayor.

May naipatayo na din naman kasing bahay sina Ate sa tabi ng bahay namin na dati ay bakanteng lote lang at doon mamamalagi ang mga kamag-anak ni Reynan.

Ang mga pinsan ko ang tumulong sa pag diskarga ng mga gamit at binati din nila si Christian.

"Pinsan." Halos sabay sabay pa nilang tawag kay Christian at nag fist bump.

Pinsan ang tawag nila kay Christian. Noon kasing unang punta nito dito sa amin ay akala nila siya ang boyfriend ko. They never met Chan, si Christian lang. Alam na din nila ang history ng love story ko kaya naman eto tinutukso ako ng mga damuhong mga pinsan ko.

"Aba aba, gumwapo ka. Pero mas gwapo tayo." Yung pinsan kong si Den na pasimuno dyan sa pagtawag ng pinsan kay Christian. Eto namang iba sabay sa tama. Oo ng oo.

"Antagal mong di kami binisita Pinsan, ano na? Kumusta na kayo nitong pinsan namin? Kayo na ba ang susunod na ikakasal ha?" Gatong pa nitong si Fran na loko loko din.

"Hui, Francisco magtigil ka." Sita ko sa kaniya. "Magpakasal ka muna bago ako. Mas matanda ka sakin."

Napuno ng kantiyaw si Fran dahil sa sinabi ko. Haha ayan kasi.

"Aba may bata. Sino siya? Anak niyo?" Si Dinggoy, isa pa yan. Mas bata sa akin loko loko din, pero may anak na yan, walang asawa.

"Di na ako bata." Nakabusangot na sagot ni Jasper na ikinatawa ko at ikinangiti ni Christian.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon