Chapter 31
"Nurse Paz, lunch time. Tuloy tayo ha? May reservation na kami. Bawal ang Indian Pana kakana kana." Paalala ng mga kasama kong Nurse na kinanta pa ang pambatang kanta sa dulo na pareho ko ng shift. Alas 12 ang out namin at dala ko naman ang scooter ni Best kaya madali lang ang byahe.
"Oo na. Wala din naman akong gagawin." Sang-ayon ko rito at bumalik na sa loob ng office ni Doc.
Malapit na kasing mag 12 at kakain umano kami sa Kamayan. Matagal na silang nagpaplanong kumain sa nasabing kainan kaya lang laging puno at minsan fully book kaya ngayon sila naka tyempo.
Tinapos ko na muna ang mga pinagagawa ni Doc Arliza bagu umalis ng Ospital kaya ang nangyari, nahuli ako sa kanila. Nauna na sila sa Kamayan ni X sa Swiss Mall at sumunod na lang ako. Sinabi naman nila kung kanino naka pangalan ang reservation kaya agad akong nakapasok sa loob.
Nasa gitna ang reserved table nila at sakto, ako na lang ang hinihintay nila at kinukuha pa ng waiter ang order nila
"Hai salamat, dumating siya. Akala ko talaga may lahi Indian tong si Paz." Bungad ng mga ito ng dumating ako. Mga nasa sampu rin ang bilang namin.
Lage kasi akong hindi nakakasama sa mga lakad nila. Minsan lang talaga wrong timing, yung pumupunta ako sa opisina ni Best.
Nagdaldalan kami habang hinihintay ang order. Hindi siguro umabot ng limang minuto andun na ang order namin na ipinagtaka naming lahat. Kasi yung iba naghihintay pa sa order nila, sa amin andito na.
Nasagot ang tanong ko nang mapagsino ang naghatid ng pagkain namin kasabay ng waiter na kumuha ng order namin.
Si Amay pala, na pangiti - ngiti pang naglapag ng pagkain sa tapat ko.
"Espesyal na Sinampalokang Karne ng Baboy at Espesyal na sinangag with Love." Pahayag ni Amay.
Napatingin tuloy sa gawi ko ang mga kasamahan ko dahil sa sinabi nito. Napandilatan ko tuloy ng mata ang nakangising lalaki.
"Pinapasabi po ng May-ari, on the house na po ang pagkain niyo. Maligayang pagkamay!"
Halos magpalakpakan yung mga kasama ko dahil sa hindi makapaniwala na libre na ang lunch namin.
"Wow! / Di nga? / Talaga? / For real? / di to scam?" Halos sabay sabay pang tanong ng mga ito.
Kahit ako nagulat. Sa tuwing kakain ako dito na nandito si Christian, lage akong libre. Ibig sabihin nandito si Christian?
Napatingin ako sa paalis na si Amay, sumaludo lang ito sa gawi ko at nang sundan ng tingin ang tinitingnan nito ay nakita ko si Christian sa may Serving Area at naka Apron na seryosong nakatingin sa gawi ko. At bahagya lang napangiti nang magtama ang aming mga mata.
Agad naman itong umalis at pumasok sa kitchen at ako naman ay parang timang na ang lapad ng ngiti.
"Mukhang alam ko na kung bakit libre ang lunch." Sabat ng kasamahan namin.
"Yeah, feeling ko rin me alam na ako." Sang-ayon ng isa pa na sinang-ayunan ng lahat at nakatingin sa gawi ko.
"What?" Nahihiya kong sagot at pinamulahan ng pisngi.
Grabe naman talaga. Hotseat to for sure.
"Yung may with Love ang pagkain. Haha." Sabat ng katabi ko na ikinatawa ng lahat.
Nakakahiya. Arggghhh!
"Jowa mo ba May-ari nito Paz?"
"Naku, bakit di mo sinabi na kilala mo ang May-ari ng Kamayan? Pinahirapan mo pa kami sa pagpapa reserved."
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...