Chapter 32
HOBO"Ayun sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa isang napabayaang Kandila. At dahil dikit dikit ang mga bahay, madaling kumalat ang apoy." Balita ni X sa mga kaharap nitong Kapitan dito sa HOBO.
"Madaming bahay ang nasunog at madaming nasugatan, may mga buhay na nawala at isa na dun si Pon."
Tumahimik ang mga ito kasabay ng pagdadalamhati sa isa na namang kasamahan na nawala sa kanila.
May isang parihabang mesa sa tapat nila kung saan sila nakaupo, sa gitna ng court sa HOBO.
"At base sa posisyon ng pagkakakita sa bangkay ni Pon, may pagkakatugma iyon sa salaysay ng kaniyang anak. Hindi natin alam kung planado ba ang sunog pero masasabi kong planadong may masaktan o mamatay sa nakaraang gabi."
"Ano ng gagawin natin Boss?" Tanong ni Erin na nakaupo sa tabi nina Thux at Imo. "Tinitira na tayo ng kalaban. Iniisa isa na ang mga miyembrong nasa mababang posisyon."
"Pinaiigting naman namin ang pagbabantay boss, pero mukhang nalulusutan pa rin tayo." Sabat ni Aikee. "Hindi kaya't may tagatiktik sila dito sa loob na mula sa nasasakupan ng grupo?"
"Dulo dulo sila kung kumilos, nung una sa East, ngayon naman sa West, baka sa susunod niyan, Timog na bahagi naman ng Norte ang may mangyari." Dagdag naman ni Sampu.
"Bakit ba kating kati ang mga kalaban natin na pabagsakin ang Norte? Wala na naman tayong ginagawa sa kanila. Tahimik naman ang bawat distrito, bakit nila tayo tintirang patalikod?" Tanong ni Mino. "Imposible namang manggaling sa loob ang magiging kalaban natin. Kilala na natin ang mga lider ng mga gang na napasailalim sa Kalye, yung tumiwalag - nasa kulungan na. Ano bang magiging dahilan nila para tirahin tayo?"
"Magandang tanong Mino, pero ano nga ba ang sagot?" Sabat ni X sa tanong ng Mekanista ng grupo. "Dahil gusto nilang makuha ang meron sa Norte."
"Ano nga ba ang meron sa Norte? Wala tayong yaman ng tulad ng Kanluran, at mas lalong walang advance na mga gamit tulad ng Silangan. Hindi rin tayo tulad ng Timog na maraming itinatagong pwersa, ang meron lang tayo - physical na lakas, tyaga at kaayusan." Si Lowen.
"Yun na nga Mismo Lowen, Kaayusan. Dahil hindi natin kailangan ng makabagong teknolohiya, mga armas at kagamitan, pero napapanatili ang kaayusan. Sinisira nila ang ating kaayusan. Dahilan para mawalan ng tiwala ang mga nasasakupan ng Kalye sa atin mismo." Muli ay paliwanag ni X. "At higit sa lahat, kapangyarihan. May control ang Norte sa Silangan at Timog, at kapag natalo ang Norte, mapapasakamay ng kung sino mang nasa likod ng lahat ng ito ang tatlong dibisyon."
"Pero Boss, ibig bang sabihin ba nito, kanluran pa rin ang kalaban natin? Kasi damay na din naman ang timog at Silangan dahil dun sa naunang pagsugod ng kalaban. Posible bang maulit ang nangyari 6 na taon na ang nakakaraan?" Tanong ni Amay.
"Hindi natin gustong maulit ang nangyaring yun Amay. Marami ang buhay na naisakripisyo. We are not going to do the same." Seryosong sagot ni X.
"Pero bakit parang ganon ang nangyayari Boss?" Apela ni Yuki. "6 years ago, nakilala ng Kanluran si Riva bilang first Mistress, si Lana bilang tagabantay. Ngayon naman si Ms. K. Paanong hindi mauulit ang nakaraan? Dahil sa nakikita ko, pareho ang dulong pupuntahan nito."
Napatingin ang lahat sa sinabi ni Yuki. Higit kanino man sa kanila, si Yuki ang higit na nasaktan sa nangyari six years ago, sa pagkamatay ng girlfriend nitong si Riva.
It was an ambush. Tinambangan ang grupo na magdadala kay Riva at L at sa pamilya ng mga ito sa Villa dahil sa sobrang gulo ng panahong yun. Nahiwalay ang grupo ni L sa grupo ni Riva at nabalitaan na lang nila ang ambush dahilan para mamatay ang mga bantay nito at ni Riva.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...