Chapter 5
Pauwi na ako ngayon dahil katatapos lang ng shift ko dito sa CMC. Dito sa likod ako dumaan, sa may employees entrance.Medyo madilim sa bahaging ito ng Ospital dahil hindi pa naayos ang ilaw sa poste. Hindi na kasi iyon parte ng ospital kaya hindi magawan ng paraan, all the management can do is to follow up the local government.
Naghiwa-hiwalay na kami ng mga kapwa ko OJT na kasabay ko ng shift dahil iba-iba naman kami ng destination.
Mag a alas otso pa lang ng gabi pero mukhang hating gabi na sa pwesto ko ngayon. Napatingin ako sa laging bukas na gate, habang may magilan-ngilan pang sasakyan na napapadaan.
Napapagitnaan ang CMC ng mga naglalakihang pader ng mga subdivision kaya wala masyadong pampublikong sasakyan na napapadaan, only private ones.
Nandito na ako ngayon sa bungad ng gate 3 ( Public Entrance) habang naghihintay ng masasakyan.
This past few weeks, hindi naman ako nahihirapang makauwi kasi hatid - sundo ako ni Christian.
Christian
Pilit ko na siyang iniiwasan dahil pakiramdam ko mali na yung nangyayari. Hatid sundo niya ako lagi.
Lagi ko raw kasing pinapahamak ang sarili ko dahil sa pagiging brokenhearted.
Pero minsan kasi hindi naman yun ang dahilan ng pagsi space out ko. Nakakainis.
Pero nakaka miss.
Hay,,
Eto, nakatitig na naman ako sa kawalan kaya hindi ko napansin na may isang itim na mini van na huminto sa tapat ko. At bagu pa ako makareact, maka galaw, makasigaw, nahawakan na ako noong naka mask sa bibig at hinila papasok ng mini van.
Noong bumalik sa utak ko yung isip ko, saka ako nagpumiglas at pilit kumawala.
Pero no, huli na! May panyo ng naka takip sa bibig at mata ko. Nakatali na rin ang kamay ko sa likuran at paa.
Damn, what did just happen?
Sobrang bilis ng pangyayari at di pa ako nakahuma mula sa pagkakagulat. And then I chose not to panic (that much) kahit pa sobrang lakas at nakakabinging tibok ng puso ko.
I'm scared, Nay, Tay!
Umandar na ang sasakyan, dahil naramdaman kong dahan dahan na silang umabante.
Nandito ako sa likuran ng driver's seat at naramdaman kong dalawa ang katabi ko, left at right. Nagkakadikit kasi ang mga braso namin minsan.
Wala silang imikan, di rin naman ako makagalaw ng maayos.
Nagsimula na akong magpumiglas. Ginagalaw ko ang sarili. I'm trying to move my wrists but I can't untie it. Hindi naman siya masyadong mahigpit at hindi rin maluwang. Pero anong alam ko sa pag untie? May Good God. Pagbibigay lang ng first aide ang alam ko. At kinakabahan na ako ng sobra sobra.
Kinikidnap ba nila ako? Kidnappers sila? huh? Bakit ako?
Hindi po ako mayaman mga sir, halos gusto kong isigaw.
At dun na ako tuluyang napa iyak behind the blinds.
Sino ba sila? Anong kailangan nila sakin? Pera? Wala po kaming kayamanan.
Baka naman nagkamali lang sila ng kinuha? Gumalaw ako para makuha ang atensyon nila pero naramdaman ko lang na pinipilit nilang hindi dumikit sa akin.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...