Chapter 2 - Like Home

112 7 35
                                    

Chapter 2


Kababalik lang ni Best from New York after attending NYFW (New York Fashion Week). She spent almost three weeks in there with her cousin-model Nelayn and Model Raine from HMA (Huzzle Modelling Agency).

Every after a fashion week abroad, lumalabas kami for some sort of bonding. Actually, she wanted me to come with her every time na meron siyang dadaluhang fashion week abroad, but I just can't. I have work here. At isa pa, hindi ko naman yun forte.

Kaya nandito kami ngayon sa Swiss Mall at gumagala, doing girly stuffs and later decided to eat.

Bumaba kami sa ground floor, where Alfresco (Food Establishments) are located. Galing kasi kami sa third floor kung saan naman nakahilera ang mga salons.

We walk passed through various restaurants, dahil mukhang may hinahanap si Best na restaurant na gustong kainan.

"There you go!" ngiti-ngiti nitong sambit habang nakatingin sa aming harap. Kaya napasunod na rin ako ng tingin.

Kamayan ni X.

I knew this restaurant pero di pako nakakapag dine dito.

Kamayan ni X is very known for serving folk and foreign dishes in Filipino ways. Sabi-sabi nga di ka makakakain dito without prior reservation.

Mula sa labas ay makikita mong maraming taong naghihintay, siguro dahil gustong makapasok sa loob dahil lunch na nga naman.

There was a receptionist outside wearing a Filipino kimono and skirt, entertaining the customers outside waiting for their turn.

Salamin mula sa labas ang restaurant pero hindi mo makikita kung ano ang nasa loob dahil meron itong tila dinikit sa salamin. That's why we don't know kung marami nga talagang tao inside at kung anong itsura nito sa loob.

"Glad I made a reservation!" parang na e-excite pang sabi ni Yvonne and hold my arms. Then drag me towards the receptionist.

After she confirmed our reservation ay nakapasok na kami sa loob after we were guided by a waiter in white shirt na merong red bandana sa leeg. I don't know how to call it pero yung mga suot ng mga folk dancers?

You get the idea? Ah, basta ganun. hahaha

Yun pa lang nasa labas ay walang reservation, nagbabaka sakali lang na merong bakante at pwedeng e accommodate.

And then I know why Kamayan ni X became famous.

Pagpasok pa lang, ramdam ko na agad ang pagiging homey nito.

Kaya pala hindi mo makita kung ano yung nasa loob kasi tinted stickers pala yung nasa floor to ceiling glass. And guess what? it's like a painting over glass. A very familiar scenery to me.

a Farm, looks like my beloved hometown.

Merong palayan, taniman at mga bahay na gawa sa nipa at kawayan. Meron ding mga pigura ng mga taong tila nagkakasayahan habang nagsasaka.

Yung automatic na nag smile ang buong systema ko dahil sa nakikita at nararamdaman ko.

Yung mga furnitures gawa lahat sa kahoy, kahit nga siguro yung mga nakasabit na mga ilaw ay parang mga sulo sa bukid.

Wow, just wow!

And everyone's eating in bare hands. The very usual way of eating in the farm.

Parang namiss ko tuloy ang mga magulang ko. Malamang, ay hindi, panigurado, magugustuhan nila dito.

We were seated at the middle of the dining area, pagkaupo nasabik talaga ako dahil sa kahoy na upuan.

Okay, para na akong tanga dahil sa sobrang saya, at parang ewan na nakangiti habang sinusuri ang mesang kahoy na merong vase sa gitna. At tatlong daisies yung nandun.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon