Chapter 19
Krizzle
Nagtaxi ako pauwi. Gusto pa sana akong ihatid ni Gab ngunit tumanggi ako, nakainom na din kasi ito. At siya lang din mag-isa. Kung uuwi ito sa kanila ay out of the way din ako. Iikot pa ito.
"Star Condominium po kuya!" Inform ko kay manong driver.
Nang makapasok ako ay agad ng umalis ang Taxi. Sa Southwest Lane ang daang tinatahak ng Taxi. I'm familiar with the way kasi eto ang dinaraan ng mga sasakyan dahil main road eto.
May apat na Major Division ang Syudad, ang North, South, East at West Division. At bawat Division ay may checkpoint sa bawat boundary. Sa bawat Division ay may Chairman na tagapamahala sa mga nasasakupang baranggay under the Mayor.
According to history kasi ng syudad, hinati ito sa apat na dibisyon upang mas matutukan at mapalaganap ang kapayapaan at kaayusan.
So much from the history, malapit na kami sa checkpoint. Marami ang streetlights at maliwanag ang daan paglabas ng South Division.
Habang malapit na kami ay antok na antok na talaga ako at parang mahuhulog na ang talukap ng aking mata ngunit pinipigilan ko ang sarili. Gabi na kasi at kahit mapagkakatiwalaan naman ang mukha ng drayber ay ayaw ko naman maging kumpyansa.
Tamang bilis lang ang pagpapatakbo ni mamang driver kaya naman sigurado akong safe kami sa anomang aksidente.
Ngunit bigla na lamang may pumutok na ikinagulat ko at napasigaw kasabay ng pagdahan dahan ng takbo ng taxi. Yung kaninang antok ko ay tinangay ng hangin.
"Diyos ko po!"
Naapakan agad ni kuya ang preno at napatabi kami sa daan. Buti at di mabilis ang takbo ng taxi kaya naman at wala ring nakasunod sa amin.
"A-ano po yun kuya?" Kinabahan kong tanong habang hawak ang kumakabog na dibdib sa sobrang gulat at napatingin sa likod ng aming sinsakyan.
Yung putok kasi ay putok na tila may sumabog. Ano kaya yun? Baril? Bomba? Wag naman po sana.
"Na flat po ata ang gulong ma'am!" Sabi nito at agad na binaba ang sasakyan upang tingnan ang gulong.
Napabuntong hininga ako sa sinabi nito. Buti gulong yun, akala ko terorista. Aie naku! Iwasan ko na ba ang magkape sa umaga?
Umikot ito sa may likuran at maya'y napailing. Nakasunod ako ng tingin kay Kuya kaya nakikita ko ang reaksyon nito.
Minabuti ko na ring bumaba ng taxi at nakitingin sa gulong ng sasakyan na wasak.
Nanlulumong napatingin ako sa paligid. Wala na masyadong dumadaan sa highway kahit pa maliwanag ang daan na puro streetlights. Pwede ngang magkarera sa daan dahil sa sobrang luwang.
"May spare na gulong ka ba kuya?" Tanong ko ng makita ang kalagayan ng gulong. Wasak na wasak ito at hindi na kakayaning bumyahe.
"Wala po ma'am. Kapapalit ko lang din ng gulong kaninang umaga! Tsk!" Malungkot pang sabi nito. "Pag tinamaan ng malas naman talaga."
Sa bandang likuran namin, kung saan kami napahinto ay mga sarado ng commercial building kahit sa tapat nito.
"Naku kuya, pano na tayo ngayon niyan?" May himig pag-aalala sa boses ko.
Sino namang di mag aalala e gabi na at wala pang masyadong napapadaang mga sasakyan?
Napakamot ng ulo si kuya habang nanlulumo ring nakatingin sa gulong ng taxi.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
AcciónFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...