Chapter 38
Natanggap ni Christian ang text ni Krizzle na sunduin ito ng mas maaga dahil dumating na ang kasamahan nitong papalit sa kaniya.
Kaya mula sa Kamayan ay agad ng nagtungo ang binata sa CMC upang sunduin ang girlfriend. Sakay ng motor ay dumiretso ito sa entrance ng ospital.
It's Christmas Eve at balak nila na sa HOBO mag celebrate kasama ang ibang mga miyembro ng grupo. Ang ilang kapitan ay nasa kaniya kaniya nilang section of responsibility habang ang iba ay nasa Villa para samahan ang kanilang pamilya para sa pagsalubong ng pasko.
Hawak ni Christian ang kaniyang cellphone, nakatitig sa wallpaper nitong mukha ni Krizzle. He smiles when he sees her face smiling back at her. Matiyaga siyang naghintay ngunit ilang minuto ang lumipas ay hindi pa lumalabas ang girlfriend.
Agad nakaramdam ng kaba sa dibdib ang lalaki at tinangkang pasukin ang ospital na sobrang busy sa harapan dahil sa maya't mayay pasok ng ambulansiya kahit alas siyete pa lang ng gabi.
His phone beeped that made him stop sa paghakbang. It's a video message from Y na ipinagtaka nito. He swiped his phone and the video played.
Umigting ang panga ni Christian nang makita ang mga tao sa video message. Naikuyom nito ang kamao kasabay ng pagdilim ng anyo nito at di matatawarang galit sa mga mata nito.
The video played was the copy of the CCTV footage sa ginawang pagkidnap kay Krizzle na mukhang sa isang emergency exit nangyari. At based sa oras na kuha, dalawampung minuto na ang lumipas.
Y has been the keeper of the Alphabet kaya may access ito sa lahat ng CCTV na installed sa North District aside from Bee ng The Streets. But Y has the better access dahil may access din ito sa South and some parts of the West and East.
Matapos mapanood ang video ay mas lalo lang nadagdagan ang galit na nararamdaman ng Boss dahil sa kilala nito ang lalaking humarap sa Nurse. None other than but Tiger, ang kanang kamay ni Beast.
At alam ni X na walang ibang gusto ang West kundi ang hawakan ang Norte sa leeg upang mapasunod nila. The Boss knew better.
"Ngayon, ginalit niyo na talaga ako. Ang mga kamay ko ang maniningil, at buhay niyo ang magiging kapalit." Nagpupuyos sa galit na bulong ni X while his palm is strongly formed into a hard fist.
He dialed numbers in his phone and rings followed on the other line.
"Bee, check the areas you can reach in the City. Kailangan mong mahanap ang exact na location ng Nurse. She's taken. Coordinate with Y, he can help you."
He again called another number.
"Lowen, alert the captains. The Nurse is missing. Secure the entrances and exits, 20 minutes na ang lumipas bagu siya kinuha."
"Z. See me or I'll break that stupid face."
Matapos tawagan ang mga taong unang pumasok sa isip niya ay sumakay si X sa kaniyang motor at pinaharurot iyon para umalis na bitbit ang galit sa kaniyang mga kalaban.
He can't think straight and well. Ang nasa isip niya lang ay maibalik sa kaniya ang girlfriend at pagbayarin ang mga kumuha dito. He could kill for taking his life away from him, he could definitely kill. At gusto nitong siya mismo, sa kamay mismo nito umagos ang dugo ng mga nagkamaling banggain siya.
Ang kamao nito ay nanggigigil na nakahawak sa motor nito. Kailangan niyang pagbayarin ang mga tao na nasa likod ng katarantaduhang ito, at ang una niyang gustong suntukin sa ngayon ay ang mukha ni Z.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
ActionFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...