Chapter 23
Kumpleto ang lahat ng second gen at iilang third gen na mga kapitan at mga Civil Guards sa emergency meeting na ipinatawag ng Boss.
May pahabang mesa sa loob ng court na pinalilibutan ng mga upuan. Bahagya lamang inilawan ang loob ng Court, tama lamang na magkakitaan ang mga miyembro. Sila lamang ang naroon dahil narin sa utos ng Boss na e deploy ang lahat ng miyembro kahit off-duty na ang iba upang punan ang posisyong iniwanan ng mga kapitang nawala sa pwesto.
May ibang nakaupo sa inihandang upuan ngunit ang iba ay nanatiling nakatayo, kung saan man sila kumportable. Si X naman ay kasalukuyang nakatayo sa dulo ng pahabang mesa upang makita ang lahat ng naroon.
Tumahimik ang lahat, nagpupuyos sa galit dahil sa masamang balitang ipinarating ng Boss.
"A-anong ? T-teka ? H-hindi - X!" nanginginig na tanong ni L na hindi naman maitawid ang tanong dahil sa narinig na usapan.
"No! I-it can't be." Halos di makapaniwalang sambit ng dalaga. Nanginginig ang kamay na natutop nito ang bibig. Agad naman itong dinaluhan ng kapatid na si Lowen at niyakap. Tuluyan na itong napahagulgol ng iyak.
Kahit ang mga tahimik na naroon ay kung saan saan na nakatingin kasabay ng mga malulutong na pagmumura upang tila alisin ang emosyong hatid ng balita.
Everyone already knew what had happen just earlier - to their Fourth Gen Member - Sec.
"Rem and Einstein, pareho pang under observation ang dalawa, So I suggest, mananatili na muna ang dalawa sa DPO." Muli pa'y balita ng Boss.
"H-hindi ba sila pwedeng bisitahin X?" Lakas-loob na tanong ni L na kumawala sa yakap ng kapatid.
L knew about the existence of DPO ngunit ni minsan ay hindi pa ito nagawi roon.
"I'm sorry L, pero hindi na muna. Up until sabihin ng Doctor na okay na at stable na ang dalawa, then I can permit you to visit them." Seryosong paliwanag ng Boss.
Kapag may meeting ang Kalye, it is always the Boss who gives the minutes of the meeting. He takes this time to boss around na may paglalahad ng kanyang binuong plano. Pero kapag nasa labas ito, tahimik lang ito at halos hindi nagsasalita.
This meeting is one of the rarest meeting ng Kalye na halos si X na lamang ang nagsasalita. Everybody's grieving, mourning over a lost, angry and is ready to take revenge to whomever that's responsible for this.
"I-ilan lang ang natamong sugat ni Sec." Putol ni X sa mahabang katahimikan. "At hindi yun delikado. Pero sa kasamaang palad, may lason iyong mga tumama sa kanya na mabilis kumalat that coded him blue."
Ang bigat ng atmosphere sa loob ng HOBO. Para bang naging ghost town iyon na malamig na hangin lamang ang naroon at umiindak sa tahimik na musika.
Nobody's creating any sound.
They were engrossed with the silence. Pain is visible. Sadness and Anger are written all over their faces but nobody says anything na para bang sila mismo ay sumama sa pagkawala ng isang kasamahan.
This is not the first time na mawalan sila ng kasamahan. Pero ang mawalan ng kasamahan sa hindi inaasahang pagkakataon, mas masakit iyon.
"Parekoy, Lowen!" Tawag ng Boss sa dalawa.
Macoy is settling himself on the Boss' right side habang si Lowen ay nasa tabi ng kapatid, sa likuran lang ni Macoy. Napapasinghot pa ang nauna na nakayuko lamang. "Ipaalam niyo sa pamilya ni SEC ang nangyari."
Napabuntong-hininga si X na nakatingin sa mga kasamahan na tila ito rin ay nahihirapan sa mangyayari. This seldom happens, yung pati mismo ang Boss ay magpakita ng emosyon na halos nakaukit na sa mukha nito, except when the Nurse is around.
BINABASA MO ANG
TSGU 1: He's My X (Unedited)
AcciónFalling in love is like swimming in an open sea. Masaya ka ng pumwesto sa mababang parte dahil alam mong safe ka. Makakaya mong lumangoy o maglakad pabalik o umahon sakaling tumaas ang tubig. Ngunit minsan, meron tayong makakasama na hihila sa atin...