"Lihim ng Kahapon" (1)

1.3K 14 10
                                    

Unang Kabanata:

MANILA - "Welcome back to the Philippines, Ate!" agad na bati ng kanyang kapatid na si Tyrone sa kakarating lang na si Rona galing Amerika. Mangiyak-ngiyak itong yumakap sa Ate nya. Si Tyrone ay ka isa-isang kapatid ni Rona, mag isa itong sumundo sa kanya dahil abala ang pamilya sa pag-aasekaso ng libing ng kanilang namayapang Ama.

"Thank you so much bunso!" sagot naman ni Rona na yumakap ng mahigpit sa kapatid at tuluyan na ring naiyak. "How is mum?" bulong nya sa kapatid. "Ayon nagluluksa pa din, last week ka pa nga namin hinintay na umuwi", sagot ng kapatid. "Sa makalawa na ang libing ng Papa", dagdag pa ng binata. Ang dalawa ay umakyat sa pangalawang palagpag ng paliparan para sa domestic flight nila papuntang Surigao City.

SURIGAO CITY  – Pagkalabas ng paliparan ng Surigao City ay agad namang bumyahe ang dalawa patungong probinsya kung saan nanirahan ang kanilang pamilya. Di maiwasang maisip ni Rona ang mga nakaraan.

Sampung taon din syang nangibang bansa pagkatapos ng kolehiyo, at bihira lang syang nauwi sa Pilipinas, at kung uuwi man sya ay sa Maynila sila magkikita kita ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Malapit sya sa kanyang Ama, sa katunayan ito ang madalas nyang nakakausap sa lahat ng bagay lalo na sa buhay pag-ibig nya, kaya napakasit para sa kanya ang paglisan ng kanyang Ama.

Nang makarating, tila ba kay bigat ng dalawa nyang mga paa, pagkababa ng sasakyan ay dahan dahan nya tinungo ang bahay nila kung saan naka burol ang kanilang Ama. Nang makita ang kabaung, unti-unting nahuhulog ang mga luha sa kanyang dalawang mata. Sinalubong agad sya ng kanyang Ina na yumakap ng mahigpit. 

"Anak, wala na ang Papa nyo! Iniwan na nya tayo!" bulong ng kanyang Ina na humahagulhol na sa pag iyak. Walang kibo at di makapagsalita si Rona, lumakad ito papalapit, hinawakan nya ang kabaung at ng makita ang mukha ng Ama ay di nya naiwasang mapasigaw.

"Papaaaa!!!" I am really sorry, so sorry! Mahal na mahal kita!" sigaw ni Rona habang naka yakap sa kabaung ng Ama.

"Tahan na anak", bulong ng kanyang Ina na nasa likuran ng dalaga himas himas ang kanyang balikat. "Alam kong napatawad ka na ng Papa Tiko mo", pagpapatuloy ni Lita, ang kanilang Ina. Pagkatapos ay niyakap nya itong muli. Nang ma kalma na si Rona, umupo ito sa tabi ng kanyang kapatid. Malalim ang iniisip at hindi nagsasalita, nakatitig lamang ito sa kabaung na nasa harapan nya.

Limang araw pagkatapos ng libing ay namasyal si Rona sa bayan nila dala ang bagong kotse na bili nya para dapat sa kanyang namayapang Ama.

Mag-isa itong nag libot at tila ba'y pilit na inaalala ang mga nakaraan. Sa tagal na hindi na sya nakauwi sa kanilang probinsya ay marami na ang nagbago.

Napadaan sya sa paaralan nila noong college pa sya, bukas ito at hindi nya alam kung ano ang sumagi sa isip nya at bigla syang nag parking sa harap ng University, bumaba at pumasok ito. Sabik syang makitang muli ang loob ng campus at ang mga gusaling pinapasukan nila noon.

Habang naglilibot sya sa loob ng campus ay kumuka sya ng mga litrato, lalo na sa lugar kung saan sila madalas tumambay kasama ang kanyang mga ka klase at kaibigan. Papunta sya ng auditorium ng may nakita syang isang familiar na mukha na kakalabas lang sa nasabing gusali.

"Is that Fritz?" Tanong ng kanyang isipan. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, hinabol nya ang lalaki na naglalakad papunta sa kabilang building.

"Excuse me! Excuse me! Excuse me! Fritz!" Sigaw nya habang naglalakad ng mabilis. Nagtinginan halos lahat ng mga studyanteng nakakita sa kanya dahil sa lakas ng kanyang boses. Nang ma pansin sya, lumingon si Fritz at huminto.

"Miss, ako ba ang tinatawag mo?" Tanong nya kay Rona na nakangiti. "You must be Fritz, right?" deretsong tanong ni Rona. "Yeah, you are right, and you are?" naka ngiting sagot ni Fritz sa kanya. Napatitig si Rona sa mukha ni Fritz, mas gwapo ito ngayon at matured ang mukha, ka galang-galang tingnan at napakalayo sa dating Fritz na kakilala nya noon. 

"Professor ka ba dito?" tanong ulit ni Rona. "Yes, I am!" sagot naman ni Fritz sa kanya. "By the way I am Rona, magkasama tayo dati sa SSG (Supreme Student Government) at sa isang organization dito sa University. Napa isip si Fritz sa sinasabi ni Rona. Wala syang maalalang kasama na ubod ng ganda tulad ng nasa harapan nya ngayon.

NAKARAAN...

Taong 2010 – Napuno ang campus auditorium ng mga studyante dahil sa meeting de avance ng mga studyanteng tumatakbo bilang SSG officers. Tumatakbo bilang pangulo noon si Fritz at si Rain bilang besi president naman ng kabilang party.

Magka laban sila, ngunit parehong matutunog ang mga pangalan ng dalawa. Pagkatapos ng election ay nahalal bilang bagong SSG president si Fritz at si Rain naman nahalal bilang besi presidente. Parehong aktibo ang dalawa sa mga school activities, internal at external man ito.

Si Rain ay pangulo ng isang organisasyon sa loob ng skwelahan. Isa itong progressive group na kilala sa mga pambabatikos sa kung ano mang issues sa loob ng paaralan lalo na sa mga extra curricular at tuition fee increase. Kabaliktaran naman kay Fritz, aktibo ito ngunit hindi progresibo, pero wala naman naging isyu sa dalawa sa katunayan ay tinutulungan pa sya nito.

"Mr. President! Salamat nga pala kanina, na save mo na naman ako", aniya ni Rain, ang dalawa ay nasa loob ng kanilang opisina na nasa 5th floor ng Admin Building matapos silang kausapin ng admin officer ng kanilang skwelahan. "Dahil sa ginawa mo, libre kita ng hapunan mamaya", dagdag pa niya. "Ikaw naman kasi Ulan!" pagsisimula ni Fritz. Ulan ang tawag nya kay Rain mula ng magkasama sila sa SSG.

"Bakit naman kasi tinuloy nyo pa ang prayer rally nyo kagabi, hindi ba't hindi ko naman pinirmahan ang request nyo, ayan tuloy muntikan na din akong madali sa ginagawa ninyo", pagpapatuloy ni Fritz na naka upo sa sofa. "Mr. President naman, may balita ang school natin na magtaas ang tuition fee by next year, alangan namang papayag kami?" pagpapaliwanag ni Rain sa kanya, lumapit ito kay Fritz at umupo sa harap nya.

"At isa pa, if matuloy man yang increase na yan, kawawa naman yong mga mahihirap na mag-aaral. Hindi lahat ng mga studyante dito ay mayayaman tulad mo", pagpapatuloy nya. "Naiintidihan ko naman ang mga pinaglalaban ninyo, kaya lang sana nasa tamang proseso", pagdadahilan ni Fritz. "Di ko nga pinirmahan kasi bawal, at isa pa, balita pa lang yon, wala pang memo, pinapangunahan agad ninyo", dagdag pa niya.

"Naku, papunta na din yon doon, naghahanap lang siguro ng tamang pagkakataon ang skwelahan natin, maniwala ka sa hindi tuloy ang tuition fee increase na yan", aniya ni Rain. "Basta mamaya kain tayo, may alam akong bagong kainan, masasarap ang isaw nila", pagpapatuloy ni Rain, pagkatapos ay tumayo ito at nagtungo sa kanyang mesa.

Si Rain, ay anak ng isang military, at ang Ina naman nito ay isang guro ng elementarya sa bayan nila. Kilala ang kanilang pamilya. May isa itong kapatid na lalaki, si Tyrone, na mas bata sa kanya ng tatlong taon. Sakto lang ang buhay ng kanilang pamilya, minsan kinukulang sa budget dahil minsan ay delayed naman ang sahod ng kanyang mga magulang.

Bihira lang ding nauwi ang kanyang Papa, dahil naka destino ito minsan sa mga malalayong lugar. Matalino si Rain, sa katunayan ay nagtapos ito bilang Valedictorian mula elementarya hanggang high school. Kumuha ito ng kursong BS Biology.

First year college pa lang sya ay napabilang na siya sa iba't-ibang organisasyon sa loob ng University, ngunit mas tumagal sya sa isang progresibong organisasyon, ang Pro Student Rights Organization kung saan nakilala nya si Rambie, ang taga pangulo ng organisasyon at sya rin ang naghikayat kay Rain na maging aktibista taong 2006.

Hindi ito alam ng kanyang mga magulang, lalo na ang pag sama-sama niya sa mga rally sa labas ng skwelahan. Minsan na nga syang nakita ng kanyang Ina sa TV, ngunit patay malisya nalang ito sa nakita.

Si Fritz naman ay marangya ang buhay, nag-iisang anak ng negosyanteng pamilya sa kabilang bayan. Matangkad ito, gwapo, matalino, at crush ng campus. Aktibo din ito sa mga school activities, napabilang din sya sa iilang organisasyon, at sya ang pambato ng Alpha Pi Omega (APO) fraternity noong nakaraang eleksyon. Kumukuha ito ng kursong Architecture. Marami ang nagtaka kung bakit walang nobya si Fritz, hindi naman makailang tisoy naman talaga ang binata.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon