Ika-Apatnaput Limang Kabanata:
LOS ANGELES, CALIFORNIA –Tulalang naka upo sa sofa si Rona ng dumating si Dino, tuloy-tuloy ang daloy ng mga luha nito sa kanyang mga mata. Tila hindi ito nauubusan ng luha sa kakaiyak. "I am so sorry!" Tugon agad ni Dino, nagmamadaling lumapit ito sa kanya at agad na yumakap. "Please forgive me!" Dagdag pa nya.
"Wala na ang Papa!" Mahinahong banggit ni Rona habang humahagulhol ito sa pag-iyak. Biglang natahimik si Dino sa narinig, nalungkot na may halong saya. Nalungkot dahil hindi man lang nya nakita ang Papa ni Rona bago sila ikasal. Masaya dahil ang buong akala nya ay alam na ni Rona ang nangyari sa kanila ni Keanna, ngunit mali ang kanyang pagdududa. Tila nabunutan sya ng tinik, kaya dapat hindi malaman ni Rona ang kanyang pagkakasala dahil alam nyang malaking problema ito.
"Sorry to hear that. Nakikiramay ako! I am so sad dahil hindi ko man lang na meet ang Papa mo ever since ng magkakilala tayo. Ano ang balak mo ngayon?" Wika ni Dino. "I need to go back home", sagot naman ni Rona. "Do you think the hospital will allow you? Diba kakasimula mo pa lang mag trabaho sa kanila?" Tanong ni Dino. Kumiwalas si Rona sa pagkayakap kay Dino saka tumayo at pa lakad-lakad. "Hindi ko alam, basta kailangang makauwi ako bago ilibing ang Papa", tugon nya. "If you need help, please let me know", wika ni Dino, lumapit ito kay Rona na nakatayo sa may bintana.
"Salamat! Yong problema natin", banggit ni Rona. "Sssshhh! Wag mo ng isipin ang problema natin, I considered it done. I must admit na nagseselos ako pero hindi pala dapat. Nabigla lang ako! You know how much I love you and you mean a lot to me", agad na tugon ni Dino, yumakap pa ito sa likuran ng nobya. Guilty ito kaya sya na ang gumagawa ng paraan upang bumalik muli sa dati ang kanilang pagsasama ni Rona. Kaya lahat ay gagawin nya h'wag lang malaman ni Rona ang nangyari sa kanila ni Keanna. "Mahal na mahal kita", dagdag pa ni Dino.
INANYAYAHAN ni Emmie sina Rona at Dino na maghapunan sa kanilang bahay bago pa man tuluyang lumipad pauwi ng Pilipinas si Rona, nalungkot din ito sa maagang pagpanaw ng kanyang bayaw na si Tiko. Ganunpaman ay tanggap na nya ang nangyari dahil alam nyang kahit anong oras pwedeng maging balo ang kanyang kapatid dahil nga sa trabaho ng kanyang bayaw ang pagiging Military.
"Nakikiramay ako Anak! Ipaabot mo nalang sa iyong Mama at kay Tyrone!" Wika ni Emmie saka yumakap ng mahigpit sa kanya. "Salamat po Tita!" Masiglang tugon ni Rona. Hindi na ito malungkot tingnan tulad noong nakaraang araw na tila ba'y buong giliw ang pagluluksa. Tanggap na nya ang pagkawala ng kanyang Papa. "Condolence Couz!" Aniya ni Keanna na nasa likuran ng Ina, yumakap din ito sa kanya ngunit nakatitig ang mga mata nito kay Dino. "Thank you Couz!" Sagot naman ni Rona saka gumanti ng yakap sa kanya.
"By the way, kailan na pala ang flight mo pauwi?" Tanong ni Emmie. "May ipapadala sana ako sayo", dagdag pa nya. "Sa darating na linggo na po Tita, mabuti nalang po ay pinayagan ako ng hospital na mag leave ng dalawang buwan", sagot ni Rona. "Napaka swerte mo sa trabaho mo Rona, alam kong proud na proud ang iyong Papa", aniya ni Emmie. "Sayang nga lang po dahil hindi man lang kami nagkaayos ng Papa", nakangiting banggit ni Rona kahit na masakit sa kanyang kalooban. "Alam kong napatawad ka na ng iyong Papa", pagpapatuloy ni Emmie, saka niyaya ang dalawa na kumain.
Napansin ni Rona ang kakaibang kinikilos ng pinsang si Keanna, mailap ito at hindi nakipagbiruan kay Dino hindi katulad ng dati na pagkakita palang ay nag-aasaran na ang dalawa. Ganun din si Dino, tahimik at hindi nakipag kwentuhan kay Keanna. Inisip nalang nyang baka dahil ay namatayan sya kaya tahimik ang mga nakapaligid sa kanya. Ganunpaman ay nanibago sya sa ipinapakita ng dalawa ngunit hinayaan nalang nya baka nga tama ang kanyang hinala.
Matapos ang hapunan ay agad namang umuwi sina Rona at Dino sa bahay nila. "Honey, pasensya ka na at hindi kita masamahan sa pag-uwi mo, honestly I wanted to come with you but my work needs me. But I do promise pagbalik mo dito sa Amerika asikasuhin na agad natin ang ating kasal". Wika ni Dino, ang dalawa ay magkatabing nakahiga na sa kanilang kama.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomantizmUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...