"Lihim ng Kahapon" (4)

340 6 0
                                    

Pang-apat na Kabanata:

CITI MALL – Tulad ng pangako ni Rain na magkape sila sa labas ni Fritz, after ng kanilang klase, pumunta ang dalawa sa Citi Mall na malapit sa kanilang skwelahan. Pumasok sila sa Coffee Bean Shop, pagkatapos maka order ay pumwesto naman sila sa labas ng kapehan.

Habang naghihintay may napansin si Rain na dalawang babaeng papalapit sa kanila. Kinutoban siya sa nakita, alam nyang si Irene ang tinutukoy ng kanyang isipan. Si Irene ang Miss Intrams 2009, ubod ito ng ganda ngunit ayon sa chismiss ay may attitude daw ang bruhang ito.

Matagal na itong nagseselos sa kanya dahil sa closeness nila ni Fritz. May gusto kasi ito kay Fritz simula ng makilala nya ito during campaign period. Sa katunayan ito na ang nagpapadala ng mga pagkain at liham para kay Fritz, syempre alam ito ni Rain dahil nakikita nya mismo sa drawer ni Fritz naka tambak at di naman binabasa at ang padalang pagkain ay tila ba'y fiesta lage sa SSG office dahil pinag-aagawan. Galit ito kay Fritz dahil hindi man lang sya pinagbigyan ng binata.

"Mr. President, look who's coming", bulong nya kay Fritz. Napalingon si Fritz sa likod at biglang nagka salubong ang kanilang dalawang mata.

"Hi! Fritz! Hindi ko alam pumapatol ka na pala sa isang tulad nya", pang-iinis ni Irene na nakatingin kay Rain. Hindi naka imik si Fritz at lalo naman si Rain. "Don't ever tell me na ito ang jowa mo, di naman hamak na mas maganda ang beauty ko kesa sa kanya", dagdag pa niya.

Nanggigil si Rain sa narinig ngunit pilit nyang pinipigalan ang sarili. "Stop it Irene!" pag saway ni Fritz. "Wala ka talaga modong magsalita", dagdag pa nya. "At ipinagtatanggol mo pa sya, dahil ba Vice President mo sya, oh dahil jowa mo nga talaga ang panget na ito?", pagpapatuloy pa rin ni Irene na halatang nai-imbyerna na.

Hindi na nakapigil si Rain sa panglalait nya kaya tumayo ito at biglang sinampal si Irene sa mukha ng dalawang beses. "Hayop kang empakta ka!" sigaw ni Rain. Nagtinginan ang mga taong dumadaan sa kanila at pati na din ang nasa loob ng coffee shop. "Mas empakta ka!" aya paawat ni Irene at sinampal din nya si Rain, ngunit nabigo syang saktan dahil sinalo ni Fritz ang kanang kamay nya.

"Tama na Irene! H'wag kang mag iskandalo dito, ako ang makakalaban mo!" pagbabanta ni Fritz na galit din sa kanya. "Irene, tama na, nakakahiya sa mga tao, let's go!" pag awat ni Ligaya, ang matalik nyang kaibigan. Bago umalis nakatitig ito kay Rain na parang tigre na gustong lamunin si Rain ng buhay.

"Ulan, sorry sa nangyari, abmornal talaga ang babaeng yon", pag hingi ng paumanhin ni Fritz, lumapit ito kay Rain at yumakap. "Hinding hindi na mauulit yon", dagdag pa niya. "Nakaka bad trip ang empaktang 'yon!" pagrereklamo ni Rain. Buti nalang at naka yakap sa kanya si Fritz, kaya ok lang kahit ma sampal pa sya ni Irene ng maraming beses. Palihim syang nakangiti.

"Bakit ba naman kasi binasted mo siya?" pagbibiro ni Rain. "Hell no! Attitude pa lang nya, wag na lang, baka ikakamatay ko pa", sagot naman ni Fritz at bumalik ito sa kanyang upuan. "Sana ako nalang!", bulong ng isipan ni Rain, at napangiti ito sa kanyang inisiip. "Buti naman at ngumiti ka na", aniya ni Fritz na nakatitig sa kanyang mukha.

"Wala, natawa lang ako kay Irene, ang gwapo-gwapo mo kasi kaya ka pinag-aagawan!" pagsisinungaling nya. "Mag kape na nga lang tayo at ng mawala na ang bad vibes ngayon gabi", dagdag pa ni Rain.

KASALUKUYAN....

SAINT CLAIRE UNIVERSITY – palabas na ng campus si Rona ng maalala nya si Irene, natawa at kinikilig si Rona ng maalala ang nangyari sa kanila ni Fritz noong nagkapehan sila at nakipag-away si Irene sa kanya.

"Kumusta na kaya si Irene?" sabi ng kanyang isipan. Nasa sasakyan na si Rona ng maalala nyang hindi naman talaga sya kilala bilang "Rona", sana pala nabanggit nya kay Fritz na sya si "Rain". Huli na ang lahat at pauwi na sya sa bahay nila, kaya hindi na sya nagpumilit na balikan pa si Fritz at for sure may klase pa yon.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon