Ika-Dalawamput Amin na Kabanata:
SURIGAO CITY - "Congratulations Anak!" bati ng kanyang Ina sabay yakap kay Fritz. "Finally certified Architect ka na talaga anak, your Mum and I are so proud of you son!", dagdag pa ng kanyang Ama halatang wagas ang mga ngiti nito sa mukha ng malamang pumasa ang kanilang kaisa-isang anak sa board exam.
"Thank you so much Mum and Dad! I owe you po big time!" sagot naman ni Fritz na masayang masaya din sa balita. Nasa bahay lang ang kanyang pamilya, at balak na lumabas mamayang hapunan para mag celebrate.
"It's about time na hawakan mo na ang negosyo ng ating pamilya", wika ng kanyang Ama na naka upo sa sofa habang hawak-hawak ang tasang may kape. "Sure po Dad, walang problema para makapag pahinga na din po kayo ni Mommy!" sagot agad ni Fritz, lumapit ito sa kanyang Ama upang ipakita na seryoso talaga sya.
Ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari ng isang Engineering company na naka base sa Surigao City. Hindi naman ito kalakihan na kumpanya ngunit maraming projects ang naghihintay. Doon nga sana mag OJT si Fritz kaya lang hindi pumayag ang kanyang Ama, dahil hindi naman ganun ka kilala ang kanilang kumpanya kaya sa Cebu City ito nag OJT.
Pagkatapos ng kanilang tanghalian ay mag-isang nag punta ng simbahan si Fritz upang magpasalamat sa biyayang natanggap. Sa di sinasadyang pagkakaton ay doon sya nakapag park sa isang parking area kung saan madalas sila magkita ni Rain. Bigla nya itong naisip bago pa man siya tuluyang bumaba ng kanyang sasakyan.
"Ulan kung saan ka man ngayon sana masaya ka, patawarin mo ako sa mga pagkakamali ko!" bulong ng kanyang isipan. Sobrang miss na nya ito, at hindi nya alam kung magkikita pa ba silang muli, hindi lang man nya naipagtanggol ang kanyang sarili.
CEBU CITY – Di pa man tuluyang sumikat ang araw ay dali-daling tumawag si Martin kay Fritz. Bali-balita kasi sa kanilang opisina na kaya nag retiro itong si Hannah ay dahil nagdadalang tao ito ngayon.
"Congrats Fritz!" bati ng kanyang Tito Martin na nasa kabilang telepono. "Maraming salamat po Tito! Kumusta?" sagot naman ni Fritz, nasa kama pa ito nakahiga at inaantok pa.
"Alam mo na ba ang balita?" tanong agad ng kanyang Tito. Bigla itong kinabahan at hindi alam kong ano ang tinutukoy ng Tito nya. "Tungkol saan po?" balik na tanong ni Fritz. Tumayo ito at binuksan ang kurtina ng kanyang bintana.
"Buntis daw si Hannah!" pag bulgar ni Martin. Biglang natigil si Fritz sa paglalakad, nanginig ang kanyang mga tuhod at sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. "Hindi na nga ito nagtatrabaho ngayon, ayon sa usap-usapan ay buntis daw ito", dagdag pa nya.
Malakas ang kutob ni Fritz na sya ang ama. Dahil wala naman ibang ka harutan na lalaki si Hannah bukod sa kanya. "Bakit sa akin mo binalita Tito?" tanong ni Fritz sa Tito nya. "Eh, ang alam ko ikaw lang ang ka MU (Mutual Understanding) niya, kaya ikaw agad ang naisip ko", sagot naman ng Tito nya.
"Naku, si Tito talaga, malay mo naman hindi lang ako ang lalaki sa buhay ni Hannah", pagkukunware ni Fritz, pero ang totoo malakas ang kutob nyang sya ang Ama talaga. "Eh, hindi natin alam, pero malakas ang kutob ko ikaw talaga ang Ama", wika pa ng Tito nya.
"Hayaan nyo po Tito, kukumustahin ko po si Hannah! Salamat ulit" aniya ni Fritz. "Sige, i-kumusta mo nalang din ako sa Mama at Papa mo, balitaan mo ako kaagad", tugon naman ng Tito nya sabay putol ng linya.
Biglang nabuhay ang diwa ni Fritz. Hindi nya alam kung matutuwa o magagalit sya sa kanyang sarili. Nakaramdam sya ng awa para kay Hannah, lalo na sa dinadala nito. Kung totoo mang sya ang Ama, ano ang gagawin nya?
Tatlong buwan na ring hindi sila nagka-usap ni Hannah. Noong huling tinawagan nya ang telepono nito ay hindi na ma kontak. Paano nya ngayon makukuha ang bagong numero ni Hannah para makausap nya.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...