Ika-Dalawamput Limang Kabanata:
NAKARAAN....
LOS ANGELES, CALIFORNIA - Welcome to Amerika Rain! Congratulations by the way!" bati ng Tita Emmie nya ng makalabas si Rain sa paliparan ng LA. Madaling araw sya ng dumating sa Amerika mabuti nalang at walang pasok ang kanyang Tita kaya nasundo sya.
"Salamat po Tita! Glad to see again for a very long time!" Sagot naman ni Rain sabay halik at yakap sa kanyang Tita. Madalang lang mag bakasyon ang Tita nya dahil medyo gipit sa pera dahil sa mga anak nyang nag-aaral pa kaya doble ang tipid ng kanilang pamilya.
Labing isang taong gulang pa lang si Rain ng mag migrate ang Tita Emmie nya sa Amerika pagkatapos itong makasal sa asawa nyang kano. Simula noon siguro mga tatlong beses lang ito nauwi ng Pilipinas. Huling uwi nila kasama nya ang asawa at mga anak nila.
"Kumusta po kayo Tita? Lalo yata tayo gumaganda!" Aniya ni Rain sabay ngiti sa Tita nya. "Mabuti naman, hanggang ngayon mahilig ka pa ring mambola!" Tugon ni Emmie sabay tawa.
Pauwi na sila sa bahay niya. Namangha si Rain sa mga nakita. Kahit antok na antok na ito nabuhayan sya ng makita ang ganda ng lugar. "This is it na nga! Amoy na amoy ko na ang Amerika!" sigaw ng kanyang isipan.
"Hindi naman po, totoo naman talaga! Kailan ba ang bakasyon nyo sa Pinas? Aba Tita dapat maka uwi na kayo, tumanda na ang Mama, baka pag-uwi nyo ay hindi mo na makilala ang Mama", wika ni Rain sabay tawa.
"Salamat! Sobra ka naman, mas maganda sa akin ang Mama mo", hirit pa ni Emmie sabay tawa. "Baka next year na kami maka bakasyon, kaya dapat maka hanap ka agad ng trabaho dito", dagdag pa niya.
Natahimik bahagya si Rain, alam nyang mahirap mag hanap ng trabaho dito sa Amerika, pero umaasa pa din syang maka hanap upang makapag simula sya ng bagong buhay.
"Syempre Tita, you will help me find", aniya ni Rain. "I know naman na marami kang contacts dito, pwede mo ako i-refer sa kanila", dagdag pa nya. "Gagawin ko lahat ng makakaya ko Rain, h'wag kang mag-alala", tugon ni Emmie.
Makalipas ang halos dalawang oras na biyahe sa wakas ay dumating na din sila sa bahay ng Tita nya. Isa itong residential house na pagmamay-ari ng kanyang asawa. Malaki at maganda ang bahay.
"Welcome to Amerika my dear cousin!" bati ni Kean, ang panganay na anak ng Tita nya. "Hello Kean! Look at you now! OMG!" Is that really you?!" sagot ni Rain, nagulat ito sa pag transform niya.
"Oh please call me Keanna!" wika ni Kean, isa itong ladlad na beki ngunit hindi nya akalaing mag mukhang babae na talaga ito ngayon. "You look so pretty!" aniya ni Rain sabay yakap kay Keanna.
"Saan pa ba ako magmana kundi sayo!" banggit ni Keanna sabay tawanan ang dalawa. "Si Russel and Trisha, saan sila?" tanong ni Rain. "Maaga ang pasok nung dalawa kaya wala sila dito ngayon", sagot ni Emmie.
"Ito yong magiging kwarto mo, ipasok mo na mga gamit mo at magpahinga ka na muna, pagbalik ng asawa ko saka tayo mamasyal!" wika ni Emmie sabay labas sa kwarto ni Rain. "Have a good rest couz! Will talk more soon", aniya ni Keanna. "Maraming salamat Tita, thank you couz!" tugon naman ni Rain sabay sarado ng pintuan.
Masaya na malungkot si Rain, masaya dahil sa lugar na ito malaya syang gawin lahat ng gusto nya ng walang pag-aalinlangan. Malungkot dahil may mga problemang naiwan sa Pilipinas. Isa na ang problema nya sa kanyang Ama, na hindi man lang sila nag-usap bago sya umalis ng Pilipinas.
Si Fritz, ang tanging lalaking nagmamay-ari ng puso nya ay sinaktan sya. Si Chris naman na mahal sya ngunit hindi naman nya kayang suklian ang pagmamahal sa kanya.Alam nyang hindi magtatagal ang kanilang LDR (Long Distance Relationship).
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...