Ika-Labing Walo Na Kabanata:
LAGUNA ZIPLINE AND ADVENTURE PARK – "Mabuhay! Welcome to Laguna Zip Line and Adventure Park!" bati ng isang staff sa kanila ni Rain at Chris ng dumating sa reception area. "Salamat!" sagot naman ng dalawa na tuwang-tuwa ng makita ang lugar. Weekend ngayon kaya nag dagsaan ang mga tao. Dahil sa nakapag booked na sila online, agad silang inaasekaso at hinatid sa isang Villa type na bahay na nasa loob ng park.
Napaka ganda ng lugar, sobrang lawak, maraming naglalakihang punong kahoy sa palibot, may malaking pool with rides, iba't-ibang rides tulad ng sky cycling at zip line, may mga mini bars at restaurants din sa nasabing lugar.
Napaka ganda ng tanawin, halatang naalagaan ang mga punong kahoy dito, presko ang simoy ng hangin, malinis ang paligid at paniguradong malilimutan mo pansamantala ang mga problema mo sa buhay.
Pagkatapos nilang mag ayos ng mga gamit ay kumain na muna sila ng agahan bago sinimulan ang mga gagawin nila. "Wow! Grabe! Tama ka Chris sobrang ganda nga ng lugar na ito", aniya ni Rain.
Nasa mini restaurant sila na nasa tuktok ng bundok at tanaw ang magagandang tanawin ng kabundokan. "Indeed! Pati din naman ako ay namangha", sagot naman ni Chris. "Ni refer lang din ang lugar na ito sa akin ng kaibigan ko, dapat dati pa ako pupunta kaya lang wala akong kasama", dagdag pa nya.
Tumayo si Rain at nilalanghap ang masarap na ng simoy ng hangin na humampas sa kanyang mukha. "Uhhhmm! Na miss ko ang ganitong simoy ng hangin!" bulong ng kanyang isipan. Hindi nya maiwasang maalala ang mga panahong nasa bayan pa sya ng San Miguel. Masarap ang pamumuhay, malayo sa gulo, at napaka tahimik.
Lumapit si Chris sa kanya ng mapansing biglang natahimik si Rain. "Hey! Something went wrong?" tanong nya. Napalingon naman si Rain sa kanya saka ngumiti. "Nothing! May naalala lang ako", aniya nya. "Hmmm, alam ko na kung ano ang iniisip mo", tugon nya.
"Gusto mong tumira sa ganitong lugar ano?" dagdag pa nya. "I mean, gusto mong mamundok dati diba?" pagpapatuloy nya. Tahimik lang si Rain, tama din naman kasi ang sinasabi ni Chris. Kung hindi lang kasi nagka gulo-gulo eh di sana natuloy ang plano nyang mag medisana at mag silbi sa bayan.
"Ikaw, di mo ba pinangarap ang mahirahan sa ganitong lugar?" balik na tanong ni Rain kay Chris. "Kung ano man ang mga pinangarap mo, ganun din ang pangarap ko noon", sagot nya at napangiti ito sa kanya. "Kaya lang, hindi naman tayo nagpunta dito para gunitain natin ang mga nakaraan, we are here to have fun!" dagdag pa nya.
"Come on Rain! Let's enjoy!" aniya. "Pasensya ka na, di ko lang kasi maiwasang maalala", sagot naman nya. "Oh! Handa na pala ang pagkain natin, magpakabusog muna tayo kasi for sure mapapagod tayo mamaya", tugon ni Rain.
Pagkatapos nilang kumain ay nagsimula na silang mag libot sa lugar, abala sa kakahuka ng mga litrato. Napagkasunduan nilang unahin ang sky cycling saka pa ang zip line ride. Sobrang enjoy ang dalawa at halos mamaos na sila sa kakasigaw.
Halos palubog na ang araw ng matapos sila. Bumalik muna ang dalawa sa kanilang Villa at nagpahinga. Sa sobrang pagod ng kanilang mga katawan ay nakatulog ang dalawa pansamantala.
CITY CENTER MALL – Mag-isang namasyal si Fritz sa loob ng mall. Nainip ito sa bahay nya kaya naisipang lumabas kahit mag-isa. Saktong papasok ito ng mall ng makasalubong nya si Irene, may kasama itong babae at magka holding hands pa ang dalawa.
Bigla syang napaisip na hindi tunay na babae ang kasama nya. May hinala syang isa itong tomboy. Damit babae man ito ngunit kakaiba ang histsura. Halatang boyish ito.
Agad syang nakita ni Irene, nagulat man ito ngunit hindi nagpahalata. "Hey! Saan ang punta?" tanong ni Irene. "Hi! May bibilhin lang sa loob", sagot naman nya sabay tingin sa kasama ni Irene. "Uhhmm, si Mady nga pala!" pagpapakilala ni Irene sa kanya. Naka ngiti naman ito ng tumingin kay Fritz. "Hello Fritz!" sabay abot ng kamay nya.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...