Ika-Tatlumput Tatlong Kabanata:MANILA - "Nooooo!!!!! Nooooo!!!!!" Sigaw ng isipan ni Chris ng magising itong hubo't hubad at katabi pa nya si Mary Ann na hubo't hubad din katulad nya. "My God Chris! Ano ang ginawa mo?" dagdag pa ng kanyang isipan. Dali-dali itong bumangon at nagtungo agad sa banyo na nasa loob ng kanyang kwarto upang maligo, habang mahimbing pang natutulog si Mary Ann sa kanyang kama.
Sa lakas ng bagsak ng tubig sa sahig sa loob ng banyo biglang nagising si Mary Ann. Masakit ang kanyang ulo at tila nasusuka pa. Bigla din itong nataranta ng makita ang kanyang sarili na hubo't hubad. Nang maalala nya ang mga nangyari kagabi ay bigla syang nakaramdam ng hiya sa sarili. Alam nyang sya ang gumawa ng paraan upang mangyari ang hindi dapat mangyari sa kanilang dalawa ni Chris.
Agad nyang hinanap ang kanyang mga damit na naka kalat sa sahig. Di nya makita kung saan napadpad ang kanyang panty kaya naka pantalon nalang ito. Dahan-dahan syang lumabas ng kwarto at nagtungo agad sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Di pa man nya naubos ang isang basong tubig ay bigla itong na suka buti nalang ay naka takbo agad ito sa lababo at doon na sumuka ng tuluyan.
Hindi naman mainit ngunit pinapawisan sya kaya bumalik ito sa loob ng kwarto ni Chris upang kumuha ng tissue. Tamang tama naman na palabas na si Chris galing ng banyo. "OMG!" sigaw ni Mary Ann ng makitang hubo't hubad si Chris na lumabas ng banyo sabay takit ng kanyang mga mata, kunyare pa syang hindi pa nya ito nakita. "Oh! I'm so sorry! Gising ka na pala!" agad na wika ni Chris at agad nyang kinuha ang tuwalyang nasa loob ng kanyang cabinet.
"Chris, about what had happened to us last night, uuhhhmm, just forget about it!" nahihiya pang banggit ni Mary Ann. "It's my fault!" dagdag pa nya. Hindi agad naka pagsalita si Chris. "I'm sorry Chris!" wika ni Mary Ann, humarap ito sa binata ng maramdamang tapos na itong nagbihis. "I'm sorry too, sana hindi na ito maulit pang muli", tugon ni Chris. "Isang malaking pagkakamali ang ginawa nating dalawa", dagdag pa nya.
"Para sa akin ay hindi pagkakamali ang ginawa natin!" aniya ni Mary Ann. "Chris, hanggang ngayon ay mahal pa rin kita!" pag-amin pa nya. Bahagyang natahimik si Chris sa narinig, hindi nya alam kong ano ang isasagot. Biglang may naglalaro ng kung anu-ano sa kanyang isipan. Naalala nya si Rain, mahal nya ito ngunit hindi naman na nagpaparamdam sa kanya. Aminin man nya o hindi, nawawalan na din sya ng pag-asa pero hindi ibig sabihing makipag balikan sya kay Mary Ann.
"Mary Ann, h'wag na muna natin pag-usapan ang tungkol dyan! Dahil sa ngayon si Rain pa rin ang laman ng puso ko!" pag amin ni Chris sa dalaga. "Maraming salamat na hanggang sa ngayon pala at hindi pa rin nawawala ang pagmamahal mo para sa akin", dagdag pa nya. "Alam kong nahihirapan ka sa estado ng relasyon ninyo ni Rain, h'wag mo ng pilitin kung wala ng patutunguhan, masasaktan ka lang", mahinahong banggit ni Mary Ann.
"Chris, andito naman ako umiibig muli sa iyo at handa akong mag hintay hanggang sa dumating ang tamang panahon, ramdam kong may puwang pa rin ako sa iyong puso", pagpapatuloy ni Mary Ann. "But please....." tugon ni Chris. "Sssshhhh! Hindi naman kita pipilitin, tulad ng sabi ko, mag hintay ako!" aniya ni Mary Ann.
Ayaw ni Mary Ann na mag tagal pa sya sa condo ni Chris kaya nagpaalam na itong umalis. Habang si Chris ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Ang magulo nyang isipan ay lalong gumulo ng lubusan. Tuluyan na kaya syang bibitaw at harapin nalang ang panibagong hamon sa kanyang buhay?
LOS ANGELES, CALIFORNIA - "Anak, may malaking problema ang Papa mo at kailangan mo syang tulongan!" agad na pagbabalita ni Lita kay Rain ng sagutin nya ang tawag ng Anak. "Mama, ok lang ba kayo? Ano po ang nangyari kay Papa? tanong ni Rain na may pag-alala sa kanyang mukha.
"Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa pagkahuli kay Rambie at sa iba pa nyang mga kasamahan sa Nueva Ecija?" tanong ng kanyang Ina. "Alam ko po Mama, at isa si Papa sa mga humuli sa kanila, tama po ba?", deretsong sagot ni Rain. "Tama, Anak, ngunit naka takas si Rambie!" bulalas ni Lita. Hindi agad naka sagot si Rain, hindi nya alam kung matutuwa sya sa nalamang balita.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...