Ika-Labing Isang Kabanata:
KASALUKUYAN....
ISAW NI KADING RESTAURANT – Nasa loob pa din ng restaurant sina Fritz at Rona, patuloy na nag kukwentohan. Hindi nila namalayang mag aalas dose na pala ng hating gabi, kung hindi nga sila sinabihang mag sarado na ang restaurant ay baka aabutin pa sila ng umaga.
"Grabe di ko na napansin tayo nalang pala dalawa ang customer ng restaurant", aniya ni Rona na natatawa pa habang nagsasalita. "Oo nga, di ko rin napansin, marahil nga ay miss natin ang isa't-isa", sagot naman ni Fritz na palihim na naka tingin sa kanya. Biglang natigil saglit si Rona sa narinig.
Nasa labas na sila ng parking area nagyoyosi saglit. "Rona, bakit nga pala hindi ka sumipot noong graduation natin?" deretsong tanong ni Fritz. Napahinto si Rona sa pag hit-hit ng yosi at napaisip sa tanong ni Fritz bago nagsalita.
"Sa totoo lang kasi papunta na ako noon ng Maynila para asekasohin ang mga papeles ko papuntang Amerika", mahinahong sagot nya na tumitingin sa buwang nakaharap sa kanila.
"Grounded din kasi ako noong mga panahon na iyon", dagdag pa nya. "Dahil ba sa nangyari sa inyo ni Rambie while you were conducting a medical mission in the remote erea somewhere in San Miguel?" walang pagdududang tanong ni Fritz.
Napatingin si Rona sa kanya at nagtaka kung bakit alam nya ang nangyari sa kanila ni Rambie. "Alam ko ang buong pangyayari, sinabi sa akin ni Rambie", pag-amin ni Fritz saka ngumiti ito.
Si Rambie ang nagbalita kay Fritz tungkol sa pagkakulong nila, dahil matapos ang kani-kanilang OJT ay hindi na sila nagkikita pa ni Rona kaya kay Rambie sya nakikibalita.
Hindi na rin kasi sila magkakasama sa SSG dahil tapos na ang kanilang termino. May isa pa sana silang project na gagawin ngunit hindi na ito natuloy. Naging mailap si Rona, dahil pinagbabawalan na sya ng kanyang Ama, takot din syang baka malaman ng mga magulang ni Fritz na nagkikita pa din silang dalawa.
Hindi nya alam na hinahanap sya ni Fritz at gustong makita. "Tama ka, at isa pang dahilan ay ang mga magulang mo", pag sang-ayon ni Rona na may lungkot sa kanyang mukha.
Natahimik si Fritz at gustong gusto nyang yakapin si Rona ngunit nahihiya sya at walang lakas ng loob na gawin ang balak nya. "I am so sorry again, at kalimutan na natin ang nakaraan", paghingi ng paumanhin ni Fritz.
"Wala silang kasalanan Fritz, ako ang may atraso sa kanila", sagot naman ni Rona, lumapit ito kay Fritz at humingi pa ng isang pirasong sigarilyo. "Ok na ako ngayon, na hanap ko na ang sarili ko sa ibang lugar at natagpuan ko na din ang lalaking magmamahal at tatanggap sa akin ng buong-buo", dagdag pa nya.
Hindi alam ni Fritz kung matutuwa o nanghihinayang, nakatitig lamang sya sa magandang mukha ni Rona.
NAKARAAN....
SURIGAO CITY – "Diyos ko anak, ano ang ginagawa mo?" ang kanyang Mama Lita na sumalubong sa kanya habang papasok sya sa bahay nila. Umiiyak itong sumasalubong sa anak, at ganun na din ang nararamdaman ni Rain ng makita ang Ina.
Hindi nya alam na umuwi pala ang kanyang Ama. Pagkapasok sa loob ay agad syang sinalubong ng malakas na sampal. Sa lakas ng pagkasampal ay napa atras si Rain buti nalang nasa likuran nya ang Ina at nahawakan sya. "Papa, patawad!" humahagulhol na ito sa pag-iyak.
"Sinira mo ang reputasyon ko, at sinira mo ang tiwala ko sayo!" sigaw ng kanyang Ama na sobrang galit na galit sa kanya. "Papa, ano ang mali sa pag tulong ko?" sagot ni Rain na lumapit sa Ama.
Lalong uminit ang ulo nito. "Punyeta, sumasagot ka pa!" hinila ito at pinagsasampal ulit. Sa sobrang galit nag balak pa itong suntokin ng Ama ngunit naharang ng kanyang Ina. "Tiko, tama na!" pag awat ni Lita, habang naka harang sa harapan ni Rain. "Maawa ka sa anak mo, walang masamang ginawa si Rain", pagtatanggol pa nya.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...