Ika-Dalawamput Apat na Kabanata:
Malayo ang mga tingin ni Rona, hindi nya alam kung matutuwa sya o manghihinayang. Pero inisip nalang nyang tama ang desisyon na ginawa nya.
"Ikaw ba masaya ka ba sa buhay pag-ibig mo ngayon?" tanong ni Fritz, naka tingin ito sa kanya. Bahagyang natahimik si Rona at tila nag-iisip kung ano ang isasagot. Mahal naman nya si Dino ngunit bakit tila may kulang.
Halos limang taon din silang nagsama ni Dino, sobrang napakabait na binata, at ramdam ni Rona ang tunay na pagmamahal nito para sa kanya. Ngunit may ibang hinahanap ang puso nya.
"Oo, masaya ako, masaya akong mahal ako ng magiging asawa ko", sagot naman ni Rona. Mahal mo ba sya?" dagdag pa na tanong ni Fritz. Napatingin si Rona sa mukha ni Fritz. Hindi agad nakapagsalita.
Naisip nyang bakit ganito ang mga tanong ng kaibigan sa kanya. Anong gustong mangyari nito? At ano naman ang karapatan nito para tanoning sya sa kabila ng lahat? At ano ang pakialam nya sa buhay pag-ibig nya.
"Bakit mo naman na itanong yan sa akin?" balik na tanong ni Rona. "UUhhmmm, wala lang, gusto ko lang malaman kung talagang mahal mo sya", tugon ni Fritz. Ang totoo'y gusto nya sanang aminin kay Rona na mahal pa niya ito, ngunit bigla syang pinanghinaan ng loob.
"Hindi na importante kung mahal ko man sya o hindi, ang importante ay mahal nya ako at tanggap nya ang buong pagkatao ko", wika ni Rona. "At isa pa, masaya na ako sa buhay ko ngayon, malayang malaya hindi katulad dati na kay hirap mag mahal at mahalin", dagdag pa nya.
Biglang tumigil bigla ang mundo ni Fritz sa narinig, alam nyang sya ang tinutukoy ni Rona. Aminidado naman syang naging mahina sya dati, naging manhid at hindi nya kayang ipaglaban si Rona. Pero ngayong nagbalik na ito, hindi nya hahayaang hindi nya makuha muli ang pagtitiwala at pagmamahal ni Rona sa kanya. Ramdam nyang may natitira pang pagmamahal sa puso ni Rona para sa kanya.
"Tama ka, minsan sa buhay natin mas pipiliin nalang natin na mas mahal tayo kesa mahal natin sila, dahil sa mga bagay na mas importante pa sa pagmamahalan ng mag asawa", pag sang-ayon ni Fritz. Nagawa nya ito dati kay Hannah, noong minsan silang nagsama dahil sa pagkakaroon nila ng anak ngunit hindi ito nagtagumpay kalaunan.
Halos dalawang taon din silang nagsama ni Hannah noong nalaman nyang buntis ito at sya ang Ama. Pumayag lang syang magsama sila dahil sa kanilang Anak. Ngunit hindi nya talaga ma kumbensing mahalin si Hannah sa kabila ng lahat.
"Pero hindi ibig sabihin na wala na tayong karapatang ipaglaban ang tunay nating nararamdan sa taong talagang mahal natin", dagdag pa ni Fritz. "Minsan na tayong nagkakamali sa buhay, sana naman sa pangalawang pagkakataon ay maituwid na natin ang ating mga pagkakamali", pagpapatuloy nya.
Walang naisip na sagot si Rona, kaya't nag lakad ito papunta sa cottage at naupo. Sinundan naman sya si Fritz at naupo din ito sa harap nya. Nagkatitigan ang dalawa at tila nag-uusap ang mga mata nila.
"Bakit mo ito ginagawa sa akin?" deretsong tanong ni Rona.
"Mahal na mahal pa rin kita Ulan!" pag-amin ni Fritz. Tumayo ito at lumapit kay Rona.
"Humihingi ako ng tawad ngayon sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko, kung dati naging duwag ako, pero ngayon di ko na hahayaang mawala ka pa sa buhay ko", dagdag pa ni Fritz.
Walang salitang lumalabas sa bibig ni Rona. Nagulat sya sa pag amin ni Fritz. Hindi nya alam kung maniniwala ba sya o paglalaruan na naman ang damdamin nya. Magulo ang kanyang isipan.
"Maniwala ka Ulan, mahal kita! Alam kong ayaw mong maniwala ngunit ikaw lang talaga ang nag mamay-ari nitong puso ko sa napakatagal na panahon", pagpapatuloy ni Fritz. "Ayoko ng ikulong muli ang sarili ko sa madilim na kahapon, ito na ang tamang panahon upang sundin ko ang sinisigaw ng aking puso", aniya ni Fritz.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...