"Lihim ng Kahapon" (37)

127 3 0
                                    

Ika-Tatlumput Pitong Kabanata:

CAGAYAN DE ORO CITY - Ngayong araw naka takdang ilibing ang mga labi ni Julio. Marami ng tao ang nasa loob ng kanilang bahay na kasya ang mahigit singkwenta ka tao. Naka handa na rin ang mga Militar sa labas kung saan sila ang maghahatid sa mga labi nito at bigyang parangal ang dating Military officer. Kasama ni Elvie nagpunta ang Asawang si Rod at ang kanyang Anak na si Fritz. Pagka pasok nila sa loob ng bahay ay agad nyang nakita si Betty na nakaupo sa harapan ng kabaung ng kanyang yumaong Asawa katabi si Hannah na kalung-kalong ang kanyang Anak.

Unang lumapit si Fritz sa kanila. "Hannah, Tita Betty, kasama ko po si Mama at Papa", pagbabalita nya, yumakap ito kay Betty at Hannah bilang pakikiramay. Hindi kumibo si Betty, hindi nya alam kung ano ang gagawin. Tumayo ito saka lumingon, totoo nga ang sinabi ni Fritz kasama nya ang kanyang mga magulang.

Dahan-dahan namang lumapit si Elvie sa kabaung ni Julio na may dalawang Militar na naka bantay sa kanyang mga labi. Habang naglalakad ito unti-unting nahuhulog ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Aminin man nya o hindi mahal pa rin nya ang dating nobyo, alam yan ng kanyang Asawang si Rod bago pa man sila ikinasal.

"Julio, napatawad na kita! Patawarin mo rin ako sa lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang ko! Mahal na mahal kita!" bulong ng kanyang isipan habang naka dungaw sa naka himlay na si Julio. Walang boses na lumabas sa kanyang bibig habang ito ay umiiyak. Maya-maya pa ay nilapitan sya ni Betty na hindi rin makatiis, humawak ito sa kanyang kanang kamay saka nagsalita. "Elvie, patawarin mo na kami ng Asawa ko!" halos na uutal na sabi ni Betty hanggang sa napahagulhol na ito sa pag-iyak.

Tumingin lang si Elvie sa kanya na tuloy-tuloy pa rin sa pag-iyak at hindi nya napigilang mapayakap sa dati nyang matalik na kaibigan. "Patawarin mo rin ako!" bulong ni Elvie at tuluyan na ding napahagulhol sa pag-iyak saka nagyakapan ng mahigpit ang dalawa. Naging emosyonal na din sina Hannah, Fritz at Rod ng makita ang dalawa na sa tingin nila ay nagkaayos na rin sa wakas.

Bago pa matapos ang misa saka naman dumating sina Lita at Tiko kasama ang kanilang Anak na si Tyrone na syang nagmamaneho sa kanila. Si Hannah ang nag balita sa kanila, si Tiko ay ninong niya sa binyag at matalik na kaibigan ng kanyang yumaong Papa noong nag-aaral pa ang mga ito sa kolehiyo. Matagal na rin na panahong hindi sila nagkikita kita dahil na destino si Tiko sa malalayong lugar kaya bihira lang itong maka bisita sa kanila.

Dating magkakaibigan sina Elvie, Lita, Betty. Ang tatlo ay mga lider estudyante at aktibista noong nag-aaral pa sila sa kolehiyo, hindi nga lang sila nag-aaral sa iisang Unibersidad ngunit lagi namang magkakasama sa mga external activities ng kani-kanilang University na pinapasukan.

Habang si Julio at Tiko naman ay dati na ding magkaibigan na kumukuha ng Criminology bago pumasok sa PMA. Doon nila nakilala ang isa't-isa dahil lagi silang nagkikita kita tuwing may rally sa loob ng campus na pinapasukan nila Elvie. Ang Department of Criminology kasi ang laging nagbabantay sa t'wing may mga nagaganap na rally at sina Julio at Tiko ang laging naatasang mag bantay sa lugar bilang mga seniors at kilalang magagaling na estudyante sa kanilang departamento.

Doon na nagsimula ang kwento ng kanilang pag-iibigan, pakikibaka at pakikipaglaban.

"Tiko hindi ba't si Elvie yang katabi ni Betty? Mabuti at nagkaayos na silang dalawa", palihim na wika ni Lita sa kanyang Asawa ng makita nya ang dalawa na magkatabing nakaupo sa unahan. Tinignan ng mabuti ni Tiko ang babaeng tinutukoy ng Asawa bago nagsalita. "Si Elvie nga! Ilang taon na ding hindi natin sila nakikita", sagot naman ni Tiko sa Asawa. Nakatayo lang ang tatlo sa may dulo ng simbahan naghihintay na matapos ang misa.

Nagkataon namang papasok si Hannah sa loob ng simbahan galing ng sasakyan nagpapadede sa kanyang Anak ng mapansin ang kanyang Ninong Tiko, agad itong lumapit sa kanya at biglang yumakap. "Ninong! Wala na si Papa!" wika ni Hannah na parang batang nagsusumbong sa magulang, bumuhos na naman ang kanyang mga luha sa mata.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon