"Lihim ng Kahapon" (49)

165 6 0
                                    

Ika-Apatnaput Siyam na Kabanata:

SURIGAO CITY – Halos kakarating lang ni Rona sa kanilang bahay galing ng San Miguel ng makatanggap sya ng international call galing Amerika. Hinatid sya ni Fritz na hindi na rin nag tagal dahil kailangan nyang asikasuhin ang anak, nag plano naman silang mag outing ngayon darating na weekend kasama ang buong pamilya ni Rona.

"Hello my dear cousin! Kahapon pa ako tumatawag sayo but unfortunately hindi kita ma kontak. Anyway, I have a good news to you! Mukhang effective ang plano natin", agad na pagbabalita ni Keanna sa pinsan ng sagutin ang kanyang tawag. "I went to his office and give all the pictures you sent me, mukha namang naniwala talaga sya", dagdag pa nya na ang tinutukoy ay si Dino. "Pero ano ba talaga ang plano mo couz?" Tanong ni Keanna.

"Thank you couz! Alam kong mahal mo sya kaya ipaubaya ko na sya sayo", tugon naman ni Rona na halatang natutuwa sa balita. "At alam ko namang may gusto din sayo si Dino, ayaw lang nyang aminin ang totoo", dagdag pa nya. "Hindi kaya kamunghian ako nun kung malaman nyang magka sabwat tayo?" pag-alalang tanong ng pinsan. "Alam kong mahal ko sya, pero nagi-guilty na ako!" Pagpapatuloy ni Keanna.

Alam ni Rona ang nangyari sa kanilang dalawa ni Dino at Keanna noong malasing ito sa isang bar ng Hotel kung saan andun si Keanna noong panahong hindi sila nagkakamabutihan. Hindi kasi kaya ng konsensya ni Keanna na hindi aminin ang totoo sa pinsan na tinuturing narin nyang matalik na kaibigan. Pero hindi naman ito ang dahilan kung bakit desidido si Rona na hiwalayan si Dino, ang totoo ay mahal pa nya talaga si Fritz, di nga lang nya maamin ang totoo kay Dino kaya't gumawa sya ng ibang paraan na kamunghian sya nito.

"Basta ikaw na bahala sa kanya, alam ko namang matagal mo na syang pinagpantasyahan kaya this is the right time na angkinin mo na sya ng lubusan", nakangiting tugon ni Rona. "But couz! I am really worried, what if!" Pag-alalang tugon naman ni Keanna. "Come on couz! Kung talagang mahal mo sya, gagawin mo ang lahat, I am right?" Panghahamon ni Rona sa pinsan.

Tila ba'y kay bigat ng responsibilidad na gagawin ni Keanna, gusto man nyang bumitaw ngunit hindi nya magawa dahil mahal na mahal nya si Dino. Ngayon pa ba sya bibitaw na ipinaubaya na sa kanya ni Rona ang matagal na nyang pinapangarap? Kaya't wala na syang magagawa kundi panindigan ang lahat at ipaglaban ang kanyang nararamdaman.

"Kailan ba ang uwi mo dito sa Pinas?" Tanong ni Rona. "This weekend na sana, kaya lang I am pretty sure na hindi sasama si Dino", mahinahong sagot ni Keanna. "Well good and I hope na kasama mo sya pag-uwi, basta welcome kayo dito sa bahay namin anytime!" Nagagalak na banggit ni Rona. "Salamat! Will update you couz! Pray for me na sana mag tagumpay ako!" Wika ni Keanna. "Sure couz! You will!" Tugon ni Rona.

Matapos nilang mag-usap ay tila ba'y nabunutan ng tinik si Rona at tuwang-tuwa sa binalita ng pinsan. Buo na ang kanyang loob at handa na syang harapin ang panibagong hamon sa kanyang buhay. Alam din naman nyang maiintindihan sya ni Dino balang araw na hindi talaga sila ang nakalaan para sa isa't-isa.

LOS ANGELES, CALIFORNIA – Laking gulat ni Keanna ng si Dino ang nakita nya ng buksan ang pintuan ng kanilang bahay. Agad syang niyakap nito at hinalikan ang kanyang labi. Tulala si Keanna at walang reaksyon, hindi nya maipaliwanag kung ano ang kanyang nararamdaman, sa sobrang pagkagulat ay naitulak nya si Dino.

"Please don't leave me!" Pagmamakaawa ni Dino na nakahawak sa mga kamay ni Keanna. "Saglit! Hindi ko maintindihan", pag reklamo nya. "I am sorry!" Banggit ni Dino. "Alam kong mahirap paniwalaan ngunit hindi ko kaya pag mawala ka sa buhay ko", pagpapaliwanag pa nya.

Biglang kinabahan si Keanna dahil hindi nya akalaing magkakaganito si Dino, nagsasabi nga ba ito ng totoo o gagamitin lang sya nito upang gantihan ang pinsan? Kung ano man ang dahilan ni Dino ay hindi na importanteng malaman, ang mahalaga ay mapapasa kanya na ang lalaking matagal na nyang hinihintay.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon