"Lihim ng Kahapon" (8)

251 8 0
                                    

Pang-walong Kabanata:

KASALUKUYAN....

Sa dating restaurant sila magkikita at maghapunan ni Fritz at Rona, yong dating maliit na restaurant na malapit lang sa University na kilala sa masasarap nilang isaw. Medyo lumaki na ito at dinadayo na ng maraming tao.

Maaga pa lang ay nagpunta na si Fritz sa lugar na napag-usapan. Pumili na ito ng mga pagkain at ang paborito nilang isaw. Wala naman syang balak na ligawan si Rona ngunit hindi nya alam kung bakit napadaan sya sa isang flower shop at bumili ng mga rosas. Excited itong naghihintay kay Rona.

Maya-maya pa ay tumawag na si Rona sa kanya. "Hi Fritz! Nasa venue ka na ba? Malapit na ako" si Rona na nasa kabilang linya. "Yeah! Alam mo pa ba ang restaurant na ito?" sagot naman ni Fritz sa kanya. "Of course! Paano ko yan makakalimutan, na miss ko na ang masarap na isaw dyan!" aniya ni Rona na halatang natatakam na.

"H'wag kang mag-alala umorder na ako at dinamihan ko na", patawang biro ni Fritz, pero totoo naman talaga umorder na sya ng madaming isaw. "Thank you so much Fritz! Hanapin nalang kita dyan, once I reach the place, ok?" pagkatapos saka pinutol ang linya.

Makalipas ang limang minuto sa wakas ay dumating na si Rona, agad itong pumasok at hinanap si Fritz. Nag flashback lahat ng mga alaala nya sa lugar na ito lalo na ng makita nya si Fritz na naka upo sa mesa kung saan doon lage sila naka pwesto.

Di nya alam kung bakit iba ang saya na kanyang nararamdaman. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib lalo na ng  sinalubong sya ni Fritz dala-dala ang mga bulaklak na rosas kulay pula. "Hi! Flowers for you", bati nya kay Rona sabay abot ng mga bulaklak saka humalik sa pisngi nya. "Wow! Thank you! May bulaklak talaga?" pagkukunwari nya pero kinikilig naman.

"Sana nagustohan mo", aniya ni Fritz na wagas ang mga ngiti sa mga labi nya. "Of course I do!" pag sang-ayon naman ni Rona na nakatingin sa kanyang mga mata nya. "Tara sa mesa", pagyaya ni Fritz.

Masaya ang dalawa at nagkikita silang muli matapos ang sampung taon. Madaming kwetuhan at syempre marami ding kainan. Parang wala pa ring nagbago sa kanila maliban nalang sa naging matured na silang dalawa.

At symepre yong malaking transformation ni Rona na mas lalo sya ngayong gumaganda. "Kumusta ka na nga pala?" tanong ni Rona. "Ang dami na nating napag-usapan ngunit di pa kita na kumusta man lang", dagdag pa niya. "Ito mag-isa pa din, patay na si Mama at Papa, dalawang taon na ang nakalipas, sa isang car accident", pagbabalita nya, halatang malungkot pa din ito pag naalala ang kanyang mga magulang.

"Oh! Sorry to hear that, nakikiramay ako Fritz! Di man lang ako naka hingi ng tawad sa kanila", aniya ni Rona na nalungkot din sa balita. Mula kasi ng magtapos sila sa University ay hindi na nagpakita pa si Rona kay Fritz, dahil na rin sa banta ng kanyang Mama.

At isa pa hindi naman talaga naging sila ni Fritz kumbaga isang gabing kalandian lang ang nangyari sa kanilang dalawa kaya hindi sya interesadong ipagpatuloy pa kahit na gustong gusto niya. At wala na din silang kumunikasyon buhat ng nagpunta na sya ng Amerika.

NAKARAAN....

SURIGAO CITY - Bago lumipad papuntang Cebu City si Fritz para sa kanyang OJT ay tumakbo muna ito kasama ang kanyang matalik na kaibigang si King, sa Surigao City Marathon na gaganapin mismo sa ciudad ng Surigao.

Hindi man sya nakapag insayo ng maayos dahil sa sunod sunod ang trabaho nya sa loob ng campus kahit papaano ay nakapag training naman din sya kasama ang kaibigan. "Goodluck to us Pare, basta slow pace lang ha, h'wag magmadali at wala din namang naghihintay sayo sa finish line", aniya ni King sa kaibigan.

Ang dalawa ay nasa starting area na, naghihintay nalang ng busina sinyalis na magsisimula na ang takbuhan. "Loko ko talaga pare! Oo naman hinay-hinay lang ako, alam mo namang kinulang ako sa trainings, at hindi biro itong tatakbuhin natin, 42Km 'to kaya dapat alalay lang talaga", sagot naman ni Fritz sa kanya. Maya-maya pa ay tumunog na ang busina at isa-isa ng nagtakbuhan ang mga kalahok.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon