Ika-Labing Limang Kabanata:
SURIGAO CITY – Hindi na maipinta ang mukha ng Mama ni Rain ng makita sya sa TV na aktong magsasalita sana ngunit hindi natuloy dahil sa nasabing pagsabog. Halatang nag-alala at hindi mapakali si Lita sa nangyari. Inutusan agad si Tyrone na tawagan ang kapatid.
"Mama, patay pa din po ang telepono ni Utol!" pagbabalita ni Tyrone na maka ilang ulit nyang tinawagan ang kapatid ngunit patay pa din ang kanyang telepono. "Si Josein kaya anak ang tawagan mo", utos ng kanyang Ina. Dali-dali namang tinawagan ni Tyrone ang numero ni Josein ngunit hindi din ito sumasagot. Pilit ni Lita na kalmahin ang sarili, hiling nya sana'y ligtas ang kanyang Anak.
Malamang ay alam na din ito ng kanyang asawa. Mas lalo itong kinabahan sa kung ano ang magiging reaksyon ni Tiko. Di nga nagtagal ay tumawag ito sa kanya. Natataranta si Lita kung ano ang sasabihin, mga ilang beses tumunog telepono bago nya sinagot ang tawag.
"Hello! Lita!" aniya ng kanyang asawa na nasa kabilang linya. "Kanina pa ako tumatawag di ka sumasagot!", pag reklamo nya. Huminga muna si Lita ng malalim saka sinagot ang asawa. "Tiko! Kumusta? Napatawag ka?" kunyari ay wala itong alam sa balita. "Punyeta yang anak mo! Pasaway talaga!" galit na pagkabigkas ng Ama na halos lumuwa na ang kanyang dalawang mata.
"Tiko, huminahon ka! Anong pinagsasabi mo?" pagkukunwari ni Lita. "Manood ka ng balita para malaman mo", utos ng asawa. "Pag nahuli ulit yang pasaway mong Anak, sisiguradohin kong mabubulok na sya sa bilanguan", pagbabanta ni Tiko.
Hindi na nakapag salita pa si Lita dahil pagka banggit nya ay sabay putol ng linya. Naupo si Lita sa salas at naiyak. "Panginoon, sana po ay ligtas ang anak ko", pa ulit-ulit nyang dasal.
EDSA SHRINE – Nasa loob ng isang appliance store na nasa kabilang kanto sina Rain, Rambie at Joan nakatago, nag-alala ito sa kanyang mga kaibigan dahil hindi na nya ma kontak, patay na kasi ang kanyang telepono. At ng maki tawag naman sya gamit ang telepono ni Rambie kina Josein at Chris ay hindi din sila sumasagot. "Diyos ko po, sana ligtas ang mga kaibigan ko!" taimtim nyang dasal.
Makalipas ang isang oras na katahimikan sa daan saka pa lang sila lumabas. Nagtungo agad sila sa may entablado, umaasang nandun ang mga kaibigan. May mga tao pa din sa paligid ngunit hindi na ito sobrang dami tulad ng nauna. Habang naglalakad palapit sa lugar kinabahan sya ng may nakitang familiar na tao sa may gilid ng entablado. Nakatalikod man ito ngunit alam nyang kilala nya ang taong ito.
Nilapitan nya ito at kinalabit. Lumingon ang lalaki at nagulat sya sa nakita. "Fritz?" tanong nya, bigla itong napaatras na tila ba'y isang multo ang kaharap nya. "What are you doing here? Ok ka lang ba? Di ka ba nasaktan?" dagdag pa nya, hindi pa din sya makapaniwalang si Fritz ang nakita nya.
Hindi rin makapagsalita si Fritz at nakatitig lamang ito sa kanya. Masaya ang mukha nito dahil sa wakas ay nagtagpo na din ang kanilang landas. "Ikaw ang kumusta? Salamat at ligtas ka!" Natutuwang banggit nya. "Kanina pa nga kita hinahanap at nag-alala na ako sayo" aniya ni Fritz na hindi napigilang mapayakap sa kanya ng mahigpit na mahigpit.
"Sobrang miss na miss na kita! Salamat sa Diyos at nagkita ulit tayo kahit sa maling lugar, akala ko talaga ay hinding hindi na tayo magkikita", aniya ni Fritz. Kunyare ay hindi sya maka hinga kaya kumiwalas ito sa pagkayakap, hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan nila ang mga dahilan ng kanyang biglang pagkawala.
"Bakit ka nga nandito?" tanong nya ulit. "Mamaya ko na i-kwento sayo, teka hindi ba't kasama mo si Josein at yong dalawang lalaki, nasaan na sila?" aniya ni Fritz. Nagtaka sya bakit alam nyang kasama nya si Josein at dalawang lalaki na ang tinutukoy ay sina Mark at Chris. Ibig sabihin naka sunod ito sa kanila kanina pa?
Maya-maya pa ay lumapit sina Rambie at Joan sa kanila. "Bro, kumusta? Kanina ka pa ba dito? Mabuti at ligtas ka!" aniya ni Rambie ng makita si Fritz, nakipagkamay ito sa knya at ganun din si Joan. "Mahabang istorya Bro, mabuti nga din at ligtas kayo", sagot naman ni Fritz.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...